[22] The Another Unexpected Incident

Start from the beginning
                                    

Nagtungo ako sa ikalimang palapag ng naturang mall dahil doon lang matatagpuan ang shop ng binibilhan ko ng lotion at facial cream. Nakapila pa lang ako sa cashier nang mag-ring ang cellphone ko.

Michael Calling...

Pinindot ko naman agad ang answer button nito atsaka itinapat sa tainga.

"Hmm? Napatawag ka?" Untag ko dito.

"Wala lang. Gusto lang kitang kamustahin. Bakit masama ba 'yon?"

Bakas pa ang panunudyo sa tono ng boses nito.

"Hahaha! Ikaw talaga, ang dami mong nalalaman."

Napapangiti na lang ako sa sarili ko atsaka humakbang dahil sa pag-usad ng pila.

"Nasaan ka?" Tanong pa nito.

"Ah, sumaglit lang ako dito sa binibilhan ko ng lotion at cream sa mukha dito sa mall malapit sa amin. Nagkayayaan din kasi kaming magkaka-opisina na kumain sa labas, eh."

Mahabang sagot ko naman dito.

"Hmmm,"

"Sandali, di ba ngayon 'yong training niyo sa-"

Nahinto ako sa pagsasalita nang makarinig ako ng pagbagsak.

"Hello? Michael? Nandiyan ka pa ba?"

Tanong ko ngunit walang tumutugon sa kabilang linya.

"Two-hundred fifty-one pesos and fifty centavos po lahat, Mam." Di ko namalayang nakwenta na pala lahat ng mga pinamili ko. Pinatay ko na lamang muna ang cellphone ko at kinuha ang pambayad sa wallet ko.

"Here." Iniabot ko naman agad ang bayad sa kahera sabay kuha ng pinamili ko at di na inantay pa ang sukli.

Muli kong tinignan ang cellphone ko sa pagbabaka-sakaling tumawag uli si Michael, subalit tanging ang oras lamang na 12:59 ang nakarehistro sa screen ng cellphone ko. Ayaw ko mang pangunahan subalit kinabahan ako bigla. Hindi ko alam kung bakit, pero ang nararamdaman kong ito, ay katulad ng nararamdaman ko kapag may susunod na insidenteng mangyayari. Pero diba't tapos na iyon.

Nagitla na lamang ako nang bigla na lamang may tumabi sa akin. Nilingon ko naman ito para alamin kung sino ito, at doo'y napag-alamang si Rhea pala itong tumabi sa akin. Mukhang kakagaling lang niya sa isang hardware store gawa ng dala-dala niyang set ng kutsilyo.

Kakamustahin ko pa lang sana ito nang muling mag-ring ang cellphone ko.

"Saglit lang ah! Sagutin ko lang 'to." Paalam ko dito saglit. Tumango lang naman ito atsaka ngumiti.

Lumapit naman muna ako sa fire exit na malapit doon para makusap nang ayos si Michael. Pagkapindot ko ng answer button...

"Jeanella! Stay away from Rhea! You're now the next victim!"

Parang nagising naman ang mga dugo't pulso ko sa palahaw ni Michael sa kabilang linya. Anong ibig niyang sabihin? Paanong ako ang susunod?

Sinulyapan ko naman si Rhea sa pwesto nito dahil sa sinabi ni Michael na layuan ko ito, at nanindig naman ang balahibo ko sa buong katawan nang makita itong nakangisi sa akin habang unti-unting binubunot ang isang kutsilyo sa hawak na shopping bag.

Nang tuluyan na niya itong mabunot ay agad akong pumasok sa loob ng fire exit na nasa likuran ko.

"Ah!" Hiyaw ko naman dahil saktong pagsara ko ng pinto, ay siya namang pagtagos ng isang kutsilyo sa gitna ng pintuan. Buti na lamang at may kalayuan ang mukha ko sa pintuang iyon.

Dali naman akong bumaba patungo sa sumunod na palapag. Subalit hindi pa man ako nakakatuntong sa kalahating bahagi ng hagdanang iyon, ay nagawa nang makapasok nang doppelganger para sundan ako.

Muli itong naghagis ng isa pang kutsilyo, at laking pasalamat ko nang makailag dito.

Dali kong tinungo ang pintuan sa sumunod na palapag, ngunit sadya atang mabilis kumilos ang walangyang doppelganger na iyon at muli na naman siyang naghagis ng kutsilyo. Sa puntong iyon, hindi na ako ang puntirya niya kundi ang pagitan ng hamba at ng mismong pintuan. Tagumpay naman nitong napatamaan iyon dahilan para sumikip ang pintuan at tuluyan akong hindi makalabas.

"Ah! Tulong! Tulong!"

Nagsisisigaw na ako habang pababa patungo sa sumunod na palapag. Hindi ko maintindiha kung ano ang nangyayari. Akala ko ba nalampasan na namin ang kalbaryo naming ito? Pero ano ito? Bakit nasundan? At ang nakakapagtaka, bakit ako? Gayong wala namang numerong '13' sa orasan.

Malapit na ako sa pintuan ng fire exit sa ikatlong palapag nang humarang sa daraanan ko ang mapagbalat-kayong nilalang na iyon. Tinalon niya ito mula ikaapat na palapag.

Pabalik na sana ako paakyat nang mas mabilis pa sa alas-kwatro niyang nahawakan ang buhok ko at muling hinila pababa. Napahiyaw naman ako sa sakit ng pagkakasabunot nito. Para na ngang hihiwalay ang buhok ko sa anit ko. Pumalag ako ng pumalag mula sa pagkakasabunot nito, but to no avail. Nagsisisigaw na lang ako habang pilit na inaabot ang door knob ng pinto na malapit sa amin. Ngunit nang malapit ko na itong maabot, ay muli na naman niya akong hinila at walang anu-ano'y itinulak sa hagdanan na patungo naman sa ikalawang palapag.

Panay ang hiyaw ko sa sakit sa tuwing tumatama ang katawan ko sa kanto ng hagdanan dahil sa pagulung-gulong kong pagbagsak dito. Hindi ko na napigilan pa ang umiyak. Wala na akong kawala nito. Mukhang mapapatay na ako ng doppelganger na ito. Kung gaano pa katagal, wala akong ideya. Basta't ang sigurado ako, ay malapit na ang katapusan ko.

Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa lupaypay kong katawan. Muli nitong hinila ang buhok ko, atsaka iniuntog sa sahig. Again, I shrieked.

"Ah! Tulong! Tulong!"

Ramdam ko ang pagtulo ng malapot na likido na nagmumula sa noo ko. Ang sakit! Para akong hinampas ng bakal sa ulo.

Hinila uli nito ang buhok ko, and for the second time, ay iniuntog ako uli nito sa sahig. Mas lalong tumindi ang sakit na nararamdaman ko. Wala na. Hindi ko na kaya. Nanlalabo na ang paningin ko. Ubos na din ang lakas ko.

Subalit kahit na alam kong unti na lang ang natitirang oras sa akin, ay hindi ko pa din naiwasan ang mapa-isip. Kung sakaling mamamatay na ako ngayon, sino naman ang susunod na makakakita ng insidente para kay Michael? Alam kong maging siya ay magiging biktima, subalit ang tanong nga'y kung paano siya magagawang mailigtas kung heto ako't malapit ng maupos ang kandila.

Susuko na sana ako nang madinig ko ang isang pamilyar na boses.

"My god! Jeanella!" Napaangat ako ng tingin. Kahit na nanlalabo ang paningin ko, sa tindig pa lang nito ay alam kong si Rhea iyon. At kung tama ako, ay may kasama pa ito na nasa likuran niya.

Mukha namang naalarma ang doppelganger nang magpakita sina Rhea, kaya naman dali-dali nitong kinuha ang isang kutsilyo na ipinambato niya kanina. Hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari dahil talagang nanlalabo na ang mata ko. Tanging mga palahaw at daing lang ang nadidinig ko. Nadinig ko pang kumalansing ang kutsilyo sa lapag. Mukhang nahulog ata ito.

Wala na ako sa kondisyon pa para makapag-isip. Unti-unti na lamang akong napapapikit sa sobrang pagod at sakit na iniinda ng katawan ko. Hanggang sa makaramdam na lang ako ng pag-angat ng aking ulo na kalaunan ay ipinatong din sa malambot na bagay.

At alam kong nasa maayos akong kamay nang marinig ang aking pangalan...

... sa boses ni Rhea.


==========

As I had said, hindi pa nga po natatapos ang kwento. Pero gayunpaman, hindi ko na po pahahabain pa ang istoryang ito. Two more chapters then epilogue. Atsaka kung okay lang po sana, sa halip na votes, comment na lang po. Lait-laitin niyo 'yong gawa ko ayos lang basta't makita ko lang po na talagang may nagbabasa nito. At makikipabasa na din po ng new story ko na fantasy ang genre. "A Writer's Fantasy Story". Magugustuhan niyo po 'yon. Pramis! 'Yon lang po. See you to my next update!



Add me on facebook: El Arcturus WP

or follow me on twitter: @el_arcturus

or visit my booklat account: El_Arcturus

The Devil's TimeWhere stories live. Discover now