Eleven

1 0 0
                                    

"Okay na siya sabi ng doktor, kailangan lang niyang magpahinga." Tumabi sa akin si Aster matapos nitong kausapin ng doktor tungkol sa kundisyon ni Johann.

Wala pa rin itong malay habang nakahiga sa isang kama sa loob ng ER. Ako naman ay nakaupo sa isang upuan sa waiting area, si Aster lang ang nasa loob dahil siya naman ang kamag-anak habang ako ay tahimik lang na naghihintay. Nag-aalala ako ng husto, napakabilis ng pangyayari at wala akong ideya khng bakit biglang nasa ospital na ito ngayon.

"K-kamusta siya?"

"Hihintayin lang na magising siya tapos pwere na siyang lumabas. Ihagatid na muna kita tapos ay babalik na lang ako dito para sa kanya.

Sunod-sunod na pag-iling naman ang ginawa ko, hindi naman maaatim ng konsensya ko na iwan na lang si Johann at lalong hindi ko rin naman kayang iwan si Aster na mag-isa.

Kaya minabuti ko nang manatili sa waiting area, hindi naman ako iniwan ni Aster na pumapasok sa loob ng ER kada isang oras.

"S-sorry sa mga sinabi ko kanina. Hindi ko da0at sinabi ang mga iyon sa iyo at lalong hindi ko naman gustong saktan ang damdamin mo. Gusto ko lang naman na pagkatiwalaan mo ko na kaya kong gawin ang bagay na ito, na kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa nang hindi na kinakailangang alalayan mo pa."

"I get it, pero now is not the time to talk about that." Tinignan ako ni Aster pero this time as mas kalmado na siya kesa noong nakita ko siya sa cafe kanina. "I trust you, Eidan. At alam ko namang kaya mo na, natatakot lang ako na baka... nevermind. Basta nandito lang ako para sa iyo, lagi mong tandaan iyon."

"I'll be okay, pangako. Kapag kailangan ko ng tulong, ikaw ang unang makaalam."

And that's how we ptch things up. Ako at si Aster, alam kong hindi niya ako matitiis pero alam kong alam niya na ganoon rin ako sa kanya. Naiintindihan kong nag-aalala lang siya akin at natatakot sa na pwede akong masaktan, pero nangako ako sa kanya na magiging okay ako at iyon ang balak kong gawin.

"What happened to him? Is he okay?"

Nagulat pa kaming pareho ni Aster nang bigla na lang lumitaw sa harapan namin si Jun. Halata ang labis na pag-aalala sa mukha nito pati na rin ang takot nang lapitan niya kami.

Napatayo pa ako mula sa pagkakaupo samantalang si Aster ay hindi manlang natinag.

"N-nagpapahinga siya sa loob, wla pa siyang malay kay hinihin-"

"Umalis ka na, you're nit needed here." Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang bigla sumabat si Aster, his voice sound cold at wala man lang kaamor-amor habang sinasabi iyon na siya namang kinagulat ko.

Mukha siyang galit.

Pero bakit? Ano ba talagang nangyayari?

Tinignan ko si Jun at akmang hihingi ako ng pasensya sa inasal ni Aster pero pinigilan niyang muli ako. Tumayo pa siya at tinignan sa mga mata si Jun at saka inukitbabg sinabi nito kanina.

"Bingi ka ba? Didn't you hear what I have just said? Hindi ka kailangan dito, hindi ka kailangan ni Johann kaya makakaalis ka na." He's firm at alam kong nakuha iyon ni Jun pero ni hindi man lang ito natinag mula sa pagkakatayo sa harapan namin.

"Sa pagkakaalam ko ay nasa loob si Johann at walang malay, alam naman nating ako ang kailangan niya kaya naman wala kang karapatan na paalisin ako." Nilaban ni Jun ang mga titig ni Aster, hindi ko naman maiwasang makaramdam ng kaba dahil ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.

"May karapatan akong paalisin ka, lalo na kung hindi ka naman makakabuti sa kanya."

"Alam kong alam mo na ako ang kailangan ni Johann. Hindi ikaw o kahit sino pa." Matigas ang pagkakasabi noon ni Jun pero wala ring balak na magpatalo si Aster. "Alam kong alam mo rin na kapag papipiliin siya ay ako at ako pa rin ang pipiliin niya."

Aktong susugurin na siya ni Aster kaya naman pumagitna na ako sa kanilang dalawa. Tinignan ko si Jun at nakikiusap na nagsalita para lang magkaroon ng katahimikan sa paligid.

"Please lang, Sir Jun. Kung talagang concern kayo kay Sir Johann ay hahayaan niyo siyang magpahinga muna. Hindi ito ang tamang lugar at oras para piliting kausapin siya dahil pahinga ang sinabi ng doktor na kailangan niya."

Tinignan lang ako nito at hindi na umimik.

"Aster, please." Si Aster naman ang hinarap ko at nakikiusap na pinagsabihan ito. "Hindi na kailangan pang mastress ni Sir Johann ngayon."

"I am not the one causing harm to Johann, kung may dapat umalis dito ay sigurado akong hindi ako iyon."

"I'll be back for him at walang ibang makakapigil sa akin, not you, Aster," Bumaling ito ng tingin kay Aster tapos ay sa akin. "And not even you, Eidan." Iyon lang at tumalikod na ito.

Sa isang iglap ay nawala si Jun sa harapan namin. Naiwan namang nakakuyom ang palad ni Aster na halatang nagpipigil talaga ng galit at ako na naguguluhan pa rin sa nangyayari.

"Aster, pabayaan na pang mula natin si Sir Jun, Sigurado naman akong wala siyang masamang intensyon."

"You don't know him and all hia schemes. Don't ever come near him o kahit ang kausapin siya kapag nilapitan ka niya. Hindi siya magandang impluwensya kay Johann at wala siyang magandang gagawin kapag nasa paligid siya."

Umalis si Aster at pumasok sa loob upang silipin si Johann. Ako naman ay nanatili sa labas habang mas nalalabuan sa nangyayari. Narinig ko nang binalaan ako ni Johann tungkol kay Jun at naiintindihan ko iyon dahil baka may hindi sila pagkakaintindihan pero ang marinig ang mga parehong salita kay Aster ay ibang usapan na.

Ano ba talagang nangyayari? Mababaliw na yata ako.

Makalipas lang ang ilang minuto ay lumabas na rin si Aster, nilapitan ako nito at sinabing gising na si Johann.

"He wants to see you, you can come inside bago kita ihatid pauwi."

At sumunod naman ako.

Nagtungo ako sa loob ng ER upang puntahan si Johann. Pagtungo ko sa kama nito ay bahagya na itong nakaupo at agad na ngumiti nang makitang papalapit ako.

"K-kamusta ka na?"

"Okay naman na ako, kailangan ko lang magpahinga. Ikaw? Natakot ba kita?" Nag-aalala akong tinanong ni Johann, sunod-sunod na pag-iling naman ang ginawa ko saka ako ngumiti sa kanya.

"Ayos lang ako, huwag mo akong intindihin. Ikaw itong nasa ospital. Mabuti na lang at dumating si Aster, kung hindi ay hindi ko alam kung paano kita bibitbitin kanina."

"Umuwi ka muna, gabi na rin. You can take the day off tomorrow. Ako na ang bahalang magsabi kay Timie."

"I will take may day off pero babantayan kita rito."

"Hindi na kailangan, sa bahay na ako magpapahinga."

"Eh di doon kita babantayan. Just to make sure na magpapahinga ka nga at hindi pupunta sa cafe o kung saan."

"I like the idea of you being near me. Pero alam kong magagalit lang lalo si Aster, ngayon pa na alam na niyang sa cafe ka nagtatrabaho. Eh kung wala nga lang ako ritonsa ospital, malamang nagtatalo na kami ngayon."

"Ako na ang bahala sa kanya. Ang kailangan mo ay magpahinga, you don't have to worry about anything."

Ngumiti ito sa akin at tumango. "Yes po."

"Babalik ako dito bukas bago ka lumabas, may gusto ka bang kainin?"

"Ikaw,"

Hooooooy, masakit na nga pilyo pa rin.

"H-ha?"

"Ang ibig kong sabihin ay ikaw, kung anong gusto mong dalhin."

Lord, kinabahan ako doon. Pasensyan na po, ang dumi ng utak ko.

Run To You (BL Story)On viuen les histories. Descobreix ara