Eighteen

2 0 0
                                    

"Kamusta ka?"

Bigla akong napatitig kay Aster nang bigla akong tanungin nito habang magkasama kami. Wala akong pasok sa cafe ngayon kaya naman niyaya ko siyang lumabas para naman makabawi ako sa kanya. Balak kong ilibre siya ng lunch dahil wala naman na akong ibang maisip na pwede ko pang gawin para makabawi sa lahat ng ginagawa niya para sa akin.

"Bakit ganyan ka makatanong?"

"Bakit hindi mo na lang ako sagutin?" Balik na tanong niya sa akin.

"Ano ba naman kasing klaseng tanong yan? Mukha ba akong hindi okay sa paningin mo?" Hindi naman ako nagpatinag at lumaban ng sagutan sa kanya.

"Nagtatanong lang ako, it's been a week already since lumipat ka sa unit ni Johann. Gusto ko lang malaman kung tinatrato ka niya ng maayos?"

"Wow ah! Itay, ikaw ba iyan?"

"Kung tatay mo ako, hindi ko hahayaan na magkrus ang landas niyo ni Johann."

"Luh! At bakit? Dahil ba hindi ako magiging mabuting impluwensiya sa kanya?"

"That... and a bunch of other things. Basta," biglang sumeryoso ang muka ni Aster habang nakatingin sa akin. "If you feel like there is a need for you to leave that place, trust your guts and leave. Maiintindihan ko iyon."

Tumawa lang ako sa pag-aakalang nagbibiro pa rin siya pero agad rin naman iyong napalis dahil sa napansin kong walang nagbabago sa pagkaseryoso ng mukha niya habang tinitignan ako.

"Seryosong tanong Aster, may dapat ba akong malaman?"

Sa halip na sagutin ako ay nanatili lamang siyang nakatingin sa akin.

"Huwag mo akong tignan lang at sagutin mo ang tanong ko na kung dapat ba akong may malaman? Nawiwirduhan ako sa iyo na ganyan ka pero ayaw mo naman magsabi."

"W-Wala ka namang dapat malaman, meron ba?" Balik na tanong naman nito sa akin at doon na ako nagsimulang mainis sa kanya.

"Alam mo ikaw, kumain ka na lang. Bago ko pa ako maasar sa iyo."

At nagpatuloy na kami sa pagkain. Hindi na ulit namin napag-usapan pa ni Aster ang tungkol sa pananatili ko sa bahay ni Johann buong araw na magkasama kami. Madami pa kaming ginawa matapos iyon dahil kinailangan ko siyang samahan sa isang department store dahil may kailangan daw siyang bilhin.

"Here," Mayamaya pa ay may inaabot ito sa akin na isang paper bag. Alam ko ang laman noon dahil ako ang pinapili niya kanina ng partikular na damit na iyon sa pag-aakalang kailangan niya ng tulong ko dahil hindi suya majapagdesisyon sa kung ano ang bibilhin.

At nang hindi ko iyon kuhain sa kanya at sa halip ay tinitigan ko lang ang paper bag na binibigay niya sa ajin ay umakto itong naiinip.

"Bilisan mo na at nangangawit ako." Pagmamadali pa nito sa akin.

"Ayoko nga, para saan ba iyan? Hindi ko naman birthday at wala namang espesyal na okasyon."

"Regalo ko iyan para sa iyo... for getting a regular job. Huwag ka nang umarte, kunin mo na at nangangawit na ako.'

"Ayoko nga, sa iyon yan. Isuot mo dahil ikaw ang bumili." Malaking tanggi ko sa binibigay niya.

Sa totoo lang ay nahihiya ako kay Aster kapag ganito siya. At kahit pa alam ko naman na he's willing and able to do such things, ayoko rin naman na abusuhin ang kabaitan niya sa akin. Ngayon oa lang ako nagsisimylang bumawi sa kanya at lunch oa lang ang kaya kong bilhin pero heto naman siya at sinasampal ako ng pagiging hampas-lupa ko.

"Binili ko nga para sa iyo, besides, ikaw ang pumili and to be honest eh it's not my style. Kaya kunin mo na at huwag mo na akong artehan." Kinuha pa ni Aster ang isang kamay ko at inilagay roon ang string na handle ng paper bag at saka ito naglakad papalayo sa akin. "Bilisan mo na at gusto kong kumain ng ice cream."

Run To You (BL Story)Where stories live. Discover now