Five

1 0 0
                                    

"Good morning!" Masayang bati sa akin ni Timie pagpasok ko sa cafe.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligod at nakitang malinis na ang buong dining area. Napakamot na lang ako dahil pakiramdam ko ay wala na akpng gagawin pa.

"Bakit?" Tanong sa akin ni Timie nang makita marahil na palinga-linga ako.

"Malinis na ang buong dining area, ano pang gagawin ko?"

Napatawa naman ito sabay akbay sa akin. "Don't worry, tiniran kita ng gagawin. Hindi ko pa napapasadahan iyong mga glass window, pwede bang ikaw na lang gumawa? Kailangan ko pa kasing i-set up iyong bar. Tapos mamaya, tuturuan kita magmix ng drinks at gumawa ng mga signature coffees natin."

Nakangiti lang akpng tumango. Tapos ay intinuro na nito sa akin ang locker area, meron kaming isang maliit na kwarto roon na may locker at bihisan, may upuan rin at maliit na pantry kung kailangan naming magpahinga o di kaya ay kumain tuwing break.

"Grabe, napaka-employee friendly naman nitong workplace natin." Hindi ko na napigilang bumulalas.

"Tama, Boss Johann made sure na komportable ang mga empleyado niya."

"Mukha nga,"

"O siya, maiwan na kita. Labas ka na lang kapag tapos ka na magbihis. Doon lang akp sa counter."

"Sige, salamat!"

Nakangiting lumabas si Timie papunta sa bar counter ng cafe. Samantalang ako naman ay nagsimula nang mabihis at mag-ayos. Nang matapos ako ay agad naman na akong lumabas upang upisahan na ang paglilinis ng mga salamin.

Kailangan kong sipagan para man lang makabawi sa kabaitan ni Johann sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagkapera at nakapayad ako sa renta kahapon. Ang buong akala ko ay magigisa ako ng husto ni Aling Mayet.

Pagpabas ko ay itinuro na ni Timie sa akin ang gagawin. Halos glass window ang paligid ng cafe kaya naman kahit maaga pa lang ay mukhang mapapalaban na ako. Sinimulan ko na sa labas, inuna kong linisin ang salamin na malapit sa parking area.

Hindi pa ako natatapos sa isang salamin ay napansin ko na ang isang sasakyan na pumark sa parking area ng cafe. Malayong customer iyon dahil hindi pa kami bukas at mamayang alas diyes pa kami open for operation kaya naman isa lang ang hinala ko.

Walang iba iyon kung hindi si Johann.

Kunwari ay ipinagpatuloy ko ang ginagawa at hindi ito pinansin. Binati naman ako nito nang mapadaan sa gawi ko na siya ko namang ginantihan tapos ay naglakad na siya papasok ng cafe.

Wala na akong nagawa kung hindi ang titigan na lamang ito habang naglalakad palayo sa akin at naisip kong mas gwapo pala ito sa umaga.

Mabilis kong natapos ang labas na mga salamin, pumasok naman ako at nakitang malinis pa naman ang loob kaya nagtungo na agad ako kay Timie upang tulungan ito.

"Ang bilis mo ah, tiyak akong matutuwa sa iyo si Boss Johann."

"Naku wala iyon, maliit na bagay. Pero teka, sabi mo kahapon hindi siya madalas dito?"

"Oo, minsan twice a week lang, minsan thrice pero hindi siya nag-e-everyday. Bakit?"

"W-wala naman. Naisip ko lang kasi nandiyan siya,"

"Oo nga eh, usually kapag Wednesday hindi naman siya nagpupunta."

Nagkibit balikat lamang ako, tapos ay tinanong ko si Timie kung ano pang maitutulong ko sa kanya.

Wala kaming ginawa ni Timie buong umaga kung hindi magtraining. Madali ko namang nakukuha ang mga itinuturo niya sa akin at kahit papaano naman ay nakakasunod ako. Kapag madali lang ang gagawin at kaya ko naman ay pinapabayaan na lamang niya ako na gumawa.

Naging abala rin kami dahil sunod-sunod ang dating ng mga tao simula nang magbukas kami na ikinatuwa ko naman.

"Ayos ka lang? Medyo maraming tao dahil labasan ng mga estdyante pero usually naman ay relax lang tayo lalo na sa hapon tapos busy ulit sa gabi." Timie tried his best para maging komportable ako at para masigurado na hindi ako nahihirapan. Na siya ko namang pinagpasalamat.

Overall ay naging masaya ang unang araw ko sa trabaho, hindi naman din ako nahirapan lalo na at ginagawa ko naman na ito dati sa ibang mga part-time work ko dati.

Isa lang ang ipinananalangin ko na huwag mangyari at iyon ay ang pumunta si Aster dahil malamang na aawayin akp noon kapag nalaman niyang tinuloy ko ang plano ko.

"Eidan, wala kasi si Joyce. Eh kailangan i-serve ng miryenda ni Boss sa opisina niya. Pwede bang ikaw na lang ang magdala?"

Hindi ako makapaniwala, siniguro ko pang tama ako ng dinig at totoong para kay Johann ang pagkaing dadalhin ko.

"Oo, ganitong oras kasi kumakain iyon sa hapon. Pakidala mo na lang saglit, please." Pakiusap ni Timie sa akin na malugod ko namang gagawin.

Hindi na niya kailangan pang makiusap.

Kumilos ako upang magtungo sa opisina ni Johann. Kumatok pa akp upang ipaalam rito na naroon ako at dala ko ang pagkain niya. Nang marinig kong nagsalita ito upamg papasukin ako ay agad naman akong sumunod.

"Pagkain niyo po, Sir."

"Pakibaba na lang diyan." Itinuro nito ang mesa nito. Tapos ay nag-angat ito ng mukha upang tignan ako. "Thank you, Eidan."

"You're welcome po," Tumalikod na ako para sana lumabas ngunit bigla kong naalala ang signing bonus ko kahapon. "Oo nga po pala, Sir Johann. Thank you po pala sa pinadala niyong pera kahapon."

"You don't have to thank me, lahat naman ng empleyado ng cafe nakatanggap rin noon." Sabi pa nito sa akin.

Pero kahit na, malaking bagay pa rin ang nagawa noon para sa akin kaya naman ganoon na lang ang pasalamat ko sa kanya.

"Alam ko po, pero gusto ko lang magpasalamat dahil malaking tulong sa akin iyong pera na pimadala ninyo." Ngumiti pa ako ng pagkatamis-tamis sa kanya.

Kalmahan mo lang, uy!

"Don't mention it,"

"Sige po, mauuna na po ako." Nagpaalam na ako at saka ako lumabas.

Pagkasarado ko ng pintuan ay halos matunaw na ako sa kinatatayuan ko. Para pa rin akong nakalutang dahil sa presensya nito. Na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapaniwalaan.

Ang swerte ko pa rin. Grabe ka po talaga, Lord.

Run To You (BL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon