Three

9 1 0
                                    

"You're hired. Just ask Timie for your schedule and he'll let you know everything that you have to do."

Nakatanga pa rin ako at hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"T-tanggap na ako?" Ulit ko pa rito para lang makasigurong tama ako ng rinig.

"Oo, kakasabi ko lang hindi ba?"

Sabi ko nga eh.

"Bago ka umalis ay hingin mo kay Timie ang uniform mo. Tapos ay bumalik ka rito ng eight AM bukas, he'll show you what to do."

Kung hindi lang kasalanan kay Lord ay kanina ko pa niyakap ang lalakeng 'to.

Wala naman siyang kung ano-anong tinanong sa akin maliban na lang sa ilang basic interview questions. Ni hindi nga ito nagtanong ng experiences ko o kung tajen na ba ako o hindi pa.

Pero syempre, joke lang iyon. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na na si Johann pala ang may-ari ng cafe na ito at siya pala ang magiging boss ko.

Ngayon ko kang rin napagtanto kung bakit ganoon na lang ang pagpipigil sa kanya ni Aster kanina.

Bago ako umalis ay may isa akong ipinakiusap kay Johann. Bilang alam kong magpinsan sila bi Aster ay kinapala ko na ang mukha ko para sabihan ito.

"Ahm, m-may ipapakiusap lang sana ako. K-kung okay lang sana."

Itinigil pa ni Johann ang pagbabasa ng laman ng folder na hawak nito at saka ako tinignan.  Muntik oa akong hindi makapagsalita dahil nakakatulala talaga siya at malamang kahit sino ay ganoon rin ang sasabihin dahil para siyang anghel na bumaba mula sa langit.

"What is it?"

"K-Kung pwede lang sana eh huwag na muna nating sabihin kay Aster na dito na ako magtatrabaho, alam mo kasi bestfriend ko ang p-pinsan mo at sin-"

"I know," Halos matunaw ako sa mga titig niya sa akin kaya ako na ang umiiwas paminsan. Hindi ko matagalang nakatitig sa akin ang magaganda niyang mga mata at lalo hindi ko matagalang nasa akin lang ang atensyon niya. "Don't worry, we're not the tyoe na nagkukwentuhan ng nagyayari sa mga buhay namin araw-araw. Isa pa, I have a lot on my olate already para isipin ko pa at intindihin ang issues niyo ni Aster."

Suplado nga.

"Kung wala ka nang sasabihin eh owede ka ng umalis, just be sure na hindi ka mahuhuli pagpasok mo bukas." Iyon lang ang sinabi nito at muli na siyang nagpatuloy sa binabasa niya.

Agad ko namang tinungo ang pintuan upang lumabas. Hinahanap ko rin si Timie at sinabi sa kanya ang mga sinabi ni Johann kanina. Wala namang mapagsidpan ang tuwa nito nang malamang tanggap na ako dahil may makakasama at makakausap na raw siya.

Karamihan kasi ng staff na naroon ay higit na mas matanda sa kanya dahilan upang wala siyang makausap masyado.

"I knew it, matatanggap ka."

"Hindi nga ako makapaniwala, akala ko talaga ay hindi ako papasa sa kanya."

"Baka nacute-tan sa iyo."

Ene be nemen te, pereng tenge.

Nagtawanan kaming pateho ni Timie tapos ay nagpaalam na ako sa kanya. Bago ako umalis ay ibinigay rin nito sa akin ang uniporme na isusuot ko bukas pati na rin ang apron at cap na katulad ng suot niya.

Mabait siya sa akin simula kanina pa pagpasok ko kaya naman nakagaanan ko kaagad siya ng loob. Pero ang hindi ko inasahan ay ang makita si Johann at ito pa ang magiinterview sa akin. Hindi ko inasahan na sa ganito ko siya makikita.

Mahal pa rin ako ni Lord kahit pa eventually ay sila rin ang magkikikita sa finals.

Syempre masaya naman akong kay Lord siya mapupunta. Una sa lahat, mukha naman talaga siyang mabait, considerate at maalaga sa lahat. No wonder ganoon na lang ang pagkagusto sa kanya ng mga tao niya ritobsa cafe. Pangalawa, mukha rin siyang anghel, lalo na iyong mga mata niya na animo'y nangungusap kapag nakatingin at ang pinakahuli ay bagay siguro talaga sa kanya ang maging servant ni Lord.

Mukhang kailangan ko na siyang ipaubaya dahil doon.

"See you, tomorrow. Sobrang saya ko talaga na natanggap ka, at least hindi na lang sarili ko ang kakausapin ko."

"Ako rin, pero may tatanong sana ako sa iyo."

Napatanga sa akin si Timie habang hinihintay kung anong itatanong ko sa kanya.

"Kilala mo ba si Aster? Madalas ba siya rito?"

"Si Sir Aster? Iyong pinsan ni boss?" Marahil ay nagtatakha ito kung bakit kilala ko si Aster kaya naman pinaalam ko na rito ang gusto niyang sabihin.

"Kilala mo siya? Lage ba siyang nandito?"

Nag-isip muna si Timie tapos ay sumagot rin agad. "Kilala ko siya, pero parang isang beses ko pa lang siyang nakita rito, noong opening lang."

"Do hindi naman siya madalas nagpupunta rito?"

"Parang hindi naman."

At tuluyan na akong nakaluwag. Hindi naman sa gusto kong maglihim kay Aster, pero ayoko lang maging pabigat pa sa kanya. Ayokong isipin ng ibang tao ba kaya lang sinasamahan si Aster ay dahil may napapala ako rito. Nangyari na iyon noonhabang nag-aaral pa kami at ayoko nang maulit oa ang bagay na iyon.

Tumango lang ako tapos ay nagpaalam na rin ako kay Timie. Magiliw naman nagpaalam rin ito sa akin na hinatid pa ako sa labas ng cafe.

"Bye, Timie. See you!"

"See you tomorrow, Eidan."

----------

Habang naglakakad ako pauwi ay walang mapagsidlan ang saya ko. Una, dahil finally ay natanggap na ako sa trabaho at ikalawa dahil hindi ko lang nakilala si Johann tulad ng gusto kong mangyari kung hindi dahil ito rin ang magiging boss ko.

Ipagpapasa-Diyos ko na lang ang magiging galit ni Aster sa akin dahil sa hindi ko pagsunod sa kanya. Alam ko namang hindi niya ako matitiis.

Bahala na si Batman.

"Lord, thank you for today and for the coming days, hiramin ko kang po muna si Johann, ibabalik ko rin po siya sa inyo."

Nasa tapat na ako ng tinutuluyan kong apartment ko nang mapansin kong tila may naghihintay sa akin. Natigilan ako dahil hindi ko makilala kung sino iyon ngunit hindi rin nagtagal ay humarap na ito at doon na lang ako napaantanda.

Lupa, lamunin mo na ako.

Run To You (BL Story)Where stories live. Discover now