Sixteen

3 0 0
                                    

"Bakit ka pumayag?" Nagtakha ako sa tanong ni Johann sa akin. Kasalukuyan kaming nasa terrace ng unit niya habang pinagmamasdan ang langit na puno ng bituin at ang paligid na nababalot ng ilaw mula sa mga gusali na nasa baba.

"Dapat ba hindi?" Nakangiti namang tanong ko sa kanya sabay tingin dito.

"Hindi naman, nagtakha lang ako."

"Can I be honest with you?"

Ito naman ang nagtakha, mabilis niya akong tinignan na para bang iniintay ang iba pang sasabihin ko.

"Shoot,"

"Sa totoo lang, matagal ko na nang hinihintay na mangyari ang bagay na ito... I mean hindi iyong part na makasama ka sa isang bubong ah. Kung hindi iyong parte na makilala kita at makita. I always wanted to meet you, dati kasi sa university, palagi lang kitang tinitignan mula sa malayo. I was always wondering kung anong pakiramdam na malapit sa iyo."

Hindi makapaniwalang tinignan ako ni Johann, hindi ko alam kung nawiwirduhan ba siya sa sinabi ko o kung ano pa man. Basta nakatingin lang siya sa akin.

"I hope I didn't scare you?"

Sunod-sunod na iling ang ginawa ko. "Hindi naman, sa totoo lang, sa mga nangyayari ngayon, this is more than what I asked for."

"So... sana naman hindi kita napapahirapan."

"Hindi naman, masaya naman ako sa nangyayari. Besides, you needed me."

Napatulala naman si Johann sa akin kaya naman mabilis kong binawi ang sinabi ko.

"A-ang ibig kong sabihin eh k-kai-"

"Nope, you're right. Kailangan nga kita, I need you desperately."

Ikinagulat ko ang sinabi ni Johann ngunit bago pa man ako makapagsalita ay biglang tumunog ang doorbell bg unit nito dahilan upang tumayo ito upang pagbuksan ang bagong dating.

Pagbalik nito sa pwesto namin ay may dala na itong isang bucket ng manok at apat na beer na nasa isang plastic bag.

"Nag-order ako ng makakain, kanina pa tayong hapon huling kumain baka nagugutom ka na."

"Ayos lang ako, ikaw?"

Hindi ko na nagawa pang tanungin ang tungkol sa sinabi niya kanina, inabala naman ni Johann ang sarili sa pag-asikaso ng pag-aayos sa pagkain namin. Kumuha pa ito ng lagayan sa kusina maging ng baso para sa beer naming dalawa.

"When do you plan to move-in?" Mayamaya pa ay tanong nito sa akin. Marahil dahil napatulala ako sa kanya kaya naman agad niya iyong binawi. "I mean, kailan mo gusto? It's up to you, no need to rush."

Napangiti na lamang ako pagkakita ko sa kanya habang namumula.

"Bukas, after shift."

"Sa cafe ako bukas maghapon, sabay na tayong umuwi dito."

"Maalala ko, pwede bang humingi ng pabor? Kung pwede lang huwag na muna nating ipaalam sa mga nasa cafe na magkasama tayo sa bahay, a-ang ibig kong sabihin, ayoko lang na may masab-"

"Timothy knows its already, sinabi ko na sa kanya the other day."

"T-Timothy?" Inisip ko pa kung sino ang binanggit niya tapos ay bigla kong naalala si Timie. "Si T-Timie ba ang sinasabi mo?"

"Oo siya nga,"

Wala na pala akong magagawa dahil alam na ni Timie ang lahat.

----------

Kinabukasan, tulad ng inaasahan ay ang pananatili ko sa bahay ni Johann ang bungad na tanong sa akin ni Timie pagpasok ko sa cafe. Nakakailang hakbang pa lamang ako papasok ay sinalubong na ako nito upang tanungin.

"Totoo nga?"

Sa halip na sumagot ay nagpatuloy lang ako sa paglakad patungo sa locker at nagkunwaring walang narinig. Hindi pa man ako nakakapaglapag ng gamit ay naroon na muli si Timie upang mangulit.

"Timie, alam kong sinabi na sa iyo ni Sir Johann iyong paglipat ko, pero pwede bang huwag na natin ipaalam sa iba? Kaya huwag ka na sanang maingay."

"Wala namang ibang nakakaalam kung hindi ako. Kaya relax ka lang, besides, pabor ako sa balak ni si Johann na pastayin ka sa bahay niya, for whatever reason it is. Alam kong makakabuti iyob sa kanya."

"Makakabuti?" Bigla akong naguluhan sa sinabi ni Timie. Natigilan pa ako sa pagaayos ng gamit ko sa locker habang nakatingin sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi naman ako ang tamang tao para magsabi sa iyo kung bakit, pero ngayon pa lang gusto ko ng magpasalamat sa iyo."

"Wala akong maintindihan sa mga sinasabi mo."

"Hihintayin kita sa labas, medyo maraming tao ngayon dahil may reservation tayo for twenty people. Tulungan mo na lang ako mag-ayos ng dining area kapag okay ka na." At iyon lamang ang sinabi ni Timie, lumabas na rin ito upang hayaan akong makapagbihis ng uniporme.

Saglit lang rin ako sa employee's room at lumabas na rin ako. Tulad ng sinabi ni Timie ay naging abala kami dahil nakabook ang cafe para sa isang event at halos lahat ay maraming ginagawa. Maging si Johann na kanina lang ay nasa opisina nito ay tumulong na rin sa kusina dahil hindi nakapasok ang isang kitchen staff namin.

"Okay ka lang?" Tinanong pa ako nito nang pumasok ako sa kusina upang kunin ang ilang pagkain na kailangan nang i-serve.

Tumango lang ako at saka ngumiti tapos ay mabilis rin akong lumabas dala ang dalawang serving ng pasta na nasa magkabilang kamay ko.

Ilang beses pa akong nagpabalik-balik sa kusina at ilang beses ko ring nakita si Johann na abala sa pag-aasikaso roon. Ilang beses rin akong nginitian nito na ginantihan ko rin naman kahit pa hindi ko pinapahalata sa iba.

Natapos naman namin ang event ng maayos. Nagliligpit na kami ni Timie aa dining area nang saglit akong iwan nito upang magtapon ng basura.

Tinatapos ko naman ang pagpupunas ng mga mesa nang magulat ako dahil biglang may nagsalita sa gawi ng counter malapit sa mesang pinupunasan ko.

"Iniiwasan mo ba ako?"

"Anak ng kalabaw!" Bulalas ko pa matapos magulat dahil ang buong akala ko ay bumalik na ito sa opisina niya.

Narinig kong tumawa si Johann. Hindi ito ang unang beses na nakita ko siyang tumawa pero ito ang unang beses na nakita kong magaan ang awra niya.

"Mukhang hindi mo ako napansin, I was planning on staying silent hanggang sa mapansin mo ako pero mukhang uugatan na ako at lahat eh hindi mo ako papansinin man lang." Kunwari ay reklamo pa nito sa akin.

Itinigil ko ang ginagawa ko at tinignan siya. "Hindi ko naman alam na nandiyan ka, busy po ako."

"Mukha nga," pagkaraan ay mngumiti ito sa akin. "Gutom ka na ba? Anong gusto mong kainin pag-uwi natin?"

"Kahit ano, ikaw na ang bahala."

"Okay, mag-oorder na lang ako mamaya bago tayo umuwi."

"Actually, gusto mo magluto na lang ako.  Para hindi ka na mag-oorder?"

"Next time na, alam kong pagod ka. Kaya mag-order na lang tayo for now."

Tumango naman ako bilang pag-sang ayob sa kanya.

Sa huli ay hinayaan na ako ni Johann na tapusin ang ginagawa ko. Nagtungo ito sa kusina habang ako naman ay lumipat na ng ibang mesa na lilinisin. Bumalik na rin si Timie mula sa labas at tinulungan na rin ako.

Pauwi na kami, ako at si Timie na lang ang naiwan upang magsara ng cafe. Nauna na ang ibang staff pauwi dahil si Timie naman ang key holder.

Mayamaya pa ay sinenyasan na ako ni Timie na mauna sa parking lot, nginuso pa nito ang sasakyan ni Johann sabay taboy sa akin.

"See you tomorrow." Sabi pa nito sabay lakad palayo sa akin.

Naglakad na ako patungo sa sasakyan ni Johann. Nagulat pa ako nang lumabas ito ng sasakyan at saka ako pinagbuksan ng pintuan.

"Lets go?"

Natulala na lang ako sa nangyari. Hindi pa rin ako makapaniwala at kasabay ng pagkatulala ko ay mistula akong nagsunod-sunuran na lamang sa kanya.

Bakit naman ganon, Lord?

Run To You (BL Story)Where stories live. Discover now