Eight

1 0 0
                                    

"How was it?"

Hindi na ako nakasagot sa tanong niya nang tikman ko ang niluto niya dahil natulala na lang ako dahil sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Marahil dahil gusto niyang makita ang reaksyon ko matapos kong tikman ang gawa niya.

Bahagya pa akong lumayo tapos ay nag-isip.

"M-masarap, lahat naman masarap."

Pero mas masarap ka. Sabi ko naman sa isip ko. Sino ba namang hindi matutulala, dati iniisip ko lang 'to, actually makilala nga lang siya okay na ako. Pero ngayon magkasama pa kami, nalalapitan ko siya at nakakausap.

Ano pa bang pwede kong hilingin?

Plus, I have the priviledge na matikman ang luto niya.

Lord, anong ginawa ko sa past life ko para biyayaan niyo ako bg isang Johann sa buhay ko?

"Talaga? Hindi ba dahil gusto mo lang maging careful sa lahat ng sinasabi mo?" Anito na parang ayaw pang maniwalang nasarapan nga ako sa kanya... este sa luto niya pala.

"Hindi 'no. Masarap talaga, swear. Saka ano bang hindi kapani-paniwala sa mga sinabi ko? After ko malaman na ikaw ang may gawa ng lahat ng menu ng cafe, hindi na nakakapagtakha iyon."

Tinignan lang ako nito na para bang nagtatanong kung paano ko iyon nalaman.

"Si Timie, sinabi niya akin kanina. Nabanggit kasi niya na may food testing ka raw para sa menu ng cafe kaya late tayo mag-oopen. Sinabi rin niyang ikaw ang nag-put up ng halos lahat ng pagkain sa menu, isa pa, masarap namab talag ang luto mo. Pwede ka nang mag-asawa."

Tumawa naman ito at ganon na rin ang ginawa ko. Tinignan ko si Johann at hindi ko mapigilan ang mangiti, hindi dahil sa may gusto ako sa kanya kung hindi dahil nakikilala kong mabait talaga siya. I didn't ask for too much except ang makilala lang siya pero ang makasama siya sa trabaho at maranasan kung gaano ito kabait ay sobra-sobra na.

"Actually, hindi lang naman ako ang nagput-up ng lahat dito sa cafe. I had some help, and some of it came from... J-Jun." natigilan pa ito saglit na parabang ayae niting banggitin ang pangalan ng huli ngunit ginawa rin niya.

"Ah, so business partner kayo?"

"Dati," mabilis ang naging pagsagot ni Johann sa akin. "But we have to terminate the partenrship."

Kaya pala ayaw niya nang i-entertain si Sir Jun.

"Sayang naman,"

"Bakit sayang?"

"Syempre all of these are both your ideas, pinag-isipan at pinaghirapan niyo ang lahat ng ito. Tapos syempre mahirap i-let go iyon basta. I wonder how he's feeling."

"Mukha namang okay lang sa kanya." Napansin kong nagbago bigla ang tono ni Johann. Mas naging seryoso ito at nag-iiwas na rin ng tingin sa akin. "Sometimes, you just have to let go of the things that are not working anymore."

Luh, iyong cafe pa ba iyong pinag-uusapan namin?

Hindi na ako nagsalita, hinayaan ko na oang siyang gawin ang dapat niyang gawin. Nagpaalam na rin ako sa kanya dahil mukhang hindi na niya ako kailangan pa.

At tangin na lang ang ibinigay nita sa akin.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nalungkot. Alam kong wala naman ako sa posisyon para magkaganito pero hindi ko maiwasan lalo na at nalaman kong hindi lang pala pagiging magkaibigan ang meron sila.

"Oh, tapos na kayo?" nasalunong ko si Timie na magtutungo sa kusina ngunit pinigilan ko siya.

"Oo, tapos na. May itatanong pala ako sa iyo, doon muna tayo sa counter." Hila ko ang kamay nito at wala na siyang nagawa kung hindi ang sumama sa akin.

----------

"Anong ginagawa mo? Bakit nakatulala ka riyan?" Sita ko kay Timie nang napansin kong hindi ako sinasagot nito. May tinatanong kasi ako tungkol sa isang order pero ni hindi man lang ako nito pinansin.

"Pansin mo ba? Parang halos araw-araw na nandito si Boss Johann." Sabi pa nito hababg nakatingin sa isang sulok ng cafe.

Tinignan ko ang direksyon kung saan siya nakatingin at nakitang nakaupo sa isang mesa sa bandang bintana ng cafe si Johann. Abala ito sa pagtingin ng Ipad nito at sa mga papel na naroon.

"Napansin ko nga rin, pero cafe naman niya ito so natural lang namang nandito siya."

"Hindi naman sa ganon, naoansin ko lang naman. Tapos bigla ring nagpakita si Sir Jun. Eh ang tagal na 'nong hindi nalitaw dito."

Gusto ko sanang tanungin si Timie tungkol kay Jun pero hindi ko yata kayang masaktan ngayong araw kaya minabuti kong manahinik na lang. Wala rin namang magagawa ang pagmamarites ko dahil baka ang ending ay ako lang rin hindi makakamove-on.

Feeling jowa?

----------

Sarado na ang cafe, nasa labas na ako at isasara na sana ang pintuan nang may mapansin akong parang nagtatalo sa parking area.

Tinignan ko iyon matapos masigurong nakasarado na ang lahat. Mukhang si Johann iyong isa pero hindi ko makilala kung sino ang kausap nito dahil nakatalikod ito mula sa kinaroroonan ko.

It does not look good, parang nagtatalo ang mga ito o kung ano. Nag-stay pa ako ng ilang mainuto at nang pakiramdam ko ay sumosobra na ang pagiging marites ko ay doon na ako nagdesisyon na umalis na lang at hayaan silang mag-usap.

Tatalikod na sana ako ngunit bigla naman akong natigilan nang makita kong itinulak ni Jun si Johann. Hindi na ako nag-isip pa at mabilis na tinungo ang pwesto nila. Inalalayan ko sa pagtayo si Johann na nakaupo pa rin sa semento dahil sa pagtulak sa kaniya ni Jun. Samantalang galit lang na nakatingin si Jun sa kanya.

"Leave." Iyon lang ang narinig kong sinabi ni Johann sa kausap. Wapa namang sinabi pa si Jun, umalis lang ito at nagtungo sa sasakyan niya.

Nakatayo na kami ni Johann, walan naman siyang sinabi at tahimik lang na pinapagpag ang damit niya.

Mayamaya pa ay nasilaw naman ako sa ilaw ng papaalus na sasakyan na alam kong si Jun, nagulat na lang ako ng hilahin ako ni Johann palapit sa kanya habang walang abog na dumaan ang sasakyan sa harapan namin.

Nagulat akonsa ginawa ni Jun dahil parang intensyon niyang dumaan malapit sa amin. Pero ang mas kinagulat ko ay ang paghila sa akin ni Johann, nasa braso ko pa rin ang isang kamay niya na kahit na malayo na si Jun ay hindi oa rin niya binibitawan.

"I'm s-sorry. Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong nito sa akin.

Binitawan na niya ang braso ko ngunit sobrang lapit pa rin namin sa isa't isa. Tapos ay marahan niyang tinapik ang ulo ko.
Palibhasa ay mas matangkad siya sa akin kaya nagmistula akong batang tinatapik niya.

"Muntik ka na masaktan dahil sa akin, pasensya na."

Lord naman, bakit naman ganito?




Run To You (BL Story)Where stories live. Discover now