Twenty-One

2 0 0
                                    

"Nagpatulong daw sa iyo si Timie para sa team building ng cafe?"

Nakauwi na kami sa unit ni Johann nang tanungin niya ako tungkol sa team building. Alam na pala niya na tutulungan ko si Timie at malamang ay nagsabi na rin ito sa kanya kaya naman nalaman nito iyon.

"O-oo, humingi siya ng tulong sa mga kailangan pang bilhin at dalhin para sa team building natin. O-okay lang naman hindi ba?" Nag-aalangan na tanong ko pa dahil hindi ko alam ang magiging reaksyon niya.

"Okay lang naman, kung okay lang sa iyo. Hindi na kita natanong dahil alam ko namang nag-aadjust ka pa rin sa trabaho sa cafe. Pero kung okay lang sa iyo, okay lang naman sa akin." Ngumiti pa siya ss akin tapos ay tumango-tango pa pagkatapos.

"M-may sasabihin ka pa ba?"

I was hoping he'd open up about what happened earlier with Jun ngunit hindi na ito kumibo pa kaya hinayaan ko na lang. Hindi na rin ako nagtangkang magtanong dahil alam kong wala naman akong karapatan.

Ayoko na rin guluhin pa ang isip niya at hahayaan ko na lang silang mag-asikaso ng kung anumang gusot ang meron sila.

"Wala na, magpahinga ka na muna. Mag-oorder na lang ako ng pagkain natin."

Tumango-tango lang ako at saka ako nagtungo sa silid ko.

Inabala ko ang sarili sa pagkalikot sa telepono ko. Hindi ko naman namalayan ang oras katagalan dahil nakaidlip ako at nakatulog.

Naalimpungatan na lamang akong tila may nakatingin sa akin kaya naman napabalikwas agad ako ng bangon para lang makitang nakatayo sa gilid ng kama ko si Johann, akmang gigisingin niya sana ako ngunit kahit siya ay nagulat nang bigla akong bumalikwas ng tayo.

"K-kanina ka pa ba riyan?" Gulat na tanong ko pa sa kanya.

"Medyo, gigisingin sana kita para kumain pero mukhang nananaginip ka kasi nagsasalita ka habang tulog, hindi ko alam kung anong nangyayari pero ayos ka lang ba?"

"H-ha? A-ako? Oo, ayos lang ako. Tara na sa labas." At nagpatiuna na ako sa paglabas ng silid ko. Hindi ko na siya nilingon pa dahil sa hiya nang magising akong halos magkakalapit na ang mga mukha namin.

"Nasa balcony iyong pagkain, hinanda ko na doon." Habol ako nito nang akmang pupunta ako sa kusina.

"A-ah sige, k-kukuha lang ako ng tubig."

"Okay, sunod ka na lang doon." He smiles at me at para akong matutunaw sa ngiti niyang iyon kaya naman nagmadali na akong magtungo sa kusina.

Nakadalawang baso yata ako ng inom ng tubig dahil sa kaba at nerbyos na naramdaman ko kanina. Hindi ko na alam ang ikikilos ko dahil biglang pakiramdam ko naiilang ako pero sa kabilang banda ay masarap sa pakiramdam.

Dati ay hindi ko naisip ni sa hinagap na magkakakilala ko siya. Pero ngayon ay mas hindi ko naisip na magkakasama kami sa isang bahay.

At nangyari ang bagay na iyon.

Na hindi ko pa rin mapaniwalaan.

"Eidan, ayos ka lang?"

Muntik ko nang mabitawan ang basong hawak ko nang bigla itong sumulpot sa kusina.

"Ha?"

"Okay ka lang? Pinuntahan na kita, ang tagal mo kasing lumabas, nag-alala akong baka napano ka na." Sabi pa nito sa akin habang diretso at buong pag-aalala akong tinignan.

"Okay lang ako, p-pabalabas na rin ako. Pasensya na."

Sa halip na sumagot ay lumapit ito sa akin, kinuha nito ang baso sa isang kamay ko at hinawakan ako sabay giya sa akin patungo sa balkonahe.

Run To You (BL Story)Where stories live. Discover now