Fifteen

3 0 0
                                    

"Bakit binebenta mo ako kay Johann nang wala akong kaalam-alam? Ni hindi mo man lang ako tinanong kung gusto ni ba iyon o hindi?"

Seryoso akong tinignan ni Aster, hindi ko alam kung anong iniisip niya at for sure ay gusto niya akong batukan ngayon. Noong isang araw lang ay halos ipagduldulan ko ang sarili ko kay Johann, I even asked him na huwag magalit nang madiskubre niyang hindi ko siya sinunod pero ngayon naman na okay na rito ang lahat, ngayon pa ako maiinis dahil sa pagpayag nitong samahan ko ang pinsan niya sa bahay nito.

"Talaga ba? Ayaw mo... na?"

"Wala akong sinabing ayaw ko, huwag kang paladesisyon diyan." Inirapan ko siya pagkatapos ay inabot ko ang order nitong inumin.

Kadarating lang nito at sakto namang umalis si Johann upang may lakarin saglit kaya hindi sila nagkita, ayos lang naman daw dahil ako naman daw ang pakay niya.

"O eh di huwag ka nang umarte, just be with him."

"O-okay lang sa iyo?" Hindi ko na napigilan ang maupo sa harapan nito. Wala na akong pakialam kung makita pa ako ng ibang staff na nakaupo sa oras ng trabaho, gusto ko lang makasigurong hindi ako dino-dog show ni Aster.

Mahirap na, minsan na niya akong naisahan nang sabihin niyang magpapari si Johann. Iniisip ko pa naman na baka mabawasan ako ng one hundred points sa langit dahil parang nakikiagaw pa akp kay Lord eh hindi naman pala magpapari si Johann.

Kaya I won't take any chances at hindi ako maniniwala na lang basta kay Aster.

"May magagawa pa ba ako? Mukha namang kagit pigilan kita eh gagawin mo pa rin kung anong makakapagpasaya sa naglalandi mong puso at katawang lupa."

"Eh paano kung ayoko?"

Mula roon ay nakita kong nag-iba ang itsura ni Aster, I see him became worried na para bang hindi niya alam ang gagawin.

"Just do it for Johann... for me."

His face becomes serious as if it's a matter of life and death at anytime na hindi ako pumayag ay magiging big deal iyon.

"Bakit ang seryoso mo naman agad?"

"Basta, he promised me that he'll take care of you. Kapag may ginawa siya sa iyo, sabihin mo sa akin... well, I doubt it if you'll do that. For sure ikagagalak mo pang may mangyari."

Napaka naman neto, ano namang tingin niya sa akin? Kaladkarin?

"Look, Eidan. I know this is too much to ask, and if may pagpipilian lang ako, I will not encourage you to do this. But I know that it's for the better... for Johann. At sa iyo na rin, alam naman natin kung gaano mo kagusto na makita at makilala siya. You now have a chance to be with him, may not be romantically as you want it to be pero... look, ako na ang nakikiusap. Just be with him for now." Nakikiusap ang tono nito sa akin.

"Bakit ang seryoso mo naman?"

"Please."

------------

Nang hapon ding iyon ay nagkita kami ni Johann pero sa laban na ng cafe, tinawagan niya ako at tinanong kung pwede ko siyang samahan na bumili ng ilang gamit para sa bahay nito na malugod ko namang sinang-ayunan.

"Thank you for being with me, alam kong hindi na 'to parte ng trabaho mo sa cafe pero inaabala pa rin kita kahit sa labas." Nakangiti ngunit nag-aalalang sabi nito sa akin.

Kung hindi lang sa pagpipigil ko ay malamang na kalina pa ako natubaw sa mga tingin at ngiti ni Johann sa akin. Alam kong parang too good to be true ang lahat at kahit ako ay hindi makapaniwalang nangyayari ang bagay na ito pero this is what is happening.

I am with him and he's with me, nakakausap ko siya at nahahawakan. Bagay na hinihiling ko lang noon na mangyari... nong college pa kami.

Nasanay akong mula sa malayo ko lang siya tinitignan. I am older than him pero ahead siya sa akin ng isang year level dahil kinailangan kong huminto. I got used to seeing him first bago magsimula at matapos ang araw ko. Low key ay nagmistula akong stalker niya paminsan-minsan, nagbabakasakali na baka magkaroon kami ng interaction, but that didn't happen.

Walang nangyaring ganoon.

Pero iba na ngayon ang sitwasyon namin. Ang sitwasyon ko, at hindi pa rin ako makapaniwala.

"Wala iyon, aside from doing this to you, I feel like I am also doing this for Aster."

"Thank you,"

"Walang anuman, oo nga pala, nakapag-usap na kami ni Aster about the... m-moving in na sinasabi mo."

Hinawakan ni Johann ang dibdib niya at kunwari ay sumasakit iyon. "Teka, hindi ko yata kakayanin kapag narinig kong tatanggi ka. Pwede bang mamaya na lang natin pag-usapan, kapag nasa unit na tayo? I just want to enjoy this time with you."

"Pero kasi an-"

"Here's your order, Sir."

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin kp dahil siya namang pagdating ng waiter dala ang mga orders namin.

Nagtungo pa kami sa iba pang mga shops bago kami makaratong sa unit niya.

He asked me to sit and make my self comfortable na ginawa ko naman kaagad.  Surpisingly, ay hindi na ako nakakaramdam ng kahit anong pagkailang o hiya kapag kasama ko si Johann. He made me feel comfortable enough na kaya kong makipag-usap sa kanya nang hindi na kinakabahan na para ba akong high schooler sa harap ng crush niya.

I feel happy... na nakakatakot rin sa sitwasyon na meron ako.

"Gusto mo initin ko iyong tinake-out natin  kanina?" Tanong pa nito habang inaayos ang pinamili namin na groceries sa kusina.

"Busog pa naman ako, ikaw ba, gusto mong kumain?"

"Nah, I'm still full from the pizza we had earlier." Sagot naman nito sa akin.

"Ang dami kasi noon at ang laki pa para sa ating dalawa."

Narinig kong tumawa si Johann, "Medyo napalaki nga ang order ko, I just want to make sure that you'll eat properly. Ayokong isipin ni Aster na ginugutom kita."

"Bakit naman niya iisipin ang bagay na iyo?" Kahit ako ay natawa na rin.

"I don't know, ang alam ko lang ay masyadong protective si Aster pagdating sa iyo. Ayoko namang magalit siya sa akin thinking pinapabayaan kita."

"OA lang iyong pinsan mo minsan pero madalas naman ay totoong he looks after me. Kahit noon pa."

"Kaya nga iyon rin ang gagawin ko for you, I just want you to feel that you are special, Eidan."

Ito na ba iyong part na kikiligin na ako?

"Hindi mo na kailangan pang gawin ang lahat ng iyon. Maiba nga pala ako, pwede
ko na bang sabihin iying hindi ko nasabi kanina?" Tinignan ko siya bago ako nagtungo ss kusina, naupo ako sa mataas na stool na nasa kichen counter sa gitna noon at saka pumangalumbaba.

Itinigil naman ni Johann ang ginagawa at saka siya tumingin sa akin.

"Shoot,"

"Well, nakapag-usap naman na kami ni Aster and he told me... actually he asked me a favor if I can be with you here tulad ng hinihingi mo sa akin. And today, I have decided na..."

"Teka, don't tell me your answer yet, kailangan ko munang uminom ng tubig." Kaya naman kumuha ito ng baso at nagsalin ng tubig na kiniha nito mula sa ref. Tapos ay umupo ito sa stool na katapat ng kinauupuan ko at saka ako tinignan sa mga mata.

"Okay, I guess I'm ready."

Napangiti pa ako dahil mukhang kabado ito sa sasabihin ko.

"Relax, gusto ko lang namang sabihin na...  p-pumapayag na ako. I'll stay here with you."

"Seriously?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa akin. He asked for me to repeat what I said at iyon naman ang ginawa ko.

At ikinagulat ko ang sumunod niyang ginawa. Pinuntahan niya ako sa pwesto ko at niyakap ng mahigpit.

"Thank you!"

Ako nga itong dapat mag-thank you. Thank you, Loooooord!

Run To You (BL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon