Six

1 1 0
                                    

"Hi, I am looking for Johann. Nandito ba siya?"

Natameme ako dahil ang gwapo ng lalakeng lumapit sa akin. Hindi kasing gwapo ni Johann pero pwede na rin. Napakaamo ng mukha nito na animo'y hindi makabasag pinggan. Napakaganda rin ng boses nito na malambing pakinggan lalo na kapag malumanay ang tono at higit sa lahat ay napakaganda ng ngiti nito na bumagay naman sa maamo niyang mukha.

May pagkakataon pa ngang natulala ako at kung hindi pa ito tumawa ay hindi pa ako mababalik sa reyalidad.

"Okay ka lang ba?"

"O-oo, okay lang ako. Pasensya ka na, may naisip lang ako. S-sino nga ulit ang hinahanap mo?"

"Si Johann, nandiyan ba siya?"

"W-wala pa eh, hindi rin kami sigurado kung dadaan siya ngayon. May ipapasabi ka ba? Pwede ko nama i-rely iyong message mo para sa kanya." Magiliw ko pang presinta na tinanggap naman nito.

Humingi ito ng papel at ballpen tapos ay nagsulat ng kung ano roon. Tapos ay inabot niya iyon sa akin at saoa sinabing iabot ko na lang kay Johann.

Tumango naman ako at saka tinanggap ang sulat niya. "Makakarating."

"Salamat, Eidan." Nagtakha pa ako kung bakit alam niya ang pangalan ko, tapos ay naalala kong may suot nga pala akong nameplate.

Nagpaalam na ang gwapong lalakeng nagpakilala si Jun. Pagkaalis naman nito ay ibinulsa ko na ang sulat niya para kay Johann, siya namang lapit sa akin ni Timie.

"Anong sinabi sa iyo?" Usyoso niya pa sa akin pagkatabi sa pwesto kung nasaan ako.

"Wala naman, may note lang na ipinapaabot kay Sir Johann."

"Huwag mo na lang ibigay," Mayamaya pa ay sabi nito.

"Ha?" Nagtakha pa ako dahil mukhang ang note ang tinutukoy ni Timie.

"Iyong note na ibinigay ni Sir Jun, huwag mo na lang ibigay kay Boss Johann."

"Bakit?"

"Basta, huwag ka nang magtanong at sundin mo na lang ako. It's better na hindi niya makita ang note na iyan at hindi niya malaman na nanggaling dito si Sir Jun."

Hindi na ako nag-isisa dahil alam kpng hindi rin naman mahsasabi si Timie. Clueless pa rin ako sa kung bakit ayaw niyang ipabigay kay Johan  ang note na para naman dito, lalo na ang hindi pagsabi rito na may naghahanap sa kanya.

Hapon na nang dumating si Johann sa cafe, doon ko lang rin naalala ang note na pinapaabot dito ni Jun kaya naman bago pa ito tuluyang makalampas sa akin ay pinigilan ko na siya.

"Sir Johann,"

Huminto naman siya sa paglalakad at tumingi sa akin. "Yes, Eidan. May kailangan ka?"

Ikaw, este ano ba iyan, Eidan. Kalmahan mo lang. Kumalma ka.

"May bisita po aksi kayo kanina, at pinapabigay niya po itong note para sa inyo."

Tinignan lang ni Johann ang papel na hawak ko tapos ay nagbago naman kaagad ang ekspresyon ng mukha nito matapos kong ipaalam na may bisita siya.

"Kanino galing?"

"Jun daw po eh, Jun Valderama."

At tuluyan nang sumeryoso ang mukha ni Johann. Kinuha nito ang mote sa kamat ko pero ramdam sa bawat hakbang nito ang pagkaseryoso.

"Okay, thanks."

Hindi na ako nakasagot ng you're welcome dahil mabilis itong umalis sa harapan ko at nangtungo sa opisina nito.

Hindi na ulit lumabas si Johann hanggang sa magsarado kami.

Pauwi na sana ako nang may marinig akong tumawag sa pangalan ko. Nagpalinga-linga ako sa paligod at nakita si Johann na nakatingin sa akin na para nang hinihintay niya akong lumapit sa kanya.

"Sabay ka na," yaya pa nito sa akin na muntikan ko nang ika-tumbling.

Nakatitig lang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung tama ba ako ng dinig, tapos ay inulit nito iyon at doon ko nakumpirmang gusto talaga niya akong isabay pauwi.

"H-hindi na, okay lang ako. May last trip pa naman ng bus kaya makakahabol pa ako. At saka baka out of way ka kapag isinabay mo ako."

"Sa Scout drive ka diba? May pupuntahan ako malapit doon kaya pwede kang sumabay sa akin."

Pasimple kong tinignan ang relo ko at nakitang five minutes na lang bago mag alas-diyes. Kahit pa siguro tumakbo ako ay hindi na ako aabot kaya naman pagbibigyan ko na si Johann at kawawa naman.

Pakiramdam ko pinapawisan ako kahit pa malamig naman sa sasakyan ni Johann. Hindi ako halos magsasalita dahil sa hiya dahil wala naman kaming pwedeng pag-usapan. Mabuti na lamang at nagbukas ito ng radyo dahil kung hindi ay para kaming mistulang nasa sementeryo sa sobrang tahimik ng byahe namin.

"How's work?" Mayamaya ay basag nito sa katahimikan. Nataranta ako dahil hindi ko inaasahang kakausapin niya ako pero dapat compose pa rin.

Pinakalma ko ang sarili ko tapos ay nakangiti ko siyang sinagot.

"Okay naman, ang dami kng natututunan. At saka napakabait nila Timie at ng iba pa naming mga kasamahan kaya madali lang ang trabaho. So far naeenjoy ko naman." Pawang katotohanan lang naman ang sinabi ko.

"That's good to hear, akala ko kasi mahihirapan ka mag-adjust."

"Hindi naman, magaling naman magturo si Timie tapos ay tinutulungan naman niya ako sa lahat ng bagay kaya hindi na mahirap kapag ginagawa ko na. Magpapasalamat nga akp kasi napakabait niyong lahat..." Lalo ka na.

"Okay... oo nga pala. Iyong pumunta kanina, how is he? I mean, paano siya makipag-usap?"

"Si Jun? Okay naman, mabait naman siya. Umorder siya ng latte at isang sliced ng cheescake. Ang sabi niya sa akin gusto ka sana daw niyang makausap kaso mukhang nainip na kaya umalis din pagkatapos kumain."

"Ah,"

Paano ko naman kaya sasagutin ang "ah"?

Hindi na ulit siya nagsalita pagkatapos, hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay ko. He insisted on taking me home dahil malapit lang naman daw ang kugar na pupuntahan niya kaya naman hindi na ako nagpakipot pa.

Grasya na, tatanggihan ko pa ba?

Niyaya ko siyang pumasok saglit para maalok man lang ng maiinom at agad naman siyang pumayag.

Nahiya pa ako dahil naalala kong hindi pala ako nakapagligpit mgunit natawa lang siya sa akin sabay sabing huwag ko siyang intindihin.

"It's okay, don't mind me."

"Anong pong gusto ninyo? Kape? Juice? Beer?"

Natawa pa ito pagkasabi ko ng beer. "May beer ka sa ref mo?"

"Meron, pero huwag mo akong i-judge. Hindi ako lasenggero, minsan umiinom lang ako para makatulog."

"Nag-eexplain talaga?" Aniya sabay tawa. "Water will do, thank you!"

Iniwan ko siya saglit para ikuha siya ng tubig sa kusina. Halos manginig ako dahil hindi pa rin ako makapanuliwalang nasa bahay ko si Johann na crush at boss ko at the same time.

Para akong maiihi sa kilig.

Pero syempre, kailangan kong pigilan.

Naabutan ko siyang tinitignan ang ilang pictures na nasa isang shelves sa ibaba ng TV rack ko. Naroon ang ilang pictures namin ni Aster noong graduation at noong magpunta kami sa isang theme park.

"Close talaga kayo ng pinsan ko, 'no?"

Run To You (BL Story)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin