"Saan mo gustong kumain?"

"Sa dahon ng saging."

"Isa pa talaga, Eina."

Lumabi siya. "Nagtatanong pa kasi eh may plato naman ako sa kusina. Pwedeng gumamit ka na lang ng paper plate."

Kumusta na kaya ang mga platong ginamit nila kanina? Sana hindi pa nito 'yun pinakialaman.

Bumuga ito ng hangin. "Sige, kain na tayo. May pagkain na sa mesa, baka lumamig pa 'yung sabaw. Kaya mo bang maglakad?"

"Pwede din naman ako lumangoy."

"Eina," may babala na sa tono ni Saulo.

Itinago niya ang ngiti at bumaba na sa kama. Baka pag di na ito nakatiis, bitbitin na siya nito papunta sa kusina. Napadaing siya nang maramdaman ang hapdi sa babang parte ng katawan niya.

"Are you okay? Kung di mo naman kaya, pwedeng dalhan na lang kita ng pagkain dito."

"Kaya ko pa maglakad. Hindi naman ako nabalian, di ba?"

"Pwede bang saka ka na lang magbiro, Eina? Hindi ko alam kung papaano kita aalagaan kung ganyan ka."

Muntikan na siyang matumba. Nanlalaki ang matang napatingala siya kay Saulo.

"What? May dumi ba sa mukha ko? O nag-iisip ka na naman ng pick-up line mo?" Bumakas ang frustration sa gwapong mukha ni Saulo.

Napatitig siya sa binata. He was really serious. Kung tutuusin kanina pa siyang naguguluhan sa inaakto ni Saulo. Wala itong responsibilidad sa kanya. Pwede na nga itong umalis kaninang umaga kung gugustuhin nito. Uso pa naman 'yung mga lalaking fun-run. Pagkatapos ng fun, for the run na.

But he was still there for her. Nagising siya na nandoon pa din ito sa kanya kahit hindi naman niya ito kailangan.

Umahon ang di mapangalanang emosyon sa kanyang dibdib. Iniiwas niya ang kanyang mukha.

"A-Ano bang pagkain? Nag-abala ka pa masyado."

"Eina stop saying—"

"Pero salamat," putol niya sa linya nito, "I appreciate your effort to make me feel better."

Natahimik ito. Pagkatapos ay humigit ng hininga na inilapat ang palad sa kanyang pisngi. "You don't have to thank me. I'll be happy to take care of you."

Rinig niya ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. May panibagong emosyon na sumibol sa dibdib niya at parang humahaplos 'yon sa mahapding pempem niya.

Ninenerbyos na umalpas ang tawa sa labi niya. "Kinakabahan ako pag masyado kang ganyan. Hindi bagay sa 'yo, Sir."

"I told you to stop calling me that."

"Okay, Saulo. You have to understand, old habits die hard. Mahirap na tawagin kita sa pangalan mo lalo na't empleyado mo pa rin ako. It's like I'm disrespecting you."

"Hindi mo pa ba ginagawa kanina?"

"I'm sick, remember? Hindi counted 'yon, hindi ako nagsasalita ng ganoon kapag kaharap ka. I wouldn't dare—"

"Ah, kapag nakatalikod lang ako?"

Itinikom na niya ang bibig.

Alright! Marami na siyang nasasabi, baka makapagkalat pa siya.

"Nagugutom na talaga ako. Kain na tayo?" pag-iiba niya ng paksa sabay talikod.

Nadinig niya ang pagtawa nito sa kanyang likod. Tulad ng sabi nito, may pagkain na nga sa mesa. Nagulat siya nang makitang may lutong sinigang na baboy, pork barbeque at sa lalong pagtataka niya, may isang box pa ng mango cheesecake sa mesa.

"Saan ka bumili nito?" tanong niya kahit nakita na naman niya ang pangalan ng store sa box.

"Nadaanan ko lang kanina pag-uwi ko," kaswal na sagot nito at pinaupo na siya. "Last box na nga 'yan. Naunahan pa ako nung kasabay ko kaya binili ko sa kanya."

"Binili mo pa sa bumili n'yan?"

"She's pregnant, kaya sabi ko masama sa buntis kumain nyan. Bumili na lang siya ng manga," ngumisi si Saulo na parang proud pa na inagawan ang buntis.

"Ano ka na, doctor? Paano mo nalaman kung bawal 'yun sa kanya?"

"What's the problem? Hindi ko naman ninakaw." Nagkibit-balikat si Saulo. Sumandok ito ng kanin at inilagay sa plato niya.

"Inagaw mo lang."

"Binili ko sa kanya ng tripleng presyo. That's not stealing."

Nalukot ang kanyang mukha. Humigop siya ng sinigang. Wow, infairness naman sa nagluto, malasa 'yun. Namuo ang hinala sa utak niya na iba ang nagluto nun. Kailan pa natutong magluto ang damuhong ito?

"Don't give me that face. Willing naman si ate na ibenta sa akin. Hindi ko inaksaya 'yung pagkakataon, binili ko na."

"Baka kasi inakit mo."

Umiling si Saulo at seryosong tiningnan siya. "Hindi, sinabi ko lang buntis na din 'yong girlfriend ko."

Naibuga niya ang hinihigop na sabaw.

Binato niya ito ng masamang sulyap. "You told her that?"

"Why not? I always get what I want."

"Hindi ibig sabihin nun buntis na ako. I'm not pregnant!" tumaas ang boses niya at nagtaray.

"Hey relax, you know that's just a lie? Ginamit ko lang na dahilan sa ibang tao. Sino bang nagsabi na buntis ka? Ofcourse, you're not."

"Yes, at alam kong hindi dahil—" Namilog ang kanyang mata nang may maalala.

Dumaloy sa kanyang isip ang isang realisasyon. Oh, God. Hindi sila gumamit ng proteksyon kagabi.

"What's wrong?" tanong ni Saulo. Bumalik ang mukha nito ang tingin niya. Naisip agad niya ang magiging mukha ng baby. Kamukha ni Saulo. Isang Villeda.

Fuck.

No, no, no. Inalis niya ang imahe sa kanyang utak. Sunod-sunod na sumubo siya ng kanin. Ibinuhos niya ang sabaw doon, pagkatapos ay kumagat sa pork barbeque.

"Hey, what's wrong?"

"W-Wala, may inalala lang ako."

Parang mas lalong sumama ang lasa niya. Pinanlabanan niya ang nararamdaman pati na ang posibilidad na magkaroon ng bunga ang nangyari kagabi.

 God, how could she be so careless?

 Bakit hindi niya naisipan gumamit ng proteksyon? Kung maibabalik lang niya ang oras, hindi rin naman niya gustong baguhin ang nangyari. She would still like him to fuck her.

 Pero dapat hindi nila nakalimutan gumamit ng proteksyon. Anong nangyari? Siya pa dati bumibili ng condom para siguradong hindi ito maubusan ng stocks.

 Nagsisisi ba siya? Hindi niya alam. Hindi niya maipaliwanag kahit sa sarili ang tunay na nararamdaman. A part of her wanted to regret it. Gusto niyang limutin na lang at magpanggap na walang naganap. Ngunit alam niya sa kaloob-looban niya that it was the best sex of her life.

 Di niya pwede sisihin si Saulo na hindi man lang ito gumamit ng rubber. Alam niya ang ginagawa niya. Hindi niya pinigilan si Saulo bagkus ay tinukso pa niya.

 She needed to think.

 Nang mag-angat siya ng mukha para sulyapan si Saulo, nakita niya ang ekspresyon ng mukha nito. Nakatitig ito sa kanya na parang binabasa nito ang utak niya.

 Awtomatikong nag-init ang kanyang pisngi.

 Di siya dapat magpahalata na may bumabagabag sa kanya. Higit sa lahat, hindi nito dapat malaman kung anong tumatakbo sa utak niya ngayon. Baka pagtawanan lang siya ng lalaki.

 Uminom siya ng tubig, pagkatapos ay kinalma ang sarili.

Sobrang aga naman para mangamba siya.Paano kung wala naman pala talagang dahilan para kabahan siya?

TEMPTATION ISLAND: Midnight MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon