"H-Hindi ka pa pala umaalis, Sir."

"Kanina lang. Kailangan kong kunin 'yong gamit ko sa opisina, at kumuha na din ng susuutin ko ngayon. I'll be staying here tonight."

Napalunok siya, gumawa iyon ng tunog dahilan para mapakunot-noo ang binata.

"Relax, i'm not going to molest you. Di mo kailangan mag-alala kung papasukin kita mamaya. Babantayan lang kita. Sa labas ako matutulog."

Babantayan siya ni Saulo? Iyon lang ba ang rason nito kaya hindi ito umaalis?

"Sir, okay na ako. Di mo kailangang mag-abala. I will be okay. Sanay naman akong mag-isa."

"Well, di mo ako mapapaalis. I'm staying and I'm not leaving you until I'm sure you are fine."

Napaawang ang labi niya. Gusto niyang tampalin ang sarili para masiguradong gising na talaga siya. Dahil hindi siya makapaniwala sa sinasabi ni Saulo.

May part two ba ang bangungot niya? Kailan pa ito naging sobrang caring sa empleyado nito? He was acting like a goddamn hero now, it's really scary. Parang mas prefer niya na maging R-18 na lang ulit ang panaginip niya. Masakit nga lang sa puwit, pero atleast hindi pa-fall si Saulo doon.

Kumurap si Eina, sabay lunok. "Hindi mo naman talaga kailangan gawin 'to, Sir. Believe me when I said I'm good. Minsan talaga naghe-heal 'yong mga sugat sa puso natin kahit nag-iisa lang tayo."

"See? You're not fine."

"Biro lang 'yung last sentence, Sir, masyado mo naman sineryoso. Joke lang 'yun para naman di mo i-assume na sobrang sama na talaga ng pakiramdam ko para hindi na makaisip ng pick-up line."

"I don't care about your pick-up lines. I care about you."

Punyeta, binabangungot na yata siya. Wag lang niya ito marinig na mag-I love you, tatakbo na talaga siya palabas ng unit niya. Bahala ka dyan. Sa 'yo na bahay ko!

"Sir para ka talagang sira. It's a joke! Pag tumatanda na ba, wala ng sense of humor? Talaga bang dapat na ihiwalay sa inyo ang Facebook?"

Napakamot sa batok ang binata at tila nawawalan ng pasensya. Tumingala pa ito, pagkatapos ay napailing.

"Okay, i'll just take that as a compliment. But let me remind you that I'm still thirty. I can't believe you don't know that."

Tumaas ang kilay ni Eina. "Nasaan ang compliment? Di ka ba naiinsecure na wala kang sense of humor?"

"Why would I fucking need that when I got a big dick that I can use to make you scream in pleasure?"

Napasinghap si Eina. Hindi man lang nag-preno ang bibig ni Saulo. Wala naman siyang sinabi tungkol sa..

"Bakit ka galit? Wala naman akong sinabi tungkol d'yan sa ano mo. Sige na, hindi ka na pang-Facebook. Pang-Twitter, keri?"

"What the hell does that mean?"

Bumuntong-hininga siya. "Nothing, Sir."

"Stop calling me Sir. Kaya tingin mo matanda na ako dahil dyan sa kaka-Sir mo. Try calling me by my name."

"Saulo Andres Monasterio Villeda?"

"Christ! I said my name, not my full name!" parang mawawalan na si Saulo ng pasensya. Kung kanina malambing ito, ngayon handa na itong bulyawan siya.

Mas normal ito sa paningin niya kapag ganitong nagagalit na ito. Hindi siya sanay na masyado itong nagpapakita ng emosyon.

 Si Saulo, mapag-alaga at mahaba ang pasensya? Jusko, kinikilabutan ulit siya. Pakiramdam niya may hidden agenda pa ito sa pagiging mabait, like sasakalin siya nito habang natutulog.

TEMPTATION ISLAND: Midnight MistressМесто, где живут истории. Откройте их для себя