Nasaan Ako?

1.2K 38 8
                                    

Isang call center agent si Naiad. Hindi man kalakihan ang sweldo dahil baguhan pa lamang ay di nya iyon alintana. Masaya siya sa trabaho at hindi toxic ang environment, iyon ang mas mahalaga.

"Bhie! Ito na yung order mong siomai!" bati ng katrabahong si Ana habang nakangisi pang kumakaway sa kanya.
 
"Bii! Magtatae na ako sa siomai! Araw-araw ko na yang inuulam." pabirong sagot ni Naiad.

"Okay lang yan bhie, may tinda akong gamot. Ilan ba kailangan mo? Ten pesos lang! Hahaha!" nakatawang sabi ni Ana.

Napuno ng tawanan ang pantry kung saan sila madalas na kumain at magtsismisan. Ganun sila araw-araw, masaya lang lagi na nagpapagaan ng araw ni Naiad.

 "Aba naman lubog na ang araw puro ka pa din pagbabasa ng web novel na yan." wika ng kaibigan habang inaayos ang mga paninda.

"Wala ka nang oras sa amin simula ng matuklasan mo yang pagbabasa diyan sa cellphone mo." nakapamewang pa nitong sambit.

"Pasensya kana bii, alam mo namang itong pagbabasa ang comfort zone ko maliban sa pagkain." tugon ni Naiad.

"Saka ang hirap bitawan nito..ito kasi yung mga gusto kong istorya, yung napupunta sa ibang mundo. Mga Isekai talaga ang nagpapasaya sa akin ngayon, kaya please.. Pasok kana malelate kana!" nakatawang wika pa ni Naiad.

"Ay potek! Hindi pala tayo magkashift  ngayon! Malelate na ako bhie! Ichat mo ako pag nakauwi kana bruha ka!" wika ng tumatakbong kaibigan.

"Bye bii! Labyu!" wika naman ng abala pa din sa pagbabasang dalaga. Hindi na niya nilingon pa ang papalayong kaibigan.

Dismayadong nakakunot ang noo ni Naiad dahil sa mga eksenang di nya nagugustuhan.

"Ano ba naman yan, puro na lang iyak ang ginagawa ng babaeng 'to. Ang arte at madaming drama sa katawan!" wika ng dalaga.

Sanay kasi siyang kinakaya ang lahat ng pagsubok at problema. Naaalala pa niyang nakipagsuntukan siya noong grade 4 dahil sa inagawan siya ng aratiles ng kalarong lalaki. Hindi siya magpapadarag at magpapatalo kahit may sugat na at nasasaktan.

Ayaw niyang sinasabihang 'babae ka lang at mahina'. Para sa kanya ay may kakayahan din ang mga babae na di dapat maliitin ninoman.

Naglalakad lang pauwi si Naiad dahil malapit lang naman ang kanyang bahay sa pinagtatrabahuhan. Ginabi na nga siya dahil hinintay pa ang raketerang kaibigan.

Malamang hinihintay na siya ng kanyang ina at mga kapatid. Tamang tama dahil may pasalubong na siyang maiuuwi sa mga nakababatang kapatid.

"Ano kaya ang ulam namin? Sana sinigang!" ginutom siyang bigla at naexcite nang maalala ang masarap na luto ng ina.

Paborito niya ang sinigang. Kahit na ano pa iyon, isda o karne ng baboy ay di niya palalampasing kainin.

Dahil sa naalala ay nagmamadali na siyang umuwi. Ngunit habang naglalakad ay may biglang tumulak sa kanya.

Nadapa at sumubsob siya sa madamong bahagi ng daan. Mabuti na lamang dahil walang mga bato sa pinagbagsakan niya.

"Ahhh! Potaka! Sinong tumulak saken!?" Agad na tumayo si Naiad at hinarap ang kung sino man na tumulak sa kanya. May malilintikan talaga.

Handa nang makipag-away ang galit na dalaga, ngunit laking gulat dahil sa pagbangon ay isang malaking aso ang nasa harap.

"Aso nga ba iyon? Shet hindi!" Nawala ang galit ng dalaga dahil sa nakikita at napalitan ng takot.

Kulay gray ang malaking aso, gaya nang mga napapanood niya sa tv at pelikula. Pero bakit kasing laki ito ng mga lobo sa Twilight?

"Anong lugar to!?"gulat na sigaw ng dalaga. Iba na kasi ang paligid niya. Nananaginip ba siya?

Wala ang kalsadang araw-araw niyang tinatahak. Wala na ang mga bahay at gusali na kinasanayang makita. Saglit niyang nalimutan ang nilalang sa harap  at namamanghang iginala ang paningin sa paligid.

"Ang ganda dito.." napapaligiran siya ng mga naglalakihang puno na ngayon lamang niya nakita. Malalaki pa sa puno ng balete ng kanyang paaralan noong high school. Mayroong iba't-ibang halaman at bulaklak na nakikita lamang niya mga larawan.

Nakarinig siya ng tubig. Agad na sinundan ang tunog nito at bumungad ang isang maliit talon na may malinaw na tubig. 'wow, mas maganda pa ito sa Hidden Falls ng Laguna'.

Bago niya malapitan ang tubig ay bigla niyang naalala ang malakabayong laki ng lobo na nakasunod sa kanya. Tahimik itong nakaupo habang tila namamangha sa kanya at hinihintay ang kanyang reaksyon. Tila asong nagagalak sa dumating na amo dahil sa buntot na di matigil ang pagkaway.

"Bakit ang laki mong aso ka?!" paatras na wika ng dalaga. Nakahanda na siyang tumakbo para iligtas ang buhay kung sakaling sugurin siya nito.

Nanginging siya sa takot pero kinakalma niya ang sarili. Mas mahalagang mabuhay kesa umiyak sa takot.

Dahan-dahan siyang umaatras upang makalayo sa aso o lobo o kung anumang aswang na nasa harap niya. Lubos din niyang pinagtataka na bakit maliwanag na ang paligid samantalang ala sais y medya na siya lumabas ng trabaho. Naisip niyang bigla na baka naeengkanto siya o kaya ay nananaginip.

Marahan niyang kinurot ang kanyang hita para magising. 'Aray! Masakit! Yari, nae-engkanto nga ako! May albularyo kaya dito?' isip ng dalaga.

"Good dog.. Di ka naman nangangat diba? Di pa ako naliligo. Baka magtae ka pag kinain mo ako." Hindi na niya alintana na magmukhang tanga siyang kumakausap ng malaking aso. Ang mahalaga ay makatakas siya sa paningin nito.

"Fetch!!" agad niyang hinagis ang napulot na kahoy upang ipahabol sa aso. Tiningnan lamang ito ng malaking aso.

' Nakakaintindi kaya ito ng salita? Parang awa mo na Patrash.. Iwan mo na ako. Natatakot ako sayo..'

"Wag mo akong kakagatin ha.. magkaibigan na tayo di ba?" wika ng dalaga habang patuloy pa ding umaatras ng dahan-dahan.

Nakatitig lamang ang aso sa kanya at sinusundan ng tingin ang bawat galaw niya.

"Ako si Naiad..diyan ka lang ha may kukunin lang ako." agad siyang nagmadaling tumakbo upang makalayo dito.

'Takbo bhie! Takbo hanggat may lupa!' isip ng dalaga. Lihim niyang dinadalangin na wag siyang habulin ng aso dahil pag nagkataon, goodbye Philippines na talaga siya.

" Ako naman si Gin".

Biglang napahinto ang dalaga sa pagtakbo. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang narinig ang tinig. Boses iyon ng isang lalaki.

Paglingon ay mas nagulat siya sa hubad na lalaking nakatayo sa lugar na inuupuan ng malaking aso. Agad siyang napanganga at di nakapagsalita.

(Edited)

Ako sa Beast World Where stories live. Discover now