"Are you sure you're not in love?" tanong niya nang hawak ko na yung knob sa pinto ng clinic. "Because if you think falling in love is a disease, then you're wrong."



Napahinto ako saka umiling sa sarili ko. "H-hindi ako inlove." bulong ko at dahan-dahang lumingon kay Doc. "Hindi po ako inlove, Doc. Hindi talaga."



















Naglakad ako papunta sa first class ko ngayong umaga. Binulsa ko yung resetang binigay ni Doc Amber at inayos yung bag ko. Maya-maya, may umakbay sakin.



"Balita ko, nag-hiking daw kayo?" tanong ni Suho sakin. Nakangiti siya ng malaki at hinila pa ako ng mas malapit sakanya. Anong ginagawa niya dito sa building namin?



Inalis ko naman yung braso niya saka umirap. "Oo." sabi ko at napabuntong hininga. "Kararating lang namin kahapon."



"How was it?" tanong ni Suho habang nakatingin ng maigi sakin. Sobrang saya ng mukha niya, para tuloy ngayon lang kami nagkita. "Sobrang tagal mo din nawala ah."



Tinignan ko siya na parang tinubuan siya ng halaman sa ulo. "Ilang araw lang yun ah." sabi ko. "Saka... masaya naman."



Napa-pout si Suho saka pinisil yung pisngi ko. "You don't look that happy to me, though." sabi niya. "And I've missed you. Really." seryoso niyang sabi kaya napatingin ako sakanya. Ngumiti siya ng maliit habang nakatitig sa mga mata ko.



"Sira." natatawa kong sabi.



Tumawa si Suho. "So... How's Kim Jongin?" tanong niya bigla. "Is he treating you well?"



Umiwas ako ng tingin. "A-ah... okay naman kami." sabi ko. Pero syempre, hindi yun totoo. Matapos niya akong halikan ng WALANG DAHILAN? Anong okay doon? ANO? Wala! Manyak na yun!



"Good." sabi ni Suho saka pinat yung ulo ko. "Pag may ginawa siyang masama sayo, sabihin mo lang sakin ah! Akong bahala sayo." inakbayan niya ako ulit pero hindi ko na inalis yung kamay niya.

Not the PlanDove le storie prendono vita. Scoprilo ora