43

45 5 0
                                    



NAGISING akong hindi ko na katabi si Lance. Napaupo ako sa kama nang maalala ang nangyari kagabi. Marahan kong napasapo ang mukha ko.

Shit, nakakahiya! Imbes na manood lang ng movie ang plano, paglalandian ang ginawa namin!

Natuon ang paningin ko sa sofa. Napangiti ako nang makitang may unan at kumot roon. Pagkatapos niya akong landiin, sa sofa pa rin siya natulog. Dagdag pogi points kay Lance.

Teka, asan na ba 'yon?

Nagtungo muna ako sa banyo para maghilamos at magmumog bago lumabas ng kwarto. Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay agad na bumungad sa'kin ang mga petals ng bulaklak na nakakalat sa sahig.

Habang tinatahak ang daan pababa ng hagdan, hindi talaga ito nawawalan ng petals. Hanggang sa makababa na ako ng hagdan.

Napahinto ako at umawang ang mga labi ko sa nakita. Nakaporma ng malaking hugis puso ang mga petals sa sahig. Mas lalo akong na-touch nang makitang may nakasulat sa gitna ng malaking puso.

Last night was wonderful.

Parang buo na agad ang araw ko. Gumising siya ng maaga para lang mag effort ng ganito kahit wala namang special day ngayon.

Dumiretso ako sa kusina. Naabutan ko siyang abala sa kaniyang niluluto. Dahan-dahan ang ginawa kong hakbang papasok sa loob.

"Good morning, love!" masaya kong sambit at niyakap siya mula sa likod.

"Hey baby, good morming. Kamusta tulog mo?" aniya at hinalikan ako sa noo.

"Kung gaano kaganda ang tulog ko, gano'n din kaganda ang gising ko ngayon. Ikaw ba naman e surprise ng gano'n pagkagising mo!" Nakangiti kong sabi

He chuckled. "You deserved it, baby."

Mahigpit ko siyang niyakap. "Thank you po mahal! Na appreciate ko lahat lahat!"

He smiled. Napasinghap ako nang maamoy ang niluluto niya. Bigla tuloy akong natakam!

"Baka ma spoil ako niyan, ah!" pabiro ko at umupo sa may upuan malapit sa lamesa.

Tumawa lang siya bago nilapag sa lamesa ang mga pagkaing niluto niya. Umupo na rin siya at nagsimula na kaming kumain.

Ngayon ako susunduin ni Deyron dito. Dala niya na ang mga gamit ko na inimpake ko no'ng nakaraang araw, para didiretso na kami sa Batangas.

Pagkatapos naming kumain ay tumambay kaming dalawa sa sala habang hinihintay si Deyron. Ilang saglit na lang din ay darating na 'yon.

"'Wag mo akong masyadong ma miss! Isang linggo lang naman tayong 'di magkikita, Lazaro." sambit ko.

"I know. Kaya habang wala ako, ingatan mo ang sarili mo, Alison." seryoso niyang sabi.

"Yes boss! Pangako ko 'yan." wika ko at nag promise sign. "Ikaw rin, Lazaro! Mag iingat ka, kasi babalikan pa kita."

Naputol lang ang usapan namin nang makarinig kami ng bosena sa labas ng bahay nila. Alam kong si Deyron na 'yon kaya lumabas na kami ng bahay.

Nakita ko ang kotse ni Deyron kaya humarap ako kay Lance para magpaalam. Magsasalita na sana ako nang marahan niyang hinatak ang beywang ko palapit sa kaniya dahilan para mapaigtad ako.

"Jeez, I'm going to miss you, baby." Nakatitig lang siya sa'kin.

Shocks! Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa mga galawan ni Lance!

Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant