02

174 13 0
                                    

SA dalawang araw na pahinga ay binabad ko lang ang sarili ko sa pag-aaraal. Ilang araw nalang din at exam na namin.

Wala naman akong ibang ginagawa dito sa bahay. Maliban sa paglutoan si Deyron, minsan ako din ang naglilinis ng bahay.

Nagmamadali akong pumasok sa campus. Dumiretso na ako kaagad sa room namin sa third floor. Pagkapasok ko ng room ay kaagad kong nakita ang apat.

Napansin ko ring abala sa ginagawa ang iba kong mga kaklase. Naglakad na ako palapit sa upuan ko bago umupo.

Nag-usap pa kami saglit nila Abby. Natigil lang kami nang pumasok na si Sir Luna. Umayos na ako ng upo bago nakinig sa naging discussion ni sir.

Habang nagsasalita si sir, bahagya akong napatingin sa labas. Kumunot ang noo ko nang makitang may mga tumatakbo papunta sa direksyon ng field.

Hindi ko nalang ito pinansin at nakinig ulit kay sir Luna. Hanggang sa matapos at nag dismissal na. Inayos ko na ang mga gamit ko bago tumayo.

Nagulat ako nang bigla akong hatakin ni Abby palabas ng room namin. What the...

"T-teka lang! Hindi naman mauubos 'yung paninda sa labas, eh!" sambit ko.

Hila-hila niya pa rin ang kamay ko. Wala akong magawa kundi ang magpahila nalang din.

Nakasunod lang sa amin ang tatlo habang abala sa pag-uusap. Pagkalabas namin ng campus ay dumiretso kami sa nagtitinda ng mga Street foods.

"Ali, kilala mo ba 'yung babaeng lumandi sa boyfriend mo— este sa walang hiya mong ex?" tanong ni Klea bago sumubo ng tokneneng.

Marahan akong umiling. "Hindi 'yon dito nag-aaral at isa pa, wala akong pake don." may diin kong sambit.

"Kala mo naman kung sinong pogi para mag cheat!" usal ni Abby na sinang-ayonan rin ng tatlo.

Pagkatapos naming mag meryenda ay kaagad rin kaming bumalik sa school. May last subject pa kami na dapat pasukan.

Tulad kanina nakinig lang ako sa naging discussion ng teacher namin. Puro review lang din ang nagawang discussion. Hinahanda kami ng bawat subject teacher namin para sa papalapit na exam.

Naglalakad ako ngayon papuntang locker nang biglang may sumulpot sa tabi ko. Nang tingnan ko ito, napairap ako nang makita si Abby.

"Ali, nakita mo ba sila Nicole?" tanong niya habang sinasabayan ako sa paglakad.

"Pumunta sila ng faculty. Bakit mo ba hinahanap?" sambit ko bago siya sinulyapan.

"Wala lang. Tara ikaw nalang isama ko!"

Nanlaki ang mga mata ko nang hilain niya ako papuntang field. Panay hila nalang ang ginagawa sa akin ni Abby simula kanina.

"H-hoy! Saan na naman ba tayo pupunta, Abby?!"

Imbes na sagutin ako ay patuloy lang siya sa paglalakad habang hawak-hawak ang kamay ko.

Bahagyang nangunot ang noo ko nang huminto kami sa harap ng nagkukumpolang mga estudyante. Ginagawa namin dito? Anong meron?

Rinig ko ang bulong-bulongan ng mga estudyante. Nakukuryos akong tumingkayad para tingnan kung anong meron.

"Grabe ang pogi nila!"

"Hoy alam niyo bang anak ng mga Lazaro ang isa d'yan?"

"'Yung pinaka pogi ba?"

Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon