08

122 12 0
                                    

ABALA akong naghahanda ng mga gamit na pwede kong dalhin sa Beach camping sa Lunes nang biglang may kumatok mula sa labas ng kwarto ko.

"Pasok," sambit ko.

Napaangat ang tingin ko nang bumukas ang pinto at pumasok si Deyron mula dito. Kaagad ko namang hininto ang ginagawa ko bago tumingin sa kaniya.

"Ali, pahiram ng kaunting oras mo, okay lang ba?" medyo nahihiya niyang bigkas.

"Oo naman, umupo ka muna." wika ko bago ikinumpas ang aking kamay sa sofa sa harap ko para ayain siyang umupo.

Sinundan ko lang siya ng tingin habang naglalakad patungo sa sofa na kaharap ng kama ko. Tumikhim siya bago umupo dito.

"So I'll be straight forward, can I ask some favor?" aniya habang nakatingin sa akin ng diretso.

"Favor?" taka kong tanong. Bakit naman puro favor ang natatanggap ko ngayon.

Tumango siya. "Gusto ko sanang magpatulong sa'yo sa paghahanda."

Kaagad naman na kumunot ang noo ko.Tinagilid ko ang aking mukha habang nakatingin sa kaniya.

"Paghahanda? Para saan? Teka nga, ano bang meron?" nagugulohan kong usal.

"Sa paparating na monthsary namin ni Andrea." sambit niya na nagpatango-tango sa akin. "So, can you help me?"

"O-oo naman, sure. Kailan ba?"

"A day after our camp."

"Don't worry, I gotcha!" sambit ko.

Pero kaagad ko rin siyang pinagsingkitan ng mga mata. Kita ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya.

"Hindi mo man lang sinabi sa akin na may girlfriend ka na pala?"

Mahina siyang natawa bago tumayo. "Do I need to tell you?" taas kilay niyang sambit.

"Ahh ganon? Sige hindi na pala ako tutulong." sambit ko bago umirap.

Narinig ko ang pagtawa niya. "Hindi ka naman mabiro insan. Sige, ipapakilala ko siya sa'yo, pero sa ngayon kailangan ko munang umalis."

"Oh sige na, ss sainyo ah?" sigaw ko bago siya tuluyang makalabas ng kwarto ko.

Tinapos ko na ang pag-iimpake bago ako naligo. Nag text sa akin kanina si Ulap, magpapasama raw siya sa mall kaya kailangan ko ng maghanda.

Nagsuot lang ako ng black tube at nilagyan ito ng blazer, pares nito ay ang dark white kong trouser at ang puti kong sapatos.

Nang makaayos na, kinuha ko sa cabinet ang black Gucci bag ko bago humarap sa salamin. Kinuha ko ang aking cellphone at kaagad na kumuha ng litrato.

Pinost ko naman ito kaagad sa Instagram account ko sabay caption ng 'otw to meet my soulmate'. Natatawa ako sa sarili kong kalokohan bago lumabas na ng kwarto.

Pagkababa ko, kaagad akong nagpaalam saglit kay Deyron bago lumabas ng bahay. Pagkalabas ko ng gate, nakita ko rin kaagad ang sasakyan ni Ulap.

Lumapit na ako dito at marahang binuksan ang pinto ng shotgun seat. Kaagad ko rin namang kinabit ang seatbelt nang makapasok.

Napatingin ako kay Ulap nang magsimula na siyang magmaneho. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.

He's wearing white polo shirt tucked in with gray slacks. At ang mas lalong nagpaangas ng dating niya ay ang suot niyang white shoes at luxury watch.

Napangiti ako nang bigla kong maisip na parang twinny ang dating namin ni Ulap, cutiiieee.

"Ulap, hindi mo man lang ba na appreciate 'yung OOTD ko ngayon?" sambit ko.

Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon