29

63 7 0
                                    

NARINIG ko ang pagtikhim ni Lance sa tabi ko. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at marahang hinatak palapit sa kaniya. Nakita kong napatingin ang tatlo sa kamay namin pero agad rin silang umiwas ng tingin at nagpatay malisya.

"Let's eat," sambit ni Lance.

"Mhmm... kain na tayo guys?" awkward akong ngumiti sa kanila at umupo sa tabi ni Lance.

Umupo na rin sina Chandler at Dion sa kaharap naming upuan.

"Orwel, ano pang tinatayo tayo mo d'yan?" tanong ni Chandler nang makitang nakatayo pa rin ito.

Nabaling rin ang tingin ko sa lalaki. So, Orwel pala ang pangalan niya? Bagay sa kaniya, cute.

Napatingin ako sa mga pagkain na nasa lamesa. Agad na nangunot ang noo ko nang makitang napakadami nito. Panigurado ring kanina pa sila rito habang hihintay ako.

Siguro mag mumukbang kami?

"Here's the menu. Baka may gusto ka pang e order, Alison."

Umawang ang labi ko nang iabot ni Lance sa'kin ang paper menu. Saglit pa akong napatitig sa menu bago ibinalik ang tingin kay Lance.

Mabilis akong umiling. "Hindi na! Okay na ako sa mga inorder niyo. 'Tsaka... ang dami niyo namang inorder, mauubos niyo ba 'yan?" litanya ko.

Sobrang dami ba naman kasing pagkain ang nakahanda sa lamesa. Hindi ito mauubos ng lima katao pwera na lang kung mga gutom kami.

Nahuli ko ang pag angat ng gilid ng labi ni Chandler habang umiiling. Bahagya kong inikot ng tingin ang paligid kung may dadating pa ba silang bisita ngunit wala naman akong ibang nakikita kung hindi ang mga taong tahimik na kumakain.

Hindi ko na lang iyon pinansin at nagsimula ng kumain. Nakaramdam ako ng ilang nang pareho kaming tumahimik.

Babasagin ko na sana ang katahimikan nang mapatuon ang tingin ko kay Orwel. Napatigil ako sa pag-nguya at gulat na nakatingin sa kaniya.

Natanggal lang ang tingin ko kay Orwel nang marinig ko ang mahinang pagtawa ni Dion. Saka ko lang napagtanto na nakatingin na pala silang tatlo sa'kin.

"Ganiyan talaga 'yan si Orwel kung kumain. Matakaw pero 'di tumataba." Natatawang saad ni Dion.

Namangha ako sa nalaman. Nang ibalik ko kay Orwel ang tingin ko ay patuloy pa rin ito sa pagkain at hindi inalintala ang sinabi ni Dion.

"Siguro naman may ideya kana kung bakit sobrang dami ng inorder namin." singit ni Chandler.

Dahan-dahan akong tumango. Panibago na namang kaalaman sa'kin ito. Kahapon ko lang nalaman na mahilig magpinta si Dion at ngayon naman ay kung gaano katakaw ni Orwel pagdating sa pagkain.

Nagpatuloy na lang kami sa pagkain hanggang sa matapos kami. Hindi rin naman naubos talaga lahat, kung may natira man ay kaunti na lang rin.

Kasalukuyan na kaming naglalakad pabalik sa hotel room namin. Nagulat ako nang malamang parehong hotel lang pala ang pinag s-stayhan namin.

"Nga pala... may naikwento sa'kin si Orwel kanina nung nasa labas pa kami ng restaurant." usal ko at medyo hininaan ang paglalakad.

"What?" tanong ni Lance na nasa tabi ko.

Napatingin ako sa kaniya. Ano ba 'to kanina pa dikit nang dikit! Akala mo talaga para sa kaniya lang e chichika ko.

Huminto ako sa paglalakad dahilan para mapahinto rin sila. Nakita kong seryoso lang ang mukha ni Chandler habang hinihintay ang sasabihin ko samantalang si Dion naman ay tamad na huminto.

Nang tingnan ko si Orwel, nakataas na ngayon ang isa niyang kilay at masungit akong tiningnan. Palihim akong napangisi. Kung masungit siya mas mataray naman ako.

Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)Where stories live. Discover now