42

36 4 0
                                    



"KAILAN ka pa natutong magluto?" tanong ko nang makapasok kami sa loob ng kitchen.

Lumapit siya sa ref at kumuha ng mga ingredients. Pinanood ko lang siya hanggang sa pagsuot niya ng apron.

Nakasuot lang siya ng puting sando na hapit na hapit sa katawan niya, kaya mas lalong bumabakat ang kaniyang matipunong dibdib.

"Ngayon lang?" kibit-balikat niyang sabi na ikinamangha ko.

"Oh? 'Di nga?" Gulat kong usal.

"Oo nga. Umupo ka na lang diyan, kasi kapag naging asawa na kita, syempre sa labas na tayo lagi kakain. Kaya sulitin mo na cooking skills ko." aniya.

Tiningnan ko siya ng masama kahit nakatalikod siya sa'kin at abala sa kaniyang niluluto. Dakilang tamad!

"Bakit sa labas pa kakain kung pwede ka namang magluto para sa'tin? O, 'di kaya ako?" Nakasimangot kong sambit.

He chuckled. "Ali anong mas uunahin mo? Yung naghihingalong pasyente o ang pagluluto?"

Bumagsak ang balikat ko at napanguso. Tama nga si Lance. Siguro minsan na lang namin magagawa lahat ng gusto naming gawin kapag naging doktor na kami.

Naglakad na siya palapit sa'kin habang dala-dala ang mga niluto niyang ulam. Kumuha na rin siya ng pinggan para sa'ming dalawa.

"Bakit ang tahimik mo? Iniisip mo pa rin ba 'yon?" tanong niya nang makaupo sa harap ko. Pinanood ko siya habang nilalagyan ng kanin at ulam ang pinggan ko.

"Iniisip ko lang 'yong future natin," pabuntong-hininga kong sabi.

Napatingin ako sa kamay ko na nakapatong sa lamesa nang hawakan niya ito. "'Wag mo na 'yang masyadong isipin. Alam naman nating ako ang magiging future mo, hmm?" Nakangiti niyang sambit.

Mabilis ko siyang inirapan pero deep inside ang lakas na ng tibok ng puso ko sa saya.

"Lance naman! Seryoso kasi ako!"

Mabilis na nabura ang kaniyang ngiti at biglang naging seryoso ang mukha niya.

"Seryoso ako, Alison. Ten years from now, I'm going to marry you. I will be your future husband and you'll be my future wife."

Hindi ko alam kung paano pakakalmahin ang puso ko sa sobrang lakas ng kalabog nito. Sinabayan pa ng mga paru-paro na nagwawala sa loob ng tiyan ko.

Natapos ang breakfast namin na puro pakilig lang ang lumalabas sa bibig ni Lance. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Buti nakayanan kong magpigil kasi kung hindi, baka kanina pa ako sumabog sa kilig, takte!

Matapos naming kumain ay naglaro kami saglit ng Domino bago namin naisipang bumalik sa kwarto niya. Parang hindi ko kereng magtagal sa bahay nila. Sa sobrang tahimik paniguradong ma b-bored ka talaga! Parang si Mark, tahimik lang.

"Siya nga pala, Lance. Gusto ko sanang magpaalam sa'yo. Aalis kami bukas ni Deyron."

"Saan kayo pupunta?" sambit ng malalim niyang boses.

Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya. "Sa Batangas, bibisitahin namin si Lola Marga. Doon ako mag s-sembreak, Lance."

Hinawakan ko ang kamay niya at marahan itong pinisil. Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya kaya napatingin ako sa kaniya.

"Ikaw? Saan ka ngayong sembreak?" tanong ko.

"Sa Batangas," tipid niyang sagot.

"Haa? Sa Batangas ka rin?" Gulat kong sabi habang nanlalaki ang mga mata.

Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)Where stories live. Discover now