03

140 11 0
                                    

MARAHAN kong inimulat ang aking mga mata. Nang maimulat ko na ang aking mata ay bahagya akong napakurap.

Kaagad nanlaki ang mga mata ko nang makita si Deyron sa harapan ko. Mabilis akong napaupo sa aking kama dahil sa gulat.

Napatingin ako sa labas ng bintana. Napasapo ko ang aking noo nang mapagtantong madilim na sa labas.

Dahan-dahan kong ibinalik ang tingin ko kay Deyron. Nakatayo na siya ngayon sa harap ko habang nakapamulsa ang isa niyang kamay. Lagot, hindi ako nakapagluto.

"Deyron.... sorry," bigkas ko habang napakamot sa batok ko.

Matunog siyang ngumiti. "You don't have to. Nakapag pa deliver na rin naman ako ng pagkain."

"N-nag pa deliver ka?" nauutal kong saad.

"Yes. Bumaba ka nalang, let's eat together." sambit niya bago lumabas ng room ko.

Malalim akong bumuntong-hininga bago tumayo. Napahawak ako sa bandang pwet ko nang mapagtantong hindi na 'to sumasakit.

Naghilamos muna ako bago lumabas ng kwarto ko. Pagkababa ko, dumiretso na ako sa kitchen. Napansin siguro ni Deyron ang presensya ko kaya kaagad siyang bumaling sa akin.

Napahinto ako sa tapat ng lamesa nang makita doon ang mga pina deliver ni Deyron. Bahagyang napagilid ang mukha ko bago tingnan si Deyron.

"A-anong meron? Fiesta? Bakit ang dami naman ata ng pina deliver mo?" sunod-sunod sunod kong tanong sa kaniya.

Natawa siya sa sinabi ko bago umiling. Napatingin ulit ako sa mga pagkain sa harap. Medyo natakaw sa amoy nito pero hindi ko pinapahalata.

"It's okay, madalas lang din naman tayo nagpapa-deliver ng mga pagkain, Ali." sambit niya. "Let's eat."

Umupo na ako sa kaharap niyang upuan. Nagsimula na akong kumain at ang masasabi ko lang ay masarap ang mga pina order niya.

Pagkatapos naming kumain ay nauna na siyang umakyat. Naiwan ako para magligpit at maghugas ng mga pinagkainan namin.

Hindi namin naubos ang mga pagkain kaya dinala ko 'to sa basement. Saktong hindi pa natutulog sila Manang kaya nabigay ko pa sa kanila 'yung sobra at 'yung mga hindi pa nababawasan.

Nang matapos na ako sa mga ginagawa ko, pinatay ko na ang ilaw at umakyat na patungo sa kwarto ko. Gaya ng dati, nag review muna ako bago matulog. Exam na bukas.

Kinabukasan, nag-iwan nalang ako ng note sa ref para kay Deyron. Pagkatapos ko siyang lutuan ay kaagad akong lumabas ng bahay.

Hindi ako sasabay sa kaniya ngayon. Nagmamadali ako sa kadahilanang pupunta pa ako ng library.

Buti nalang at hindi traffic. Kaagad akong nakarating sa school. Naglakad na ako diretso patungo ng library nang biglang may bumangga sa balikat ko dahilan para mahulog ang mga dala kong gamit.

"The freak!" inis kong singhal.

Arghh!! Bakit ngayon pa? Kung kailan nagmamadali ako.

Kaagad akong yumuko para kunin ang mga nahulog kong gamit. Hindi ko pa man nakuha, biglang sumakit ang ilong ko dahilan para mapabahing ako.

Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)Where stories live. Discover now