12

126 8 0
                                    

NAGISING ako dahil sa ingay ng boses ni Klea at Nicole na paniguradong kanina pang nag babangayan. Pareho pa naman silang mabilis mapikon at pareho silang ayaw magpatalo.

Nakatalukbong ako ng kumot. Tinatamad pa akong bumangon. Sinubukan kong matulog ulit pero hindi ko na magawa, sa sobra ba namang ingay ng dalawa.

Inis kong inalis ang kumot ko at saka kinuha ang cellphone ko na nasa tabi ng aking unan. Marahan kong kinusot ang mga mata ko bago tiningnan ang oras.

Napapikit ako sa inis nang makitang sobrang aga pa para gumising. Iba ang schedule namin ngayong nandito kami. Hindi ito katulad ng schedule namin kapag normal class. Kailangan lang naming mag attendance pero mamayang alas otso pa 'yon par.

"Bwesit!" mahinang singhal ko sa sarili. "Magtigil nga kayo pareho, kay aga-aga ang iingay niyo na!" sita ko sa kanilang dalawa.

Tumahimik rin naman kaagad silang dalawa. Nakatuon na ngayon sa cellphone si Nicole habang si Klea naman ay lumabas ng tent.

Napatingin ako kay Abby at Jared na ang himbing pa rin ng tulog. Grabe hindi man lang sila nagising sa ingay nitong dalawa.

Inabot ko ang aking bag at kumuha ng wipes. 'Yon nalang ang ginamit ko imbes na maghilamos. Tinali ko pa muna ng pang-ipit ang aking buhok bago ako lumabas ng tent.

Pagkalabas ng tent, nakita ko si Klea na nakatayo malapit sa punong niyog habang may kausap sa cellphone niya. Napataas ang kilay ko nang makitang kinikilig pa ito, kay aga-aga naglalandian sa call.

Napagdesisyonan ko nalang na maglakad-lakad muna sa tabing dagat. Saktong hindi pa gaanong mainit. Marahang nililipad ng hangin ang hibla ng aking buhok dahilan para mas lalong naging messy ito tingnan.

Paunti-unti ko nang nakikita ang sunrise sa langit. Kinuha ko ang dala kong cellphone para kunan ng litrato ang dagat at ang magandang sunrise.

Naisipan kong tanggalin ang suot kong tsinelas. Marahan akong humakbang sa pino-pinong buhangin na nababasa ng dagat. Bitbit ko pa rin ang tsinelas ko habang patuloy sa paglalakad.

Marahang napaangat ang tingin ko nang maramdaman ang sinag ng araw na ngayon ay paunti-unting dumadapo sa aking balat.

Pakiramdam ko itong Villa Agatona ang magiging comfort zone ko. Sobrang gaan ng pakiramdam ko kapag nandito ako. Hindi nakakasawang mahalin ang lugar na'to, ewan ko ba kung anong meron dito.

"Ali!"

"Ay kamatis!" halos mapatalon ako nang may biglang sumulpot sa likod ko.

Hawak ko ang dibdib ko bago lumingon sa kung sino mang tumawag sa'kin.

"Ikaw lang pala Deyron! Ginulat mo pa ako." pagmamaktol ko.

"Jeez sorry, I didn't mean it."

Ang akala ko ay sinsero siya sa paghingi niya ng sorry 'yon pala hindi. Pigil siyang natawa habang nakatingin sa'kin.

Inis ko siyang tinignan. "Hoy! Anong nakakatawa? Nako Deyron kung hindi lang talaga kita pinsan, kanina pa kita uupakan."

Lumayo siya ng kaunti sa akin na akala mo'y uupakan ko talaga. Tawa pa rin siya ng tawa. Nakahithit na naman siguro 'to ng medyas. Halatang masaya siyang nagulat niya ako. Pinsan ko ba talaga siya?

"Hey chill, sadista mo talaga." he chuckled.

"Umayos-ayos ka Deyron, baka nakakalimutan mong may pabor ka pa sa'kin." pagbabanta ko sa kaniya.

"I know. I'm sorry dahil nagulat kita." seryoso na siya habang sinasabi 'yon.

I looked at him with doubt, trying to tease him. He move his jaw when realizing what I was trying to do.

Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)Where stories live. Discover now