06

137 12 0
                                    

KINWENTO nila sa akin kung ano talaga ang nangyari sa akin kagabi maliban sa lasing ako.

"Alam mo ba Ali, green flag 'yung lalaking nakausap mo kagabi!" hiyaw ni Abby na ikinakunot ng noo ko.

"P-paano mo nasabi?" hindi ko tinatanggal ang aking tingin sa kaniya.

"Nung nalasing ka, wala siyang ginawa sa'yo.... like hindi niya tinake advantage ang kalasingan mo."

Bahagya akong napatulala saglit sa pool. Parang may kunti na akong naalala sa nangyari kagabi.

"Ang totoo nga niyan, siya pa ang naghatid sa'yo pauwi."

Kaagad na nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Abby. Hinatid ako pauwi?

"Ano? Hinayaan niyo lang din?" kunot-noo kong sambjt.

Paano kung tama nga ako? Na baka stalker siya!

"May tiwala naman kami sa kaniya—"

"Tiwala? Sa isang stranger, seryoso?" pilosopa kong sambit.

"'Wag ka ngang masyadong nega te! Nakasunod lang naman ako sainyo sakay ng kotse ko." kaagad na depensa ni Abby.

"Saka ano ka ba! Sabi ni Abby sa amin na saktong nasa labas ng bahay ninyo si Deyron." saad ni Nicole dahilan para manlaki ang aking mga mata.

"S-si Deyron?" gulat kong bigkas.

"Exactly! Inalalayan ka niyang makapasok sa bahay ninyo."

What a shame, Ali!

Mariin akong napapikit. Jusko, naabala ko pa si Deyron kagabi. Pumasok sa isip ko 'yung naging tanong niya sa akin kanina. Pakshit! Kaya niya pala ako kinamusta.

"Ali nagpakilala ba sa'yo 'yung kausap mo kagabi?"

Napalingon ako kay Nicole nang tanungin niya 'yon. Marahan kong kinagat ang labi ko bago nag-isip.

"O-oo?" hindi siguradong sambit ko.

"Who's that green flag boy?" tanong ni Abby.

"Teka nakalimutan ko—"

Napatigil ako sa pagsasalita at sabay kaming napalingon sa katulong nila Abby. Bigla nalang kasi itong sumigaw kaya naagaw niya ang atensyon namin.

"Lorde! Halika dito!" tawag ng katulong sa aso habang hinahabol ito.

Bahagyang sumingkit ang mga mata ko at mahinang bumulong sa aking sarili. "Lorde?"

May bigla akong naalala sa pangalang Lorde. Parang fresh pa 'to sa utak ko. Dahan-dahang nanlaki ang mga mata ko nang may maalala.

"E-elorde.... siya si Elorde." bigkas ko bago bumaling kila Abby at Nicole.

Marahang kumunot ang noo nila habang nakatingin sa akin.

"Porke narinig mo 'yung pangalan ng aso ni Cloud, naalala mo na agad?" nakangiwing sambit ni Abby.

"Sure ka ba na Elorde ang pangalan nun?" tanong ni Nicole.

Mabilis akong tumango. Hindi ako nagkakamali sa sinabi ko. Talagang Elorde 'yon eh. Napalingon kami kila Klea at Jared nang bigla silang sumulpot.

"Aba, sinong Elorde ba 'yan? Hindi niyo naman kami sinasali sa tsismis ninyo!"

"'Yung pusa ni Cloud si Elorde." sambit ni Abby na ikinatawa namin ni Nicole.

Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)Where stories live. Discover now