41

39 5 0
                                    

ISANG buwan na ang nakalipas simula no'ng nangyari at medyo presko pa rin sa'kin ang pangyayaring 'yon. Hindi naman ako nagtanim ng sama ng loob kay Abby. Nakuha ko siyang intindihin lalo na sa sitwasyon niya ngayon.

Matapos na mapyansahan ni Abby ay agad siyang binigyan ng treatment. Kahit si Lance ay hindi makapaniwala sa ginagawang paghanga ni Abby sa kaniya ng palihim.

Habang nagpapagaling si Abby, paminsan minsan ay binibisita siya naming apat. Naging panatag na rin ang loob ngayong lahat ng nangyari sa'kin simula no'ng nasa SHS pa ako ay nabigyan na ng sagot.

"May gusto ka pa bang e order, Ali?"

Napabalik ako sa huwisyo nang tanungin ako ni Lance. Nandito kami ngayon sa isang fast food chain. Gabi na rin at nakakaramdam na ako ng gutom.

Nagpasyal kami buong maghapon. Nanood kami ng sine, naglaro kami sa arcade at nag window shopping. At talaga namang nag enjoy kami pareho.

"Wala na. Ano, tara kain na tayo?" pag aya ko kay Lance.

Tumango lang siya kaya nagsimula na akong kumain. Tahimik lang kami pareho kaya naisipan kong magsalita.

"Lance, what if..." pang bitin ko.

Saglit siyang tinigil ang pagsubo at tumingin sa'kin. Magkasalubong ang dalawa niya kilay kaya natawa ako.

"What?" masungit niyang sambit.

"What if pakasalan mo ako?" pabiro ko bago sumubo.

Nakita kong napagilid ang mukha niya kasabay nito ang bahagyang pag igting ng kaniyang panga.

"Kailan mo gusto? Bukas agad?" sambit niya dahilan para halos mabilaukan ako.

Agad kong kinuha ang tubig sa lamesa at ininom iyon. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha! Hindi nakatakas sa paningin ko ang pag ngisi ni Lance.

"Dahan-dahan kasi, Alison." sambit niya at binigyan ako ng tissue.

Napasimangot ako. "Parang gago kasi 'to! Joke lang naman eh! Saka bata pa ako, 'no! Mag Dodoktor muna ako bago magpakasal, jusko!"

Nakangiti siyang sumubo habang napatango-tango. Shutaaa ang hirap na pa lang magbiro ngayon, lalo na pag wala pang label! Shocks! Lagyan ko na kaya ng label? Mag iisang taon na rin naman akong nililigawan ni Lance.

Humugot muna ako ng malalim na hininga. Nakita kong abala lang siya sa kaniyang kinakain. Tumikhim ako.

"Ardie?"

Napatigil siya sa pagsubo at inangat ang tingin sa'kin. Malalim ang ginawa niyang pagtitig sa'kin, yung tipong pati puso ko ay malulunod!

"I told you. I will only allow you to call me by that name if you are mine, Alison."

Damn, his voice sounds sexy!

"Kaya nga! Pwede na kitang tawaging Ardie..." I trailed off. "kasi sinasagot na kita, Lance."

Nakita ko ang pag awang ng kaniyang labi. Nagulat ako nang tumayo siya at tumabi sa'kin.

"Are you saying, yes? Tayo na? Girlfriend na kita?" hindi makapaniwala niyang saad. Bakas pa rin sa mukha niya ang gulat.

Ngumiti ako at tinanguan siya. He pursed his lips and hug me. "Finally! May label na din." sambit niya sa gitna nang pagyakap.

Marahan ko siyang hinampas sa likod niya habang natatawa.

Handa na ulit akong sumugal. Sana sa pagkakataong 'to, manalo naman ako.


***

Chasing The Sunset (To Be Published Under TDP Publishing House)Where stories live. Discover now