Chapter Six: Obviously In Love

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ha! Si Shaine? Kahit kailan ay hindi niya ako mamahalin. Dahil napaka-weird ng taste niya. Mahilig siya sa ban-sot, mukhang uto-uto, tamad mag-aral, at isip bata na katulad mo," parang wala pa rin sa sarili na sabi ni Damon.

"Kuya!"

"Ano kaya kung gayahin kita, Mei-Mei? Baka saka-ling magustuhan din ako ni Shaine! Kahit na girlfriend ko na siya, hinding-hindi niya ako mamahalin! Hik!" patuloy pa rin nitong pagsasalita.

Iyak-tawa si Damon. Dinaig pa si Sisa, ina nina Basil-io at Crispin. Iba talaga kapag nalalasing ang isang tao, kung ano-ano ang sinasabi na hindi niya maintindihan. Umakyat na lang siya sa itaas para tawagin ang mommy nila. Agad namang bumaba sa sala ang mag-asawa at inasikaso ang kuya niya habang pinagsasabihan ito.

Umakyat na siya sa sariling kuwarto at hinayaan na lang niya ang mga magulang nila na mag-asikaso sa kuya niya. Sa paghiga niya sa kama niya ay napaisip siya kung bakit kaya nagpakalasing ng ganoon ang kuya niya? Kung totoong girlfriend na nito si Shaine ay bakit parang ganoon na lang ito kamiserable? At bakit naman sasagutin ni Shaine ang kuya niya kung hindi naman nito mahal ang lalaki?

"Dapat nga ay masaya si kuya dahil nakuha na niya sa wakas ang babaeng pinapangarap niya. Pero ano kaya iy-ong sinasabi niya na gayahin na lang daw kaya niya ako at baka sakaling mahalin din daw siya ni Shaine?Ano naman ang kinalaman ko kay Shaine?" Naguguluhan na talaga siya. Sa pagpikit ng mga mata niya ay lumitaw sa balintanaw niya si Denver.

Na-badtrip siya ulit. Nagdasal na lang siya na sana, sa susunod na magmahal siya ay huwag na sanang magkagusto kay Shaine ulit. Gusto niya nang magkaroon ng boyfriend.

Hopeless romantic na siya at alam niya iyon. Gusto niyang maranasang magmahal at mahalin.

Naiinggit siya kay Shaine at nakukuha nito kahit na sino pang lalaking gustuhin nito. Sa ganda nitong iyon ay walang lalaking makakatanggi rito.

"Tanga na lang siguro kung meron pa," sabi ng isip niya at napailing din dahil ayaw niyang makaramdam ng in-ggit dito. Masama 'yun.

Bandang huli ay nakaisip din siya ng paraan para magkaroon ng boyfriend. At iyon ay ang paraan na hindi niya ipapakilala sa lalaki si Shaine para hindi na siya maagawan. "Mahirap nang maging matandang dalaga, sa isip-isip niya." Pumikit na lang siya at agad ding nakatulog.

--------------------------

KINABUKASAN, HABANG NAGLALAKAD si Shaine sa may hall-way ng school papunta sa classroom ay nakita na niya agad si Mei-Mei na kausap na naman mula sa hindi kalayuan ng classroom nila ang lalaking sa tingin niya ay boyfriend nito. Sa tingin niya ay mukha pa ngang nagtatalo ang dalawa.

Ang seryosong mukha niya ay unti-unting napu-nit, hanggang sa tuluyan na siyang sumimangot. Hindi niya mapigilan ang selos na tumutubo sa damdamin niya.

Napatingin sina Mei-Mei at ang lalaking kasama nito sa kanya. Hindi niya inaasahan na mahuhuli pa siya ng dal-awa na nakasimangot. Umismid lang siya at saka niya inalis ang tingin sa dalawa. Dumiretso na lang siya ng lakad at pu-masok na lang sa loob ng classroom. Umupo na siya sa upuan niya sa unahan.

Sa kinauupuan niya ay hinihiling niya na sana ay iba na lang ang kasarian niya. Iyong kasarian na kayang pa-nagutan ang maling nararamdaman niya. Sa paningin niya, malamang kung naging lalaki lang siya, mapapatunayan niya rito na mas higit siya kaysa sa mga lalaking magugustuhan nito. Ipapakita niya kung gaano niya itong kamahal. Pero wala, e, naging babae siya. Subalit, sa kabilang parte ng isipan niya, naisip niya na kailan ba naging mali ang magmahal? At kailan ba nagkaroon ng boundery ang pag-ibig?

Sa lakas ng nararamdaman niya para kay Mei-Mei ay pakiramdam talaga niya ay lalaki siya na na-trap sa katawan ng isang napakagandang babae. Isang magandang babae na malabong magustuhan ni Mei-Mei kahit na kailan dahil wala siyang kakayahan na bumuo ng isang pamilya kasama nito. Kaya naman kahit pa na gustuhin niyang ipagsigawan sa buong mundo na mahal niya ito o kahit gustuhin niya na hilahin ito palayo kay Denver kanina ay pinigilan niya ang sa-rili na gawin iyon. Iyon ay dahil alam niya na magiging weird lang ang tingin sa kanya ni Mei-Mei kapag ginawa niya iyon. Kahit masakit man sa puso niya na isipin, alam niya na si Denver pa rin talaga ang taong mas pipiliin nito sa bandang huli. Kahit pa gaano sila maging mapalapit sa isa't isa, mas pipiliin pa rin nito ang isang lalaki at hindi siya iyon.

Strange Love (Published By Viva Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon