CHAPTER 16

5K 90 10
                                    

AFTER THEIR steamy scene, Ryo asked John to go on the park he used to go with when he wants to unwind or to have a peace of mind.

Magdadala rin sana si John ng kaniyang sariling kotse ngunit hindi na ito pinayagan pa ni Ryo. Gusto ng binata na sa iisang kotse na lamang sila sumakay; sa kotse niya.

Sa loob ng kotse papunta sa Park ay wala man lang nagsasalita sa kanila. Nasa daan ang atensyon ni Ryo. Pinakikiramdaman niya lamang ang bawat galaw ng kaniyang tiyuhin na ang tingin ay sa labas ng bintana; abalang tignan ang kanilang nadaraanan.

“I’m sure you’d love the place like how I love it,” Ryo uttered as he swirls the steering wheel to the right. The road was curvaceous.

Ilang minuto pang pagmamaneho ay narating na nila ang lugar. May parking lot doon. Hiwalay ang parking-ngan ng kotse at motor. Mayroon ding para sa mga tricycle. Ang sino mang hindi sumunod sa lugar kung saan dapat sila mag-parking ay may kaukulang bayad na limang libo.

Nang ma-i-garahe na ni Ryo ang kotse ay kaagad na silang bumaba nang magkasabay.

Ang sariwang hangin ay lumukob sa katawan nilang dalawa. Masarap sa pakiramdam. Nakakakalma.


SIERRA’S NATURE PARK. Thank you for coming. Welcome and enjoy the calming breez of fresh air and the wonderful sight of green environment.

Ilang ulit iyong binasa ni John. Nakasulat sa malaking titik ang pangalan ng lugar na nasa itaas na bahagi ng karatula. Sa baba nito ay ang pambungad na bati.

Nagbayad sila nang tig-isang libo bago tuluyang makapasok sa Park. Sulit naman iyong ibinayad nila sa ganda ng lugar.

Sa gitna nito ay mayroong fountain. That’s the most sought part of the place. Lagi iyon ang unang pinupuntuhan ng mga turista para humiling. Magtatapon ng barya doon saka hihiling.

Nang malaman ni Ryo na kung sino man ang humiling sa fountain na iyon ay nagkakatotoo, kaya naging interesante siya sa lugar. Pinuntahan niya ito kaagad at ang fountain ang kaniyang unang pakay. Humihiling siya doon na siya nga namang nagkakatotoo.

“Let’s go to the fountain, Uncle. We will make a wish.” Ryo held John hand and he intertwines their fingers. Gusto mang umalma ni John ay hindi niya ginawa; gusto niya din naman kasi iyon.

“R-Ryo, maraming tao,” mahinang usal ni John. Ipinalibot niya ang kaniyang tingin. Nakahinga siya nang maluwang nang makitang hindi naman sila pinapansin ng mga ito. Abala rin ang mga ito sa kani-kanilang kasama.

“Tao rin naman tayo. Don’t mind them. Let’s enjoy the place.” Hinigpitan ni Ryo ang pagkakasaklop ng kanilang mga daliri.

May magkasintahan, magbabarkada, at magkakamag-anak ang naroon; masayang nagkukuwentuhan at nag-aasaran. May grupong nagsisipag-awitan. Mayroon ding nagsasayaw ng akrobatiko at nag-z-zumba. Maganda nga naman talaga ang lugar para sa ganoong mga aktibidades.

Nang makalapit sila sa fountain ay kaagad na kumuha ng barya si Ryo sa kaniyang wallet. Isang buong sampung piso. Inihulog niya ito sa fountain saka dahan-dahang ipinikit ang kaniyang mga mata.

Tiningnan lang ni John si Ryo saka siya napangiti. Ang kaniyang puso ay bigla na lamang nagharumentado. Pamilyar na iyon sa kaniya. Lalo na kapag nariyan lang ang binata sa tabi niya. Hindi niya na kaya pang itanggi ang kaniyang nararamdaman para dito. Tunay ngang mahal niya na ang binata.

Habang nakapikit pa si Ryo dahil hindi pa ito tapos humiling ay inilibot ni John ang kaniyang paningin sa buong lugar.

Maraming bench. Ang bawat isa ay may atip na gawa sa semento. Ginawa iyon para kung sakali mang umulan ay may sisilungan ang mga turista pati na rin kapag sobrang mainit na.

The Love They KeptTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon