CHAPTER 8

6K 101 8
                                    

RYO WAS BUSY signing all the papers infront of him when the the door opened and his friend, Xavier, wide smiling face appeared.

“Yow, bud. Making your ass busy, huh,” Xavier said and sat in the visitor's chair.

“Minamadali ko na nga. Gusto ko nang umuwi.” Hindi man lang binalingan ni Ryo nang tingin ang kaniyang kaibigan.

Kanina pa nakauwi ang sekretarya niya dahil may emergency daw ito sa bahay kaya siya na lamang ang naiwan sa office. It was already passed 10pm.  Sigurado si Ryo na umalis na rin ang ibang trabahante ng kompanya.

“Punta tayo sa bagong bukas na club. Kahapon lang nagbukas. There's a lot of sexy girls there.” Tumayo si Xavier saka naglakad-lakad.

Pinag-isipan muna ni Ryo kung papayag siya. Nang makapag-isip na ay kaagad niyang minadali ang pagpirma sa mga papeles.

“Tara,” tugon niya saka tumayo.

“Wala pa naman pero tinitigasan na kaagad ako sa mga itsura ng mga babaeng naroon.” Tumaas ang sulok ng labi ni Xavier.

Umiling na lamang si Ryo dahil sa kabulgaran ng kaniyang kaibigan. Sumunod na lamang siya nang naglakad si Xavier palabas ng kaniyang opisina.

Kaagad na tumungo sila sa elevator at binuksan iyon ni Xavier para makapasok na sila. Pumasok sila saka pinindot ang number 1 saka down button.

Ilang minuto ay bumukas na ang elevator sa first floor. Lumabas na sila saka naglakad palabas ng kompanya.

Tumungo sila sa parking lot para sumakay sa kani-kanilang sasakyan. Nang makarating ay kaagad silang pumasok doon at binuhay ang makina ng kani-kanilang sasakyan.

Si Xavier ang naunang magpaandar dahil ito ang nakakaalam sa bagong bukas na club. Sumunod na lamang dito si Ryo.

Isang oras lang ang ginugugol nila sa pagpapatakbo ng kani-kanilang kotse dahil kaagad naman nilang narating ang lugar na sinasabi ng kaibigan ni Ryo. Nag-parking sila sa nakita nilang parking-ngan malapit sa club.

Pinagmasdan ni Ryo ang lugar. Dalawang palapag iyon. Ang pagkakagawa sa estruktura ay maayos. Sigurado siyang marami-rami rin ang ginasta ng kung sino man ang nagmamay-ari sa club na ito.

Bumaba na rin siya nang bumaba na ang kaniyang kaibigan. Nang maglakad na si Xavier ay sumunod na rin siya rito.

May dalawang bantay sa may entrance. Binati sila nito na kaagad din naman nilang tinanguan.

Nang tuluyan na silang makapasok ay kaagad na bumungad sa kanila ang ingay na nagmumula sa mga kalalakihan at tugtog. Nakita nila ang limang kababaihan na nasa gitna ng stage. Iwinawagayway ang kanilang katawan, sumasabay sa sensuwal na musika.

May lumapit sa kanila at tinuro ang table na wala pang umuukupa. May dalawang upuan doon. Sakto sa kanilang magkaibigan. Binigyan sila nito ng beer.

Namamayani pa rin ang ingay ng mga kalalakihan. Lalo pang lumakas iyon nang bumaba ang mga babaeng sumasayaw sa stage at nilapitan ang mga lalaki. Panghuling nilapitan ng mga ito ang magkaibigan.

Hindi alam ni Ryo kung bakit siya biglang nainip. Samantalang ang kaniyang kaibigan ay dalawa pang babae ang lumapit dito at tuwang-tuwa pa ito. Napamaang siya nang biglang hilahin ng isang babae ang damit ng kaniyang kaibigan at mapusok itong hinalikan na kaagad naman nitong tinugunan. Nang matapos ang unang babae ay sumunod naman ang isa.

Tumayo si Ryo saka nagtungo sa comfort room. Pagkapasok niya roon ay kaagad siyang naghilamos at hinigusan ang kaniyang kamay. Nawalan na siya nang ganang uminom.

Nang matapos ay kumuha siya ng tissue at pinunasan ang kaniyang kamay.

Lalabas na sana siya nang biglang bumukas ang pinto ng comfort room. Nagulat siya nang tuluyang makapasok ang babaeng nagbukas sa pinto at hinila ang suot niyang necktie saka siya hinalikan nang mapasok.

Dahil sa hindi niya iyon gusto ay bigla niyang itinulak ang babae ngunit hindi iyon ganoon kalakas.

“What the fuck, woman!? Are you that desperate to be fucked!” He was gritting his teeth and his jaw was clenching. “I didn’t came her to fuck woman. Have some respect to your self.” His aura was dark.

Hindi niya na hinayaang makapagsalita pa ang babae, mabigat ang mga yabag na lumabas siya sa comfort room.

Imbis na maupo sa inupuan niya kanina ay dumeretso siya palabas ng club.

Nang makarating siya sa lugar kung saan nila iginarahe ang mga kotse nila ay kaagad niyang tinungo ang kaniyang kotse at sumakay dito.

He started its engine and maneuvered it.

Uuwi na lamang siya kaysa manatili siya sa club house na ‘yon. Mas lalo lang tuloy niyang nakiki-kuwestiyon ang kaniyang sarili kung tuwid ba siyang lalaki o ano.

Mabilis niyang pinaandar ang kaniyang kotse. Mas mabilis pa sa normal niyang pagpatakbo.

Wala na siyang pakialam kung maabutan niya man doon ang kaniyang tiyuhin. Ang mahalaga ay makauwi siya at nang mawala na ang inis na nararamdaman niya dahil sa ginawa nang babae sa club kanina.

Pagkarating niya sa kanilang bahay ay kaagad na niyang pinaandar ang kotse sa garahe. Bukas naman na kasi ang gate. Pagkatapos ay pinatay niya ang makina ng kotse. Inilagay niya sa kaniyang bulsa ang susi ng kaniyang kotse at saka lumabas na.

Pumasok na siya sa bahay nila. Wala siyang naabutan sa sala kaya umakyat na lamang siya papunta sa kaniyang kuwarto. Nang nasa tapat na  ay kaagad niyang binuksan ang pinto at pumasok. Inalis niya ang suot na sapatos, pagkatapos ay sinara ang pinto.

Umupo siya sa gilid ng kaniyang kama at kinuha ang cellphone sa bulsa. Inilagay niya lamang iyon kung saan sa higaan at saka siya humiga.

He closed his eyes tightly. For now, he don’t want to see his uncle face. He wants to have a peace of mind.

Gusto niyang matulog nang sa gayon ay makapagpahinga siya ngunit hindi naman siya dinadalaw ng antok kaya panay galaw lamang siya na wari ba ay hindi siya mapakali.

Tumayo na lamang siya at nag-isip nang gagawin para pagurin ang kaniyang sarili.

He decided to exercise his body.

He did thirty-five times push-up and planked his body in one hour. He did a biceps and triceps exercise.

Ilang beses na rin palang hindi siya nakakapunta sa gym dahil sa sobrang kaabalahan.

Hindi niya rin pinalampas ang mag-curl ups. Kahit mga madadaling ehersisyo ay ginawa niya na para lamang pagurin ang sarili.

Nagpahinga muna siya sandali at pinunasan ang mga pawis na tagaktak na sa kaniyang katawan. Pagkatapos ay nag-ehersisyong muli.

Nang masyado na siyang pagod ay tumigil na siya. Ilang minuto lang mula sa pagpapahinga ay kaagad na siyang pumasok sa shower room at naligo.

Bago siya lumabas sa shower nang matapos na siyang maligo ay pinunasan niya na ang kaniyang katawan at tuluyan nang lumabas nang hindi man lang nakatapis.

He’s buddy down there was swaying. It’s thick and long.

Wala siyang pakialam doon. Wala naman kasing makakakita.

Mabilis siyang nagbihis pagkatapos ay sumalampak sa higaan. Dahil sa ramdam niya pa rin ang pagod mula sa pag-ehersisyo ay kaagad siyang nakatulog.

The Love They KeptWhere stories live. Discover now