CHAPTER 3

7.9K 152 15
                                    

KINAUMAGAHAN maagang nagising si Ryo para maabot niya sa bahay ang kan'yang kaibigang si Xavier. Tinext niya na ito kagabi na pupunta siya rito bandang alas singko ng umaga, kaya naman alas kwatro pa lang ay gising na siya upang maligo.

He took a quick shower then after that he wore a simple blue t-shirt and black pants na pinarisan niya ng simple lamang na puting sapatos. Simple lang ang kan'yang suot pero hindi ito naging hadlang para mabawasan ang kan'yang gandang lalaki, kahit ano namang suotin ay bagay sa kan'ya na lalong nagpapatingkad sa kan'yang kagwapohan kahit nga ata sako ang isuot niya ay gwapo pa rin siya.

Agad na siyang lumabas ng kanyang kwarto at bumaba ng hagdan. Naabutan niya ang ama niya na nasa sala at nakaupo sa single couch habang sumisimsim ng tsaa.

“Saan ang lakad mo, son? Ang aga mo yata? Hindi ka naman pupunta sa company ng ganito kaaga. Alas otso ang punta mo sa company dahil mauuna ako sa iyo roon dahil i-a-announce ko sa board na ikaw na ang magiging bagong CEO ng company. So... sa'n ang lakad mo?” nagtatakang tanong ng kan'yang ama at muling sumimsim ng tsaa sa tasa nito.

“Pupunta ako kay Xavier para makausap ko na agad ito tungkol sa napag-usapan natin kagabi,” sagot niya at ginulo ang buhok niya na medyo basa pa.

“Okay,” tipid na tugon na lang nito 'saka tumayo.

“Bye, Pa. Dederetso na lang po ako sa company pagkatapos kong kausapin si Xavier.”

“Sige.”

Agad na naglakad si Ryo palabas sa kanilang bahay. Binuksan niya ang pinto 'saka lumabas. He went to their garage to pick his black Ducatti na regalo sa kan'ya ng ama noong kaarawan niya. Nang makita na niyang binuksan na ng kanilang guard ang gate ng garahe ay agad na siyang sumampa sa kan'yang Ducatti at binuhay ito 'saka pinaandar.

He drove his Ducatti as fast as he can para makarating agad sa bahay ng kaibigan na hindi naman gaano kalayo sa bahay nila.







“ANO ba ang pag-uusapan natin? Is that very important para guluhin mo ako nang ganito kaaga?” Xavier asked Ryo out of curiosity.

Pagkarating na pagkarating ni Ryo sa bahay ni Xavier ay nag-fist bumped muna sila gaya nang ginagawa nila noon.

“My father wants you to be the chief or cooker on my uncle's birthday next week,” deretsang sagot niya rito.

“Ano ang lulutuin?”

“Ikaw na bahala. Ikaw naman ang may alam dyan. Basta iyong masarap.”

“Kailan ba ako nagluto nang hindi masarap, kaya nga nag-chief ako because I'm a good cooker,” mayabang na ani ni Xavier saka ngumisi na para bang nang-aasar ito.

“Ang yabang kapag ako natutong magluto, who you ka sa akin,” ngising ani rin ni Ryo.

“Baka after 20 years ka pa matutong magluto.”

“Gago!”

Tanging tawa na lang ang naging sagot ni Xavier sa kaibigan.

“Magpa-catering na lang kaya kayo, bud? Galing naman sa restaurant ko ang mga pagkain. Kasi kung magluluto pa ako, bago yata ‘yon. If I knew, nagpapa-catering kayo every time that there’s a celebration.”

“My father wants the food newly cooked para mainit-init pa.”

“Ang daming arte naman ni tito. Newly cooked naman namin ihahatid.”

“Sabagay.” Tumango na lamang si Ryo sa suhestiyon ng kaibigan. Mas maayos nga naman eh. Nagmumukha tuloy silang mahirap sa gusto ng Papa niya.

“Mag-aral ka na kasing magluto,” Xavier retorted.

“Kaaway ako ng kusina.”

Aminado si Ryo na hindi siya marunong magluto, noong nagsubok siyang magluto sa condo niya ay hindi niya man lang ang mga ito napakinabangan. Sunog ang sinaing at tutong ang itlog na prinito niya. Tinapon niya na lang ito sa basurahan at kumain na lamang sa restaurant ni Xavier.

“Kapag may time ako tuturuan kitang magluto,” usal ni Xavier.

“I'm looking forward with that. Siya nga pala, I've decided to takeover my father's position on bieng a CEO of our company pero bago ako maka-decide ay iyon na talaga ang favor ni dad sa akin. Naaawa na kasi ako kay dad, siya lang nagpapatakbo ng kompanya namin. He's too old to handle our company kaya gusto ko na palitan na ito at pagpahingahin na lamang dahil matanda na rin ito at mas makabubuti kung sa bahay na lamang siya pumirmi,” k’wento niya sa kaibigan na may sinisimsim na sa tasa nito.

“Mabuti iyan, bud para hindi na mapagod pa si tito. At 'saka matanda ka na rin kaya dapat lang na ikaw na ang magpatakbo ng kompanya niyo. Dati pa iyan sinasabi sa iyo ni tito pero tinatanggihan mo buti naman at natauhan ka na at tinanggap mo na ito,” masayang sabi ni Xavier 'saka simimsim sa tasa niya na hindi alam ni Ryo ang laman.

“Oo nga ehh. Sige na bud, pupunta na ako sa company,” ani Ryo at tumingin sa kan'yang wristwatch, “Alas syete na pala. Ang tagal na pala nating nag-uusap, hindi ko na napansin.” Dagdag pa ni Ryo pagkatapos na tingnan ang kan'yang relong pang-bisig.

“Sige. Ingat!” tugon na lang ni Xavier.

Nagtanguan ang dalawa bago tuluyang umalis si Ryo.

Agad na tumalima si Ryo palabas sa bahay ni Xavier at patakbong pumunta sa kan'yang Ducatti na nasa labas lang ng gate ng bahay ng kaibigan. Hindi niya na ito ipinasok pa dahil sa aalis din naman siya na akala niya ay mabilis lang pero hindi pala dahil medyo tumagal ang pag-uusap nilang magkaibigan.

Sumampa siya rito 'saka pinaandar nang mabilis papunta sa bahay nila para magpalit ng suot na pang-opisina.

Nang makarating siya sa kanilang bahay ay kaagad siyang dumako sa kaniyang kuwarto at nagbihis. Pagkatapos ay lumabas na siyang muli.

Hindi niya naman puwedeng gamitin ang kaniyang Ducatti papunta sa kanilang kompanya kaya ang itim na BMW niya na lamang ang kaniyang ginamit.

Kaagad siyang pumasok sa kotse at binuhay ang makina niyon at nagpaandar. Bukas naman ang gate kaya deretso na lamang siyang lumabas. Awtomatiko namang sumasara at bumubukas iyon kapag lalabas silang gamit ang kani-kanilang kotse.

Pinatakbo niya na lamang ang kaniyang kotse papunta sa kanilang kompanya. Baka naiinip ang kaniyang ama at ang iba pang kawani ng kompanya.

The Love They KeptWhere stories live. Discover now