CHAPTER 1

13.3K 238 29
                                    

"SORRY, Lena, wala talaga akong maramdaman na pagmamahal sa iyo," paghihingi ng tawad ni Ryo kay Lena ang ikapitong babae na ginamit niya para alamin kung ano ba talaga siya.

Hindi niya alam kung bakit wala siyang nararamdaman sa mga babae. He even tried to have an intimate time in any girl who wants him pero wala hindi man lang tumatayo o tumitigas ang kan'yang pagkalalaki.

"I understand, Ryo. Ako naman ang may gusto na makipag-relasyon sa iyo," sinserong ani naman ni Lena na may tinig na nauunawaan niya ang binata.

"Sorry!" paghihingi pa rin ng tawad ni Ryo kay Lena kahit kita niya naman sa pagmumukha ng dalawa na sinsero ito sa pagsabi na naiintindihan siya nito.

"Hindi ka naman bakla pero bakit hindi ka nagkakagusto sa mga babae, sinabi mo rin na hindi ka tinitigasan kahit nakahubo't hubad na ang mga nakarelasyon mo dati?" nagtatakang tanong ni Lena. Nakakapagtaka naman kasi na malaman iyon, alam na ni Lena ang likaw ng mga bituka ng lalaki, madaling matukso lalo na kung ganoon ngang nakahubad na sa harapan ang babae.

"Hindi ko nga alam. I know to myself that I'm not gay but I don't know why I didn't feel attracted to my opposite sex at hindi rin ako nakakaramdam ng atraksiyon sa kapareho kong kasarian," nagtataka ring sabi ni Ryo at ginulo ang kan'yang buhok.

"Nakakapagtaka iyan. By the way Ryo, pang-ilan ba ako sa mga babae na ginamit mo para alamin kung bakit hindi ka nakakaramdam ng atraksiyon sa mga babae?"

"Pang-pito ka," sagot nito, "At ikaw lang ang hindi nagalit at umiyak." Dagdag pa nito at 'saka tumingal sa asul na asul na langit.

Kasalukuyan silang nasa parke kung saan palagi silang nag-d-date.

"Grabi ang dami na pala!" gulat ang rumehistro sa mukha nito at lumingon kay Ryo na nakatingala lang sa langit.

"Akala ko kasi kapag sumubok ako sa iba ay tumibok ang puso ko at magiging attracted sa kanila pero wala ehh, wala talaga akong maramdaman para sa kanila."

"Mahirap 'yang sitwasyon mo." Mababakas sa mukha ni Lena ang kalungkutan dahil sa sitwasyon ng binata.

"Bakit hindi ka umiyak? Hindi ba gusto mo ako, kaya nga ikaw ang ginamit ko kasi may gusto ka sa akin. Alam mo naman na ginagamit ko ay iyong mga babaeng may gusto sa akin?"

"Gusto kita oo, pero hindi ganoon kalalim."

"Ahhh," tumango-tango na ani ni Ryo.

"So... ano na balak mo ngayon? Ipagpapatuloy mo pa ba ang paggamit sa mga babaeng may gusto sa iyo?" Lena asked out of curiosity.

"Hindi na ako gagamit, nakakakonsensya na. I don't want to see a girl crying again because of me-my stupidity. I don't want to be selfish."

"It was a good idea. Face it on your own, stop using girls just to know why you didn't feel attracted with your opposite sex," nakangiti si Lena habang sinasabi iyon at tumingala rin sa kagandahanan ng kalangitan.

"Ayoko nang gumamit pa ng ibang tao. Maybe I'm an asexual kasi wala akong maramdamang atraksiyon mapasa-lalaki man o babae." Parang siguradong-sigurado si Ryo nang sabihin niya ang mga katagang iyon.

"Baka nga," sang-ayon na lang ni Lena.

"Let's just be friends na lang, Lena."

"Sure. It would be great being friends with the man you like!" masayang-masaya na tugon ni Lena, "Malay mo ma-fall ka sa 'kin habang mag-kaibigan tayo." Ngumiti si Ryo 'saka ginulo ang buhok ng dalaga.

"Duda ako riyan, Lena. Seryoso na ako na I'm an asexual, paninindigan ko na ang pagiging asexual ko." Tumawa ito matapos sabihin iyon kaya lumabas ang pantay na pantay na ngipin nito na binabad ata sa puting pintura sa sobrang puti.

GWAPO ang binata, wala kang ma-ipipintas sa itsura nito lalo na sa kabaitan. Matikas ang pangangatawan, mahabang pilik-mata, makapal na kilay, naka-classic fade ang haircut nito, an aristocrat nose, a perfect jaw line at muscle na pwedeng lambitanan. A v-shaped body and flat stomach na siguradong sagana sa abs. He's handsome and hot kaya kahit sinong babae ay papayag na gamitin niya para sa kan'yang pansariling kapakanan.

"Umuwi na tayo, baka hinahanap na ako ni Mama! Alam mo naman ulyanin na si Mama kahit nagpaalam ako hahanapin pa rin."

"Mabuti pa nga dahil nag-text na si dad na umuwi na raw ako may sasabihin daw na importante," sang-ayon ni Ryo kay Lena.

"Tara."

Agad na silang naglakad papunta sa kotse ni Ryo. Nang makarating ay agad na pinagbuksan ni Ryo si Lena ng passenger seat.

"What a gentleman," ani Lena 'saka pumasok sa kotse at umupo sa passenger seat. Ngiti na lang ang naisagot ni Ryo at sinarado na ang passenger seat pagkatapos at naglakad papunta sa driver sea. Binuksan niya ito saka pumasok at umupo na sa driver seat.

Ryo starts the car engine and maneuvered it.

RYO MILLER—a straight but still confused to his sexuality. Hindi attracted sa mga babae at kahit sa kapareho niyang kasarian. Sigurado na siya sa kanyang palaisipan na isa siyang asexual-hindi nakakaramdam ng kahit man lang kapiranggot na atraksiyon sa babae man o kapwa niya lalaki.

Masakit para sa kaniya na mismong siya ay kinikwestiyon ang kaniyang kasarian gayong alam niya namang tunay nga siyang lalaki.

He just heaved a deep sigh and continue driving his car.

Imbis na dumeretso siya pauwi ay pinaliko niya ang kaniyang kotse papunta sa pinakamalapit na beerhouse na alam niya.

Nang makarating ay kaagad siyang bumaba sa kotse niya at pumasok sa Beerhouse.

Umupo siya sa pinakagilid na parte ng lugar at umorder ng benteng piraso ng beer. Kaunti pa nga iyon para sa kaniya. Sigurado siyang hindi siya tatamaan ng mga iyon.

He opened the first bottle and he immediately drank it.

Makalipas ang ilang minuto ay naubos niya kaagad ang mga beer na inorder niya kaya nag-order siyang muli ng sampu.

Habang hinihintay ang kaniyang inorder ay nilalaro niya ang dalawang bote ng wala ng laman. Pinalipad-lipad niya ito at papalit-palit sa kaniyang kamay na wari ba ay isa siyang bartender.

Nang dumating ang kaniyang inorder ay doon lamang siya tumigil sa kakalaro sa mga buti.

Tulad sa naunang niyang inorder na beer ay mabilis niya lamang iyong naubos. Sapat na iyong nainom niya kaya tinawag niya na ang waitress na nagbigay ng beer na order niya, saka siya nagbayad dito. May sukli pa siya ngunit hindi niya na iyon kinuha pa. Mabilis siyang tumayo at naglakad na palabas ng Beerhouse.

Dumeretso siya sa kaniyang kotse at kaagad na pumasok sa driver's seat. Binuhay niya ito at kaagad na pinaandar iyon pauwi sa bahay nila.

The Love They KeptWhere stories live. Discover now