CHAPTER 4

7.3K 136 9
                                    

NANG makabihis si Ryo ng pang-office ay nagmadali na siyang lumabas ng kwarto niya ay mabilis na pumanhik palabas ng bahay nila. Nang makalabas na siya ay agad na siyang sumampa sa Ducatti at minaniobra na niya ito papunta sa kanilang kompanya. Riding Ducatti wearing a business attire, iba rin ang trip ni Ryo.

Dahil sa mabilis ang pagpapatakbo ni Ryo sa kan'yang Ducatti ay mabilis niyang narating ang kompanya. He parked his black Ducatti in their company's parking lot, after parking it he quickly walk inside. Binati siya ng mga guard na nakabantay sa mismong entrance ng company. Nang makapasok ay kaagad niyang pinindot ang button para bumukas ang elevator at mabilis na pumasok pagkabukas na pagkabukas nito. He pressed that number button which is the third floor kung saan naroroon ang conference room na kasalukuyang nandoon ang mga board.

Kaagad din siyang nakarating sa third floor at tumalima na papasok sa conference room. Pumasok na siya rito. Naabutan niya ang mga board nakaupo na mabilis tumingin sa kan'ya nang makapasok na siya.

Nakangiti siyang tiningnan ng mga ito. Ngumiti rin siya pabalik sa mga ito 'saka tumingin sa kan'yang ama na malapad ang ngiti.

"Hello! Hmmmm.... Good morning! Am I late?" he asked then walks toward his father direction.

"You're just on time, son. Take your sit," his father answered him and motioned him to sit to the chair near him.

Umupo siya rito at taimtim na tumingin sa lahat nang naroon.

"Bakit nandito ang anak mo, Mr. Miller?" tanong ng isa sa mga board.

"Just sit and relax, Mr. Hayano. Malalaman niyo rin," nakangiting sabi ni Mr. Miller na ama ni Ryo.

"Alam ko na kung bakit nandito iyang inaanak ko. Sabihin mo sa akin kumpadre na hindi ako nagkamali," ngising ani nito at tumingin kay Ryo na inaanak niya raw.

"Kung ano man iyang iniisip mo kumpadre malalaman mo mamaya." Ngumisi rin ang ama ni Ryo sa kumpadre.

"Kamusta ka pala, inaanak?"

"Ayos naman ninong," sagot niya.

"You're now a grown up handsome and gorgeous man," papuri nito sa kan'ya.

"Saan ba magmamana, kumpadre?" tanong ng ama niya kaya nabalot ng tawa ang conference room.

Sa loob ng conference room na iyon isa lamang ang board na hindi umiimik sapagkat hindi naman ka-close ang ibang board. Magka-kaibigan kasi ang mga iyon kaya ganun ang mga ito mag-usap, na-out of place tuloy siya.

"Can we start to the real agenda of this meeting?" Mr. Hanayano asked when he felt that he's not belong to their conversations.

Biglang natahimik ang lahat at sabay-sabay na tumikhim pati si Ryo ay napatikhim din.

"I called all of you because I want you to know that my son will takeover my position as the CEO of our company. He don't have an experience handling a company but I'm sure that he can make this company successful," ma-awtoridad na sabi ni Mr. Miller.

"Sigurado ka ba riyan Mr. Miller? Sa iyo na mismo nanggaling na wala pang karanasan iyang anak mo na humawak ng ganito kalaking kompanya tapos balak mong gawing CEO? Are you insane? You're bringing this company in danger in your son's hands!" nanggalaiting ani Mr. Hanayano.

"If you don't want to agree with my decision pwede mo namang alisin ang share mo rito sa company at humanap ng ibang pag-she-share-ran mo!" galit na ani ni Mr. Miller.

"I believe on Ryo's capabilities. He's good," ani ng isa sa kaibigan ng ama ni Ryo.

"My father was right, pwede kang umalis kung ayaw mo sa 'kin at takot kang malugi," tugon naman ni Ryo sa paraang nang-aasar.

"Bahala kayo! I will laugh at this company once na malugi ito. Starting from now I'm no longer part of this company!" Mr. Hanayano said and left the conference room.

"As if we need his money, the company is successful even without his share," ngiting ani ng ninong ni Ryo at 'saka ngumisi.

"This company will be successful because Ryo's here, our new CEO!"

"Goodluck and welcome, our new CEO!"

Ngiti na lang ang tanging naisagot ni Ryo sa mga ito.

"Son! Me and your tito’s and ninong’s will be staying in New York for one year. Our flight will be after your uncle John's birthday. Is it okay with you if we leave this company to you?" imporma sa kan'ya ng ama.

"Sure, Pa. Maganda rin iyon para makapagpahinga at bakasyon kayo," tugon niya 'saka ngumiti sa ama.

Lumakad ang kan'yang ninong sa may intercom na konektado sa mga departamento kung saan nandoon ang mga empleyado ng kompanya.

"Good Morning ladies and gentlemen, I'm Alfonso Torez one of the board of directors of our company. I'm gladly to announce that the son of our company’s owner, sir Marcus Miller na kilala sa tawag niyo na Mr. Miller will be our new CEO. Welcome him! He's good, he will not disappoint us!" Nakatingin ito kay Ryo habang sinasabi ang mga iyon.

Nagulat naman doon ang mga empleyado kaya kan'ya-kan'yang bulungan ang mga ito.

Ryo's godfather motioned him to go near at him. Lumapit siya rito na nagtataka.

"Introduce yourself to them," his godfather said as he already near at him.

Tumango siya at tumikhim bago magsalita sa intercom, "Good morning. I'm Ryo Miller, son of Mr. Marcus Miller and I'm your new CEO. Now that I finally introduce myself, continue your job!" he coldly said.

Dahil roon nagkaroon ng agam-agam ang mga empleyado na istrikto at masungit ang bago nilang boss.

"Tinakot mo naman ang mga empleyado natin, Ryo."

"Hindi naman po, Tito Oscar. Ginawa ko lang iyon kasi alam kong mag-tsi-tsismisan pa ang mga ito," siguradong-siguradong sabi ni Ryo. Tumawa na lang ang mga ito kasama ang kan'yang ama.

"Son, let's go home. Your uncle just texted me na nasa bahay na raw siya," sabi ng ama habang hawak ang smartphone nito na sigurado siyang katatapos lang nitong basahin ang text message ng uncle John niya.

Akala niya gabi na makararating ang uncle John niya pero mali siya dahil ngayong umaga ito dumating.

"Alisin na rin kami, Marcus," sabay-sabay na paalam ng mga kaibigan ng ama niya.

"Sure! Let's go, son. Uwi na rin tayo."

Nagtaka siya roon dahil kung aalis sila sino ang maiiwan sa company nila.

"Don't worry about our company. Ou employees are good and responsible."

Dahil sa sinabi ng kan'yang ama, nawala ang pag-alala niya.

NANG LUMABAS ang ama niya sa conference room ay kaagad naman siyang sumunod dito.

Bumaba muna sila ng ama niya sa second floor para ipakita ang CEO’s office at para personal siyang ipakilala sa kanilang mga empleyado.

Bulong-bulungan ang kan'yang naririnig nang makatuntong siya sa second floor dahil sa mga empleyado.

Pinakilala siya ng kanyang ama sa mga ito kaya binati siya nito na hindi niya man lang pinansin dahil sa malamig na tiningnan niya ang mga ito. After the introduction thingy, pumunta agad sila ng ama niya sa office of the CEO. Nakilala niya na rin ang kan'yang magiging secretary.

Nang matapos sila roon sa magiging office niya ay agad na silang lumabas roon 'saka naglakad papalapit sa elevator. Nang bumukas ito ay agad na silang sumakay dito para bumaba na sa ground floor upang umuwi na dahil naroon na ang kan'yang tiyuhin.

(Unedited)

                      (@MrLazyWriter)

The Love They Keptحيث تعيش القصص. اكتشف الآن