Chapter Seventeen

52 39 0
                                    


Iminulat ni Kara ang kaniyang mga mata, sandali siyang natigilan dahil sa kaniyang pangitain. Id nequivi [Hindi maaari], ang nasa isip ni Kara.

Agad siyang lumipad at iniwan ang kaniyang armiya. Kailangan ko silang sundan.

Nagtinginan ang dalawang Bathala na may pagtataka sa kanilang mga mukha.

"Kara!" Ang sigaw ni Brynhildr. Ibinuka niya ang apat niyang mga pakpak upang habulin ang Valkyria.

"Pabayaan mo siya, Brynhildr!" Ang pagpigil ni Freyja.

"Ngunit mahal na Daeus –"

"Isa itong kautusan mula sa iyong Daeus," ang wika ng Bathala ng mga Valkyria.

* * *

Lumipad si Kara sa pinakamatulin niyang bilis, pilit na hinahabol ang oras ng kamatayan ng ina ng kaniyang iniirog.

Kasabay ng kaniyang paglipad ay ang mga Zelfero na may iba't iba ring bilis.

Ilang ikot ng araw ang lumipas bago siya nakarating sa mundo ng mga mortal, at sa kabila ng mga makakapal na kaulapan ay nasilayan ni Kara ang eroplanong sinasakyan ng ina ni Andrea.

Lalo niyang binilisan ang kaniyang paglipad.

Ngunit wala pang ilang segundo ay bigla itong sumabog.

Valkyrie Wings Book 1: CHRONICLES OF A FALLENDove le storie prendono vita. Scoprilo ora