Chapter Twelve

53 42 0
                                    

"Andrea, anak. Gising na. Pupunta tayo sa libing ni Miguel, 'di ba?" Ang pagtawag ng ina ni Andrea habang kumakatok sa pinto.

Andrea slowly opened her eyes. Bumungad sa kaniya ang liwanag ng sikat ng araw na nagmumula sa bintana at gumuguhit sa pader ng kaniyang kuwarto. She stared at the ceiling and stayed on bed for a few minutes, thinking about her erotic dream last night. It was just a fuckin' dream, ang nasa isip niya. She shut her eyes. Oh god. I can't.

Inialis niya ang atensyon niya sa kaniyang panaginip at pinilit na bumangon. Tumayo siya at humakbang patungo sa bintana upang sumilip sana sa labas.

But what caught her eyes was a palm print on the window glass.

A palm print? Kunot noong tanong ng isip niya. "So it wasn't a dream after all," she mumbled in disbelief while running her fingers on the other side of the window glass, tracing the palm print with her own finger.

* * *

Nagpunta sa libing ang iilang mga kaklase, propesor, at mga kamag-anak ni Miguel. Lahat ay nakapormal at nakaitim.

"May the Lord give him peace. In Jesus' name. Amen," ang sabi ng pari habang winiwisikan ng holy water ang kabaong kung saan nasa loob ang katawan ng binatang si Miguel.

Ang lahat ay sabay-sabay na sumagot ng amen at pinipilit pigilan ang ungol ng kanilang pag-iyak, habang pinanonood nilang ibinababa ang kabaong sa hinukay na lupa.

Both Andrea and Kim were wearing black dresses. Tumutulo ang luha ni Andrea habang nakikita niyang ibinabaon ang kabaong. Kim, however, was wearing an undetermined grumpy face, irritated by the sounds of people weeping in sadness. At nang matapos ang libing ay unti-unti na ring nagsialisan ang mga nakiramay, ngunit naiwan pa ang dalawang magkaibigan. Kausap naman ni Mrs. Navarro ang mga magulang ni Miguel upang iparamdam ang taos-pusong pakikiramay nito.

Nilapitan ni Andrea si Kim na naghahanda na ring umuwi. Marahan niyang hinawakan ang kamay ng kaibigan, sapat upang makuha ang atensyon nito.

"Kim," ang sambit ni Andrea. "Did you... uhh... listen to your voicemail?"

Kim took a glimpse of Andrea's hand on hers. Then she looked at her best friend's face that was, again, about to cry.

Dahan-dahang tumango si Kim.

"Again, Kim, I'm so sorry ⸺"

"I told you, enough saying sorry!" Kim snapped. "I just need some time to process everything right now. This is too much for me."

"I know. I ⸺" Natigilan si Andrea nang makita niya si Kara mula sa 'di kalayuan. Bahagyang nakangiti ito at naglalakad patungo sa kanila. Naka-brown leather jacket ito at itim na skinny jeans.

Sinundan ni Kim ang tingin ni Andrea. "Does she ever change her clothes?" She randomly asked, narrowing her chinky eyes to shade her gaze from the sun.

Hinila ni Andrea si Kim palapit sa kaniya, inakbayan ito at tinalikuran ang direksyong kinaroroonan ng Valkyria. "I dreamed about her last night," ang pabulong na pagsisimula ni Andrea. "She... Uhh... We..."

"What?"

"We... Almost... You know ⸺ had sex."

"You WHAT?" Kim was shocked, unaware of her high voice. "Had sex?"

Tinakpan ni Andrea ang bibig ni Kim. "Lower your voice! Maririnig niya tayo!"

Kim forcefully removed Andrea's hand on her mouth. "As far as I know, Valkyries don't have super hearing powers!"

Valkyrie Wings Book 1: CHRONICLES OF A FALLENDove le storie prendono vita. Scoprilo ora