Chapter Two

132 49 0
                                    

Natapos ang isang buong araw ni Andrea, at oras na upang siya ay magpahinga. Bago siya matulog ay ugali niyang magbasa ng kahit anong artikulo sa internet. Ito rin ang paraan niya upang siya ay dalawin ng antok. Time to sleep, aniya sa sarili.

Ipinatong niya ang kaniyang laptop sa study table na katabi ng bintana. She closed the big slider window and went to her queen-size bed in pink mattress and covered herself with a pink blanket.

And as she fell deeply asleep, a man with a huge bird-like gray wings flew just outside Andrea's two-storey house.

Dahan-dahang binuksan ng lalakeng may pakpak ang bintana sa kuwarto ng dalaga. Wala namang kamalay-malay si Andrea sa nangyayari sa paligid dahil sa himbing ng kaniyang pagtulog.

Inilupi ng lalake ang kaniyang mga pakpak at sinubukang pumasok. Ngunit isang kamay na may malakas na kapit ang humila sa kaniya at hinatak siya palabas ng bintana. Agad siyang ibinato sa malayong distansiya patungo sa direksyon ng isang parke na daan-daang metro ang layo.

Sumabit ang lalakeng may pakpak sa isang malaking puno ng balete na nasa loob ng nasabing parke. It was the oldest tree in the area, lived for almost a thousand years, with 70 meters in height and had a diameter circa of 18 meters. The strong impact of his crash had almost ripped the tree in vertical half. Nagdulot ito ng isang malakas na ingay na tila ba may sumabog na bomba. Buti na lamang ay malayo na ito mula sa mga kabahayan at mga gusali.

Nabigla ang lalakeng may pakpak sa bilis ng mga pangyayari. He could not get off from the tree's big branches with vines embracing his whole body. Hindi rin niya maigalaw ang kaniyang mga pakpak. There was wine-colored blood flowing freely from his wounds.

Sinubukan niyang igalaw ang kaniyang mga kamay ngunit ang katawan niya ay tila ba paralisado. At narinig niya ang isang malakas na pagaspas papalapit sa kaniya. Iniangat niya ang kaniyang paningin upang tingnan ang kalangitan.

At sa hindi kalayuan ay nakita niya ang isang babaeng lumilipad na may puti, nangingintab, at naglalakihang mga pakpak na halos dalawang dipang metro ang haba. She had long wavy platinum-blonde hair, was wearing a platinum-plated armor on her torso baring only her cleavage, with full armor on her forearms and calves, and a metallic platinum-plated skirt with three inches length above her knees.

The gray-winged man noticed the dark veins on her left arm. Kumikinang ang bawat guhit ng nangingitim na mga ugat nito sa tuwing ito ay nasisinagan ng liwanag ng buwan, ngunit dahil nakatago sa baluti ng babae ang ibang kabahagi ng itim nitong mga ugat ay hindi masilayan ng lalakeng may pakpak ang kabuuan nito.

Isa ring malaking misteryo ang mukha ng nasabing babae. She was wearing a full face platinum-plated medieval winged helmet, a type of war helmet that only Valkyries were allowed to wear. Naaninag din ng lalakeng may pakpak ang hawak nitong mahaba, manipis, ngunit matalim na espada. Isang espadang ginagamit ng mga kabalyero noong panahon ng medyebal na digmaan.

The tree's branches suddenly broke, and the gray-winged man fell to the grassy ground, lying on his back.

Huminto ang babae sa paglipad at lumapag kung saan nahulog ang lalake. Itinutok niya ang tulis ng kaniyang espada sa lalamunan nito. "Tractus procul de puella! [Huwag mong pakikialaman ang babaeng mortal!]" Ang kaniyang utos sa lalakeng may pakpak gamit ang salitang banyaga na kaiba sa lingguwahe ng mga tao. "Sa akin siya!"

"At sino ka para makialam sa aming mga Zelfero?" Ang pabalang na tanong ng lalakeng may pakpak.

Idiniin ng babae ang talim ng kaniyang espada sa leeg ng sugatang Zelfero. "Isa akong Valkyrja sa ikalabindalawang ranggo, sa ilalim ng kautusan ng Daeus na si Freyja."

Valkyrie Wings Book 1: CHRONICLES OF A FALLENWhere stories live. Discover now