Chapter Eight

58 43 0
                                    

Humakbang paatras si Andrea. "You can't be Kara," she said while slowly shaking her head.

"Andrea ⸺" Ang mahinang sambit naman ni Kara.

"No," Andrea cried in a whisper.

She realized that Kara was gradually taking steps to go near her.

"Don't come near me!" Andrea shouted. She suddenly ran out of Kara's bedroom.

"Andrea! H'wag kang umalis! You need to stay here! Or you'll die!" Ang babala ni Kara.

Hindi huminto sa pagtakbo si Andrea. Wala siyang pakialam kung madilim ang paligid, basta ang tanging nasa isip niya ay makaalis na sa lugar na iyon sa lalong madaling panahon. Dali-dali siyang bumaba ng hagdan at binuksan ang pinto upang siya ay makalabas.

But when she opened the door, Kara was already standing on the outside doorstep, flapping its huge wings.

"Andrea," ang wika ni Kara na maiging nakatitig kay Andrea. "I'm sorry, but I cannot let you go yet," aniya.

Umiiyak na nakatitig si Andrea sa nagliliwanag na mga mata ni Kara.

"Papatayin mo ba ako? 'Gaya no'ng mga lalakeng may pakpak?" Andrea asked with a trembling voice.

"No. I will never do that to you," ang sagot naman ni Kara. Dahan-dahan itong pumasok sa pintuan. "Nararamdaman kong natatakot ka sa'kin ngayon, at naiintindihan ko 'yon. But please, I need you to trust me. Do not go out yet. At pagkatapos ng gabing 'to, ipinapangako kong hindi na ako magpapakita sa'yo. You will forget that you've known me."

You will forget that you've known me, ang mga katagang umalingawngaw sa isipan ni Andrea nang mga oras na 'yon. Yes, she was scared. But hearing those words from Kara suddenly made her feel lonesome. At habang matagal na nakatitig si Andrea sa nagliliwanag na mga mata nito ay unti-unti niya ring napapansin ang taglay na kagandahan ng mga ito.

At unti-unti rin ay naglaho ang takot na kaniyang nararamdaman.

Isinara ni Kara ang pinto at muling nilingon si Andrea. She could sense Andrea's fear was fading away. Kara felt a bit relieved.

Sinubukan niyang humakbang ng isa palapit kay Andrea, ngunit humakbang ding paatras ang dalaga.

"H'wag ka munang lumapit sa'kin, please," said Andrea.

Huminto si Kara sa paglapit sa kaniya. "I'm sorry," she said, and sadly looked away from Andrea.

Nakita ni Andrea ang mukha ni Kara na nalungkot at nasaktan sa kaniyang sinabi. Bigla siyang nakonsensiya. Humakbang siya palapit kay Kara. "Hey, I didn't mean to ⸺ Eeeaaa!"

Andrea suddenly shrieked. Nagulantang si Kara sa pagtili ng dalaga. Then Kara heard a bunch of mice squeaking and running near Andrea's shoes.

Nakatapak pala si Andrea ng maliit na daga.

Nagtititili at nagtatatalon si Andrea habang pinapaalis ang mga bubwit na naglalaro sa kaniyang paanan.

Kara laughed softly. "Hindi ko alam na takot ka pala sa daga."

Nahinto sa pagtili si Andrea. "No, I'm not!" Ang naiinis niyang pagtanggi. "Nagulat lang ako kasi naapakan ko!"

Kara laughed again. This time, with her dimple peaking on her right cheek. "Uh huh. Sure." Ang pang-aasar nito habang nakatingin sa nakasimangot na mukha ni Andrea.

Valkyrie Wings Book 1: CHRONICLES OF A FALLENWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu