Chapter Fourteen

50 42 0
                                    

Bitbit ang panibagong mensaheng ipinadala ng mga Zelfero, nagmamadaling naglakad si Brynhildr sa malaking bulwagan ng palasyong Valhalla patungo sa kinaroroonan ng trono ng Bathalang Freyja. Ngunit nang pasukin niya ito ay wala ang kanilang Daeus.

"Nasaan ang Bathalang Freyja?" Ang tanong niya sa mga lalakeng kawal na nasa labas ng bulwagan.

"Hindi pa po namin siya nakikita, Cumandro," ang sagot naman sa kaniya ng mga kawal.

Ipinahanap niya ang kanilang Bathala sa buong palasyo ngunit hindi mahagilap ni anino nito.
Wala na kaming oras, ang bulong niya sa sarili.
Nagtungo siya sa likurang bahagi ng palasyo, isang malawak na espasyo na puro buhangin at maninipis na damo kung saan naroroon at nagsasanay ang mga kapwa niya Valkyria at ang libu-libong mga mandirigma ng Valhalla.

"Attendo! [Makinig kayo!]" Ang sigaw ni Brynhildr na may tapang sa tono ng boses. Agad siyang nilingon ng lahat. "May nagbabanta ng pagsugod laban sa ating reyno. At kaunting oras na lamang ang ibinibigay sa atin upang sundin ang kanilang kagustuhan na isuko ang isa sa ating mga kapatid na Valkyrja. Papayag ba tayo?"

"Hindeee!" Ang sagot ng mga Valkyria. "Lalaban tayooo!"

"Ngunit dahil wala ang ating mahal na Daeus ay kinakailangan kong magdesisyon bilang kanang kamay, at bilang Heneral sa unang ranggo," dahan-dahang naglakad si Brynhildr patungo sa gitna ng mga Valkyria at ng mga mandirigma. "Magpapadala ako ng mensahe sa kanilang pinuno, at sa pagsapit ng unang ikot ng mga buwan mula ngayon," ang kaniyang sabi habang itinuturo ang malaki at nagliliwanag na buwan. "Tayo'y tutungo sa malawak na karagatan ng Yggdras, ang karagatang naghahati sa mga kaharian."

"Mi volo pugnaaa! [Lalaban tayooo!]" Ang sigaw ng isang Valkyria.

"Mi volo pugnaaa!" Sabay-sabay ring pagsigaw ng mga kawal.

* * *

Iminulat ni Andrea ang kaniyang mga mata at bigla siyang napabangon sa kaniyang kinahihigaan.

She was at home. On her own bed. Anong nangyari? Ang tanong niya sa kaniyang sarili. She remembered being snatched away by a grim reaper, but then everything went black.

Inilibot niya ang kaniyang paningin sa buong kuwarto. Wala namang nag-iba, puwera lang sa nakapaninibagong katahimikan dahil sa pag-alis ng kaniyang ina.

She looked at her clock. It was six o'clock P.M.

Tumunog ang kaniyang smartphone. It was her mother calling.
"Ma!" Ang nasasabik na pagsagot ni Andrea ng kaniyang phone.

"I'm here, anak! Kumain ka na ba? H'wag mong pababayaan ang sarili mo habang wala ako ah."

"Of course, Ma. I've always been a good girl. Magpahinga ka na muna. I love you!"

"But I'm sure Kara will take care of you. See you soonest. Bye! I love you too, 'nak!"

Napabuntong hininga si Andrea nang matapos ang kanilang pag-uusap. I wish everybody's here, ang bulong niya sa sarili. Naalala niya ang gabi ng sayaw kung saan marami ang namatay kasama ang isa rin niyang kaibigan na si Miguel. She felt a sudden loneliness. Why is this happening? She thought.

Then she rememberd the Wolfbeast who helped them. Was it a werewolf?

Muli siyang nahiga. She tried dialling Kara's number but it was out of reach. She dialled Kim's.

It rang.

"Andrea?" Ang sagot ni Kim sa kabilang linya.
"Hey, you busy?"
"I'm just cleaning my room. Bakit?"

Valkyrie Wings Book 1: CHRONICLES OF A FALLENWhere stories live. Discover now