Chapter Five

98 45 0
                                    

It was the start of the week. Mas abala na ngayon ang mga estudyante dahil simula na ng gawaan ng mga proyekto para sa kani-kanilang aralin. Andrea, on the other hand, was busy with something else.

Nagtungo si Andrea sa College of Medicine and Health Sciences. Umakyat siya sa ikatlong palapag kung nasaan naroon ang hinahanap niyang silid. Sinilip niya ang loob nito. All students were wearing white medical uniforms. At wala pa ang kanilang propesor.

She stormed in.

"Jason Antonio!" Galit na pagsigaw ni Andrea.

Tumahimik at tumingin sa kaniya ang lahat ng estudyanteng nasa silid.

Tumayo si Jason at nilapitan si Andrea. "Hey, babe! What's up?" Nakangiting sabi nito habang payakap na lumalapit sa dalaga.

Sinalubong siya ni Andrea ng isang malakas na sampal. Napaatras si Jason at napahawak sa kaniyang pisngi. He was stunned by her strong slap which felt like a punch with full physical force. He noticed a small streak of blood came out from his lips.

"Do you really have to go that far, huh, Jason?" Ang sabi ni Andrea na nanginginig ang boses dahil sa galit. She held the necklace in front of Jason's face. "Anong klase kang tao? You hit a girl with a baseball bat!" Tinapon niya ang kuwintas sa pisngi ng binata. "Sa susunod na mangyari 'to ulit, hindi lang sampal ang aabutin mo sa'kin!" Ang dagdag ni Andrea, at lumabas na siya ng silid.

* * *

"Hey, you need to go to your doctor's appointment, Kara! Magpa-MRI scan ka na. Sasamahan kita," ang pagpupumilit ni Andrea kay Kara habang hawak at binabasa niya ang recommendation slip.

Nakaupo ang dalawa sa isang bangkong bato na nasa abandunadong mini park, ang lugar sa likod ng abandunado ring kapilya ng unibesidad. At kahit tanghaling tapat ay malamig ang simoy ng hangin dito dahil napaliligiran din ito ng malalaking puno at halaman. Sa gitna ng mini park ay may malaki at nilulumot na antigong garden fountain na madalas tambayan ng mga ibon, at sa paligid ay may mga bangkong bato na nilulumot na rin at tinutubuan na ng mga maliliit na bulaklak. Minsan ay nabansagan na itong haunted garden dahil sa bali-balitang pinamumugaran daw ito ng mga engkanto at multo, dahilan kaya bihira ang mga tumatamabay at nagpupuntang mga estudyante dito, at kahit ang mga propesor ay iniiwasan ang lugar na ito.

"I'm fine. I don't need it," ang sagot naman ni Kara kay Andrea na nakatingin sa orasan ng kaniyang smartphone. "Saka ayoko sa doktora na 'yon," dagdag pa niya.

"She seems nice!" Tumayo mula sa kinauupuan si Andrea at hinarap ang dalagang transferee. She tapped Kara's lower cheeks with both of her hands. "At saka, hindi ka puwedeng maging okay kung may pumalo ng baseball bat sa ulo mo! You are not Kara Zor-El! You are not Supergirl! You are Kara King, and you are human!"

Mahinhing natawa si Kara na siya namang pagbakat ng malalim niyang dimple sa kanan niyang pisngi. "I didn't say that. I said I'm fine."

Napangiti at napabuntong-hininga na lamang si Andrea nang makita ang dimple ni Kara. For her, Kara's dimple looked so magical and mesmerizing.

A quivering gust of wind interrupted the moment.

Nawala ang ngiti ng dalawa. Pareho silang nakiramdam sa paligid.

Kara stood up. She could sense someone was watching them.

Not just one. Not two. Not even three.

But seven.

"Andrea. Stay with me," Kara told Andrea.

Isang lalakeng may kulay abong pakpak ang lumabas mula sa likuran ng puno na nasa kanilang harapan. Pamilyar kay Andrea ang itsura ng Zelfero. Ito ang Zelfero na umatake sa kanila sa Sancta Luna Eco-Forest Park.

Valkyrie Wings Book 1: CHRONICLES OF A FALLENWhere stories live. Discover now