Chapter Three

105 48 0
                                    

It was Andrea's last class for the day. She was wearing a red sweater, white jeans, and red sneakers. Hinintay niyang magsialisan ang lahat ng estudyante na nasa silid. At nang siya na lamang mag-isa ay inilabas niya ang librong hiniram niya mula sa library. Nakaipit dito ang puting balahibong-ibon na nakita niya kagabi sa ibabaw ng kaniyang kumot. At sa pahinang pinag-ipitan nito ay nakasulat ang tungkol sa mga uri ng ibon at kani-kanilang mga balahibo.

Inusisang maigi ni Andrea ang balahibo. Hinaplos-haplos niya ito. The feather strands were glistening. And its color was not white but close to gold. This is unusual, ang bulong niya sa sarili. Nilipat-lipat niya ang pahina ng libro ngunit wala siyang makitang katulad ng balahibong hawak niya. Strange, she thought

"Busy ka?" Ang nakangiting tanong ni Kara na kanina pa pala nakasandal sa door frame ng silid-aralan, nakatiklop ang mga bisig sa kaniyang dibdib habang nakatitig kay Andrea. She had her hair in a high ponytail and was wearing a casual gray t-shirt, skinny fit jeans, and the usual leather glove on her left hand.

Nagulat si Andrea. Agad niyang itinago sa loob ng kaniyang bag ang hawak niyang balahibo. Sinuklian niya ng ngiti si Kara. "Hindi naman," ang sagot niya rito.

Sinulyapan ni Kara ang hawak na libro ni Andrea. "Plano mo bang magbago ng course at humiram ka ng ornithology book?"

Umiling si Andrea. "No, not really. Naging interesado lang ako bigla... sa mga ibon. They... uhh... fascinate me," ang pautal niyang wika. Kabado siyang nakatitig sa dalagang transferee.

Tumango-tango si Kara at saka niya nilapitan si Andrea. "Fascinate you, huh?" Aniya. Kinuha niya ang librong hawak ni Andrea at binasa ang pabalat nito. She stretched a cheeky wide smile on her own lips and looked at Andrea's eyes. "So... Anything else that fascinates you?"

"Uhm," napalunok si Andrea, pilit hinahanap ang mga salitang gusto niyang sabihin. Oh my god, why am I nervous? "You? I think," she finally said, not aware of what she just answered.

Kara arched her eyebrows up and down and beamed a wider smile, showing more of her white teeth and the cute dimple on the right side of her cheek, clueless of what Andrea was trying to say.

Biglang pumasok si Kim sa silid kung nasaan sina Andrea at Kara. "Hindi ba pupunta tayo sa mall?" Ang tanong niya kay Andrea.

Nabaling ang tingin ng dalawang dalaga kay Kim.

"Kim!" Ang naiinis namang sambit ni Andrea.

"Why?" Ang nagtatakang wika ni Kim.

"I think I'll go," Kara suddenly said. "I have some errands to do."

"Ayaw mo bang sumama sa'min sa mall? Kahit sandali lang?" Ang pag-aaya ni Andrea kay Kara.

"Pass muna. Maybe next time," ang sagot naman nito.

Ibinalik ni Kara kay Andrea ang ornithology book at lumabas na siya ng silid. Sinundan naman siya ng tingin ni Kim.

At nang nakaalis na si Kara ay nagtinginan sina Kim at Andrea. "Close ba kayo?" Ang tanong ng dalagang Koreana.

Andrea sighed with an annoyed look on her face, staring directly at her best friend.

"What?" Kim asked, a bit puzzled.

* * *

Habang naglalakad sila sa mall ay lumilipad ang isip ni Andrea. Kim was talking, and Andrea was just staring at a blank space, thinking about the golden white feather.

And Kara's dimple.

"Andrea. Hey," ang sabi ni Kim sabay tapik sa balikat ng kaibigan. "Are you with me?"

Valkyrie Wings Book 1: CHRONICLES OF A FALLENWhere stories live. Discover now