Chapter Thirteen

50 43 0
                                    


"Andrea!" Ang sigaw ni Kara nang makita ang biglaang pagkuha kay Andrea. She and Herja rushed outside to fly after the gray-winged man. Ngunit hinarang sila ng lima pang Zelfero.

The two Valkyries were caught off guard.

Kinuha ni Herja ang dalawa niyang naitatagong mga punyal na nakasingit sa likuran ng kaniyang pantalon. "Da li si praesto, Kara? [Handa ka na ba, Kara?]" Ang tanong niya sa kaparehang Valkyria.

Kara turned to Herja and nodded, with her eyes already transforming to her cursed Valkyrie form, and her black veins scattering on her left side face.

Ibinigay ni Herja ang isang punyal kay Kara. And as Kara accepted it, she freed her own wings and flapped it with great force to create a strong wind.

Sinabayan din ito ng pagpapalit anyo ni Herja. And as every strand of her dark hair turned into shiny dirty blonde, her beautiful white wings burst out of her back and spread their hugeness, tearing the back of her white shirt.

"Herja, sa itaas!" Ang wika ni Kara.

Tiningnan ni Herja ang galaw ng mga ulap, at doon ay nakita niya ang Zelfero na kumuha kay Andrea. Bitbit nito sa beywang ang dalagang mortal habang lumilipad ito palayo.

"Probo mea rucka to! [Ako nang bahala!]" Ang sabi naman ni Herja, at sa isang iglap ay lumipad itong tila palasong pinakawalan mula sa isang pana. She had the fastest wings among the Valkyries, kaya naman ipinagkatiwala sa kaniya ni Kara ang paghabol sa Zelfero na dumukot kay Andrea.

Ngunit dalawa sa limang Zelfero ay lumipad upang habulin din sa Herja. They almost had the same speed as hers, but they can never compete with her flying skills.

And Kara was left with the other three grim reapers.

"Probo nas incoho [Magsimula na tayo]," ang nakangiting wika ni Kara. She gripped the dagger on her left hand and positioned on her signature fighting stance.

Isa-isang bumunot ng balahibo ang tatlong Zelfero mula sa kani-kanilang mga pakpak, at pumalibot sila kay Kara. They held the feathers tight in their hands and transformed them into obsidian scythes. They walked slowly, circling the Valkyrie. Walang kibo namang inilibot ni Kara ang kaniyang mga paningin, naghihintay sa unang atake.

Sabay-sabay na sumugod ang tatlong Zelfero na nakapalibot kay Kara, at ang tulis ng kanilang mga karit ay nakatutok sa katawan ng Valkyria. But Kara defended herself with her own wings. Ipinalibot niya sa kaniyang katawan ang kaniyang mga pakpak at umikot siyang parang trumpo na nagdulot ng malakas na hangin, dahilan upang mapatilapon ang tatlo niyang kalaban at mabitawan ang kanilang mga sandata.

At nang huminto si Kara sa pag-ikot ay ibinuka niya ang kaniyang mga pakpak at pinulot ang isang karit na nabitawan ng isa sa mga Zelfero. "Hmm," ang wika ni Kara habang tinitingnan ang itsura ng karit na kaniyang hawak. "Papaanong ang ganitong uri ng sandata na may magandang kalidad ay nagagawa ninyong palabasin mula sa inyong marurumi't mababahong mga pakpak?" Aniya na may pang-iinsulto ang tono ng pananalita.

"Napakayabang mo, Valkyrja," ang tugon ng isang Zelfero. "Tandaan mong pare-pareho lamang tayong mga Anakim, at pare-pareho tayong alipin ng Konseho. Nabihisan ka lamang ng magandang baluti, ngunit marumi ka pa rin. Wala kang ipinagkaiba sa amin."

Kara pursed her mouth in a smirk. "Ja sam tamen supra thee [Mas mataas pa rin ako sa'yo]," she boastfully said.

"Kriminal na ngayon ang tingin namin sa'yo, kaya hindi ka mataas sa amin," wika naman ng isang Zelfero. "Kaya't ihanda mo na ang iyong sarili, dahil dadalhin ka namin sa Tartarus."

Valkyrie Wings Book 1: CHRONICLES OF A FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon