Chapter One

290 51 0
                                    

"Ma, papasok na ako!" Ang sigaw ni Andrea habang papalabas siya ng pintuan ng kanilang puti at simpleng bahay, na ang laki ay nasa halos tatlong daang metro kwadrado at tila iginaya sa istilo ng mga modern american colonial architecture, na may malalaking mga bintana at isang malawak na balkonaheng pinalilibutan ng mga halaman at bulaklak, at may tatlong kuwarto sa ikalawang palapag.

"Mag-iingat ka, anak!" Ang sagot naman ng kaniyang inang nasa kusina at nagliligpit ng kanilang pinagkainan. Ang ina ni Andrea na isang maputi, payat ngunit may pang-atletang pangangatawan, at may taas na limang talampakan at apat na pulgada, na kahit nasa apatnapu na ang edad ay hindi pa rin maipagkakaila ang kagandahan ng mukha. She had a square face with a bob hairstyle, almond-shaped coffee-brown eyes with not-so-thick but long eyebrows, small but pointed nose, and thin nude lips. Nagtatrabaho ang ina ni Andrea bilang marketing specialist sa isang kilalang international nonprofit organization at kadalasan ay lumalabas ito ng bansa, ngunit ngayon ay kumuha ito ng time off upang pansamantalang magpahinga.

Kinuha ni Andrea ang kaniyang pink motor scooter at nagmadaling sumakay dito habang ikinakabit ang kaniyang puting open face helmet. Ito ang madalas niyang gamiting transportasyon papunta sa unibersidad na kaniyang pinapasukan, na hindi naman din kalayuan mula sa subdibisyong kanilang tinitirhan.

Si Andrea Navarro ay isang second year college student na nag-aaral sa Sancta Luna State University, isang makalumang unibersidad mula grade school hanggang graduate school, na may humigit-kumulang isang daang ektarya ang lawak, at nasa maliit at tagong Lungsod ng Sancta Luna na matatagpuan naman sa bulubunduking lugar ng Northern Luzon.

The City of Sancta Luna, the cold and foggy city with thousands of pine trees, with a total land area of twenty-seven thousand and one hundred hectares, and a population of one hundred and forty-nine thousand people. A city listed under one of the independent cities in the Philippines.

Hindi maipagkakailang nasa upper middle class status ang mga nag-aaral sa nasabing unibersidad. The campus was known as one of the oldest and biggest in the Philippines, and also for its classic gothic architecture, with tall walls and pointed arches that looked like a renaissance castle. May kaunting kalayuan mula sa main hall ng unibersidad ang entrance gate nito na siya ring nagsisilbing driveway. At bago pa man matuntong ang mismong main hall ay bubungad muna ang rotundang daan kung saan nasa gitna ang istatuwa ni Dr. Jose Rizal, na may nakasingit na libro sa kaliwang kamay at ang kanan naman ay nakapahinga lamang sa gilid nito. Mula sa rotunda ay naghihiwalay ang mga daan patungo sa magkakalayong gusali ng bawat kolehiyong may kani-kanilang mga parking lot. May iilang mga estudyante namang hindi na dumadaan sa entrance gate at ginagamit na lamang ang shortcut sa kakahuyan na nasa tabi ng paradahan ng library building kahit na ipinagbabawal ito dahil sa nakaliligaw na mga matatangkad na puno at salasalabat na mga daan. Mayroon ring sariling kapilya ang unibersidad na napabayaan na ng mga nagdaang panahon, at isang maliit na parke na iniiwasan ng mga estudyante dahil sa mga lumot, mga nagkalat na higad, at mga naglalakihang sapot ng gagamba.

Ito ang unang araw ni Andrea sa ikalawang taon niya sa kolehiyo at kumukuha sya ng kursong Bachelor of Arts in Literature. Isang magandang dalaga si Andrea. A twenty-year-old female with a height of five feet and five inches, and a willowy body with round and full breasts. She had smooth and olive skin and a heart-shaped face, with a widow's peak and V-shaped chin, a tender and thin almond-shaped coffee-brown eyes, with long and soft angled eyebrows of medium thickness, a small pointed nose, thin but luscious lips, and long straight black hair. Isa rin si Andrea sa mga kinikilalang crush ng bayan sa Sancta Luna State University.

Nakarating si Andrea sa kaniyang klase isang minuto bago ito magsimula. Puno na ng mga estudyante ang silid-aralan, mula sa unang hilera ng mga upuan hanggang sa ikasampung hilera, na sa bawat hilera ay may tigwalong upuan. Buti na lamang ay tinawag siya ni Miguel, ang binatang nagsimulang maging kaklase ni Andrea noong nakaraang taon na kumukuha ng kursong Bachelor of Arts in Mass Communication at may lihim na pagtingin sa dalaga. May tangkad itong limang talampakan at walong pulgada at kutis na pinagigitnaan ng pagiging moreno at mestizo, makalamnang pangangatawan, mapangang hugis ng mukha, at kulot at itim na buhok na manipis ang pagkakagupit. May tuwid, malaki, ngunit matangos na ilong, makakapal na mga kilay na may kaunting arko, mga bilugang matang tinatabunan ng makapal na salamin, mga maninipis na labi at malinis na pagkakaahit ng balbas mula sa kaniyang mga patilya na tumatawid sa kaniyang cleft chin. Itinuro nito kay Andrea ang katabi nitong bakanteng upuan na nasa ikalimang hilera sa dulong kanan.

Valkyrie Wings Book 1: CHRONICLES OF A FALLENWo Geschichten leben. Entdecke jetzt