Chapter 25

1.9K 31 40
                                    

CHAPTER TWENTY-FIVE


KEECIA


I wasn't proud of what I did next.


Sa labis na gulat at galit na nararamdaman ko ay marahas kong itinulak ang cart papuntang liquor section. I grabbed a stack of different bottles and madly placed them in my push cart. Ni hindi ko na tinitignan kung anong brand ang mga iyon at basta-basta nalang na inilagay ang lahat sa cart.


"Ciacia!" gulantang na sambit ni Charleigh nang mahanap niya ako. "Ano yan?! Anong nangyayari? Anong ginagawa mo?"


She frantically stopped me and grabbed the bottles from my hand. Hinarap ko siya at agad na nanlaki ang mga mata niya. She's shocked to see me crying again.


Oo, umiiyak na naman ako. In a fucking grocery store.


"Ngayon lang, Charleigh," pagmamakaawa ko. "Ngayon lang. Gusto ko lang makalimot. Kaya please, hayaan mo na ako."


I saw how pity flashed in her eyes as her lips slightly parted. She looked confused, but it seemed like she understood. So, she willingly put the bottles in the cart, while I kept adding more.


Nung kinagabihan ay dinala niya ako sakaniyang condo unit para sabayan akong uminom habang nagrarant.


Sa loob ng tatlong taong pagiging sober ay ngayon na lang ulit ako makakatikim ng alak. It affected my tolerance, I think, kasi sa pangatlong bote ko pa lang ay tipsy na agad ako. Dati, kaya kong maka-sampung bote at maka-lakad pa rin nang maayos pagkatapos.


God, I hated how drinking still reminded me of him. Sabi ko, iinom ako para makalimot... pero habang tinutungga ko ang bote ay siya pa rin ang naiisip ko. Because the last time I was with him... he was drinking. When he shouldn't be. He used to be an alcoholic drunk and he swore he'd recovered. But his words kept replaying inside my head.


"Once an alcoholic, always an alcoholic, Keecia."


Ramdam ko ang kirot sa aking dibdib habang inaalala iyon. I feel so betrayed because I believed and trusted him. Hindi ko pa rin lubos akalain na magagawa niya iyon sa sarili niya. He's been doing such a good job... or was he, really? Now, I'm doubting everything he said. Paano kung matagal na palang nangyayari iyon? What if he was just hiding it so well? Paano kung tuwing nagkaka-problema kami ay iyon ang ginagawa niya?


Fuck, I never thought this day would come... iyong pagdudahan siya at lahat ng mga ginawa't sinabi niya. But here we are.


"Ano na bang gagawin ko, Charleigh?" naiiyak kong tanong sa aking kaibigan. "Bakit ganon? Tuwing susubukan kong bumangon, magkakaroon na naman ako ng panibagong rason para bumagsak ulit. Parang cycle na lang, di na talaga matapos-tapos... Pagod na ako."


She sighed and looked at me sympathetically. "Andito pa kami, Ciacia. Kung pagod ka na, magpahinga ka. Kami ang lalaban para sayo, basta wag ka lang susuko."

Chaos in the Cavity of Peace (Love in Mendiola Series #1)Where stories live. Discover now