Chapter 01

5.5K 65 5
                                    

CHAPTER ONE


KEECIA


"Jeepney Phase-out ibasura!" 

Nagkakagulo na sa harap ng Mendiola Peace Arch. May malawakang transport strike at rally ang mga jeepney drivers ngayong araw bilang protesta sa impending phase-out ng kabuhayan nila.

Tahimik lamang akong nanonood mula rito sa kinaroroonan ko sa tapat ng pedestrian lane. Kakababa ko lamang mula sa LRT at sana'y tatawid patungong CEU, ngunit masyadong maraming tao ang nakaharang sa daan.

Hindi ako nagrereklamo dahil naiintindihan ko naman kung bakit nila ginagawa 'to. Ako pa nga ang nahihiya dahil pakiramdam ko ay makikiepal ako sakanila, lalo na't alam kong sobrang importante ng ipinaglalaban nila rito.

"Sobra na kayo! Ibalik niyo ang transportasyon sa aming mga manggagawa at mamamayan!" malakas na sigaw ng isa sa kanila gamit ang megaphone.

"Tama!" nakiki-sigaw na rin ako. Hindi ko na ininda kung naka-uniporme pa ako na may logo ng aking unibersidad. Labag 'to sa school policy, pero hayaan na. Kung may makakita man sa akin dito ngayon at isumbong sa school admin, ayos lang... siguro... basta. At least masu-suspend ako dahil sa makabuluhang rason.

Dapat ay nagmamadali na ako pumasok dahil may moving quiz pa kami sa Oral Anatomy Lab mamayang eleven-thirty. And it was already quarter to eleven. I only have forty minutes left to review.

Masipag at responsable talaga akong estudyante. Hindi lang ako nakapag-aral dahil nitong umaga lang in-announce na may quiz kami, at sinabayan pa talaga 'yun ng pagkasira ng kotse ko. Medyo na-late pa ako ng gising kaya pinlano ko sanang sa school na mag-review kasama ang mga kaibigan ko, pero nu'ng papasok na sana ako, bigla na lang ayaw umandar ng sasakyan ko. 

Wala naman akong magamit na ibang sasakyan. Nakaalis na ang driver namin para ihatid din ang dalawang nakababatang kapatid ko sa school gamit ang family car. Ang dalawang nakatatandang kapatid ko naman ay nasa trabaho na, pati sina Mom and Dad, kaya wala talagang maghahatid o magsasabay sa akin papasok. 

Wala akong choice kundi mag-commute. Pero wala rin akong masakyan na jeep dahil sa strike, at pati mga UV express ay nag-halt ng operations. Tapos, pahirapan ding mag-book ng car service dahil in-demand. Pero buti na lang, nakatira kami sa White Plains na ilang oras lang ang layo mula sa Katipunan Station, kaya nilakad ko na lang.

Oo, talagang hassle, pero ano ba naman 'tong hirap na dadanasin ko ngayong araw kumpara sa habangbuhay na hirap na dadanasin ng ating mga masisipag na drivers at kanilang mga pamilya kung sakaling mangyari nga ang phase-out? I'm really lucky dahil ito lang ang iniinda ko, pero paano naman 'yung hirap na iindahin nila araw-araw, 'di ba?

Ewan ko ba kasi kung bakit pinipilit pa ring mangyari ang phase-out na 'yan, eh hindi pa nga kaya. Hindi naman sa talagang tinututulan ang modernisasyon, pero anong magagawa nila kung hindi nga kayang maafford? If you think about it, these drivers already struggle day-to-day just to put food on the table, tapos dinagdagan pa nila ng bagong pasanin. Mabuti sana kung mayroong maayos na transition plan na nakalatag para sakanila, kaso wala naman. Sobrang anti-poor talaga ng implementation ng phase-out na 'to. 

At hindi makatarungan na lagi na lang ang mga mahihirap ang nagdurusa dahil lamang sa mga kapritso nitong mga nasa puwesto. Meanwhile, during every election, they ruthlessly use these poor individuals as pawns in their political game. The poor and uneducated are their primary targets mainly because they lack awareness and are easily swayed. Pangakuan lang o abutan ng ayuda ay kuhang-kuha na agad ang mga boto nila, which will ultimately decide those that will lead.

Chaos in the Cavity of Peace (Love in Mendiola Series #1)Where stories live. Discover now