Chapter 15

7.1K 70 16
                                    

CHAPTER FIFTEEN

Warning: R-18. This chapter is intended for a mature audience and is not suitable for children. Strong Parental Guidance is highly advised.

Please read responsibly and skip if you must.


KEECIA


"Happy birthday!"


Our family and friends all jumped out the moment Caine and I entered the venue for his birthday surprise. I have planned this for weeks with the help of Autumn, Beth, and his friends.


Nag-organize ako ng adult party sa Jollibee. Doon ko napili dahil na-kuwento sa akin ni Nico na isa raw iyon sa mga nasa wish list ni Caine noong bata pa siya. He never got to experience a kiddie birthday party. I figured hindi pa naman huli ang lahat para tuparin ang wish niya, so why not make it happen, right? Somehow I hope this heals his inner child.


Kinakabahan din ako sa mga mangyayari dahil first time kong mag-organize ng birthday party. Sinabi rin sa akin nila Gab na hindi mahilig mag-celebrate ng birthdays si Caine kaya lalo akong ninenerbyos kasi baka hindi niya magustuhan ito. Wala pa naman iyong clue na may pa-ganito ako para sakaniya. At kung sa totoo lang ay isa iyong malaking achievement para sa akin dahil matagumpay kong naisikreto sakaniya ito. Siniguro ko rin kasing huwag itapat sa mismong araw ng birthday niya para hindi halata.


Ang plano ay aayain ko lang siya na kumain kami sa Jollibee. Kaya iyon ang ginawa ko at walang kahirap-hirap naman siyang pumayag. Mukhang worth it naman lahat ng pagpaplano base sa hitsura ng mukha ni Caine ngayon.


His reaction was priceless. He was so surprised that he froze. Gulat na gulat siya pero kita rin naman ang kagalakan sakaniyang mga mata.


"Surprise! Happy birthday, baby!" I excitedly hugged and kissed him on the cheek.


"You fooled me!" Sumilay ang ngiti sakaniyang labi at hinalikan ako pabalik. "Thank you, sunshine."


"Happy birthday, Caine!"


Isa-isang lumapit sakaniya ang mga kaibigan namin para bumati. The guest list is small and exclusive for close family and friends only. His friends; Seb, Gabriel, Nico, and Beth. My friends, even Miguel, are present. Lolo Arthur, Alex, tita Lanie, and my family are here, too. I'm so happy that they are all here to celebrate Caine.


Agad nag-umpisa ang party. May crew na nag-hohost at tawang tawa kami dahil halos sapawan siya ni Gabriel sa pagbibida nito. May mga hinanda ring games at prizes. Nag-presinta rin si daddy ng cash prize kaya tuwang tuwa ang lahat!


"Sige, Char! Upuan mo!" nakakalokong cheer ni Autumn sa kaibigan.


"Bilisan mo, girl! Baka maunahan ka!" dagdag pa ni Beth.


Kasalukuyang naglalaro ang mga babaeng single ng trip to Jerusalem. It comes with a twist, of course. Pinaupo ang mga lalaking single din sa naka-pabilog na mga upuan para pag huminto ang music ay sa lap nila uupo ang mga kababaihan. Minamata ni Charleigh si Gabriel dahil pogi raw. Ginagatungan naman nila Autumn at Beth ang kaharutan ng gaga! Tawa lang kami nang tawa habang pinapanood sila. In the end, ang nanalo ay sina Vince at Maria!

Chaos in the Cavity of Peace (Love in Mendiola Series #1)Where stories live. Discover now