Chapter 10

2.9K 36 2
                                    

CHAPTER TEN


KEECIA


"Good morning sa kapatid kong napakahaba ng buhok!" Atsi greeted me the moment I left my room. She was grinning like a Chesire cat.


Umirap ako. Kakagising ko lang binungad na agad niya ang pang-aasar. Mukhang kanina pa siya gising dahil bagong ligo na siya at nakabihis, baka pupunta ito sa coffee shop niya.


Nilagpasan ko siya para makababa na dahil gutom na ako at gusto ko na kumain ng breakfast.


"Hay naku, atsi! Napaka aga pa para—" Natigilan ako mula sa pagbaba ng hagdan nang madungaw ko ang nagkalat na mga bulaklak sa sala namin.


"May nagtae ba ng bulaklak satin?" nagtataka kong tanong.


Nilagpasan ako ni Atsi sa pagbaba ng hagdan. "Tanungin mo manliligaw mo, baka may LBM. Sakaniya galing iyan eh."


Nanlaki ang mga mata ko. "Kay Caine galing lahat yan?"


Saktong sumulpot si mommy na may dalang vase, kasunod niya ang mga helpers namin na ganon din ang ginawa. Nag-angat siya ng tingin sa akin at malawak na ngumiti.


"Oh, gising na pala ang chinita ko! Good morning, my Ciacia! Halika rito at si Caine ang nagpadala nito!" she gestured her hand to me, telling me to go down.


Dahan-dahan akong bumaba at pinasadahan ng tingin ang mga nakahilerang bulaklak sa living room ng bahay. Nagmistulang flower shop tuloy dito!


"Bilin ni Caine na sayo raw iyong pinaka-malaking bouquet," mom pointed at the big bouquet that was sitting on the couch. "Your suitor is so sweet! He personally delivered all these flowers this morning. Pati kami ng mga kapatid mo ay binigyan niya!"


"Po?" gulantang kong tanong. "Galing siya rito kanina?"


Tumango si mommy. "Oo, he just dropped by para ihatid itong mga bulaklak! As a thank you raw for welcoming him last night. Too bad though, nagmamadali siya dahil may importante raw siyang aasikasuhin. Sayang at di ka naabutang gising!"


"Bakit hindi niyo ako ginising?" I pouted.


"Oh, no, wag mo kami awayin. Gusto ka naming gisingin pero ayaw ni Caine," sumingit si Atsi. "Sabi niya ay mas kailangan mo raw ng pahinga."


"Inimbita ko naman siya na bumalik dito mamaya para sumama mag-dinner ulit sa atin. Titignan daw niya kung makakaabot siya at itetext ka niya."


"Okay, fine..." I sighed.


Mas okay sana ang gising ko kung naabutan ko siya kanina. Kaso lang ay napasarap ata masyado ang tulog ko at alas onse na ako nagising.


Tumungo ako sa may sofa kung saan naka-upo ang napakagandang arrangement ng bulaklak. Pinaghalong sunflowers at roses ito. Nakakalula ang laki! Hindi ko alam kung kaya kong bitbitin. Mas malaki ito sa pinadala niya sa akin noon sa condo! I kept those flowers in a vase, by the way. Hanggang ngayon ay buhay pa rin ang mga iyon at nasa unit ko. I guess I might need to buy more vases kasi ang laki nitong isang to!

Chaos in the Cavity of Peace (Love in Mendiola Series #1)Where stories live. Discover now