Chapter 53

20 2 0
                                    

Simula nang malaman ni Andy na sa kaniya halos lahat pinamana ng grandparents niya ang ari-arian ng mga ito ay parang umiba ang pag-inog ng kaniyang mundo. She knows that wealth and power comes with something that could be unbearable for her; she knows it for a long time now. Kaya nga pilit siyang kumawala sa poder ng matatanda.

After learning that Lito Hernandez refused to go to the hospital and that the old man chose to be in the master bedroom as his deathbed, she went there just after the family's lawyer left the mansion. Naabutan pa niya ang private nurse na regular na nag-aasikaso sa comatosed niyang lolo.

"How was he?" tanong niya sa nurse pagkatapos niya itong panoorin habang inaayos ang makapal na comforter ng matanda.

"Barely holding on, Missy."

Isang matabang na ngiti ang pinakawalan niya habang pinagmamasdan ang lolo niyang nakaratay. She gave the nurse a sideway glance before making her way at the side of her grandfather's bed. Ilang sandali muna ang pinalipas ng nurse bago ito lumabas ng silid at iniwan siya roon nang nag-iisa kasama ang walang malay niyang abuelo.

Cardiac arrest ang naging dahilan ng pagka-comatose ni Lito Hernandez. Her grandfather has a cardiovascular disease since she was a teenager, pero hindi iyon naging visible sa buong panahon na namumuno pa ito sa gobyerno. He was a strong man with conviction- that's what the people believed in. And now . . . Barely holding on.

Andy raised her chin while biting the side of her lower lip. Ayaw man niyang aminin, pero sa pinakadulo ng kaniyang puso ay naroon ang kalungkutan na tinatabunan ng paghihinagpis.

"I don't want to be here," she mumbled under her breath. Pumukit siya saka humugot ng malamin na buntong-hininga.

For two days ay hindi siya pumalya sa pagbisita sa kuwarto ng lolo niya. Kung minsan ay roon na siya nalilipasan ng gutom o 'di kaya ay dinadalhan siya ng mga katulong ng makakain habang nagbabantay. Kung tutuosin ay hindi naman niya kailangan gawin iyon ngunit natatagpuan na lang niya ang sarili na nakaupo sa gilid ng kama ng matandang lalaki habang tahimik na pinagmamasdan ang payapang anyo nito.

Isang oras, malalim na ang gabi, ay naisipan niyang lumabas ng master bedroom. Patungo dapat siya sa balkonahe upang lumanghap ng sariwang hangin nang madaanan niya ang silid na sa pagkakaalala niya ay opisina ng yumaong niyang abuela. The door was slightly open and she could see the light inside the room was on.

Dahan-dahan siyang humakbang patungo sa pinto nang mapansin niya na may tao sa loob. Not just one but four.

Maingat siyang sumilip sa siwang ng pinto, and there she saw her uncle Henry together with his wife and adopted daughter, Sara and Charito; and her Auntie Paula. They were having a heated conversation, which led Andy to listen curiously and carefully. Bahagya rin siyang napapitlag nang marinig ang malakas na pagbagsak ng mga palad ng Uncle Henry niya sa mesa.

"Stop it already, Sara!"

"Why? The wench is going to take everything from us, at hindi ko 'yon matatanggap. Ilang taon akong nagpakahirap sa kompanya at ito lang ang isusukli sa akin at sa anak mo? Don't you think it's unfair?" her uncle's wife shouted.

"Mom was right," segunda naman ni Charito.

"Paula," tawag ni Sara sa nananahimik niyang tiyahan. "Malaki rin ang naging sakripisyo ninyong mag-asawa para sa mga negosyo ng matandang babaeng 'yon, pero bakit ang tahimik mo at ni hindi ka man lang nagsalita noong binabasa ni Atty. Lorenzo ang testamento? Are you simply letting this slide and let that bitch take over everything?"

"Who were you referring to as 'bitch'?" asked Paula. "That Andy? Well, to tell you . . . I don't care about what Tita Guada wants with the whole emphire. Maaari siyang maglaro hanggang kamatayan- sila ni Tito Lito- I won't mind.
Dahil ang buong atensyon ko ngayon ay nasa kambal."

The Depth WithinOù les histoires vivent. Découvrez maintenant