Chapter 10

127 55 6
                                    

LUMABAS ng kuwarto si Andy nang may narinig siyang ingay mula sa baba. Nang marating niya ang salas ng bahay ay nakita niya si Mitch kasama sina Shonak at nagtatawanan.

"Hello, Andy!" bati sa kaniya ni Ching na kumakain ng junkfoods.

"Ano'ng meron?" tanong niya sa mga ito bago tumabi kay Mitch.

"Naisipan lang namin na tumambay rito," sagot ni Pelita. Noon niya lang napansin na may kasama itong baby boy na cute ngumiti.

"Anak mo?" tanong niya kay Pelita. Tumaas ang kilay niya nang magtawanan ang mga ito.

"Ano ka ba, Andy?" sabi ni Shonak na nagpipigil ng tawa. "Sa katawan nito, sa tingin mo kayang magdalang-tao?" Tinuro nito si Pelita.

"Nagsalita ang may matris."

"Hoy. . .! Grabe ka kay Pelita. Sa kawayan kaya nagmula sina Malakas at Maganda, ang kauna-unahang tao sa earth." Humagikgik si Ching ganoon din ang bakla. Bati na ang dalawa.

"Ang sasama ninyo sa akin! Kokoy, oh. . . Inaaway nila ako. Ang pinakamaganda mong tita," sumbong nito sa kandong na bata.

Mas lalo pang lumakas ang tawanan nina Shonak nang umiyak ang bata. Kahit siya ay nakisali na rin sa ingay ng mga ito.

"Tinakot mo naman iyang pamangkin mo d'yan sa pinagsasabi mo, Pelita," tukso rito ni Mitch na may after shock pa ang halakhak.

"Shhh. . . Tahan na baby ni Tita," pang-aalo ni Pelita sa pamangkin.

Natauhan sila at natigil sa pagtawa nang hindi tumigil sa pag-iyak ang bata. Nataranta sina Shonak kung ano ba dapat ang gawin.

"Baby Kokoy. . ." Nagclose-open ng kamay si Mitch pero nagmukha lang itong timang dahil wala naman nangyari. Sumubok din si Shonak, mas lumala pa ang pag-aatungal ng bata dahil nag-bulaga! ang bakla sa harap ng mukha nito.

Napakamot na lang siya sa kaniyang ulo dahil pinaggagagawa ng mga kasama niya. Tumalsik pa ang chitserya na nasa bibig ni Ching. Ganoon talaga siguro kapag nagsasama-sama ang mga timang, mas lalo pang lumalala ang magulo nang bagay.

"Naiingayan siguro sa inyo kaya ayaw tumahan," aniya sa mga ito. Sa pagtataka niya ay biglang tumigil sa pag-iyak si Kokoy. Tiningnan niya ito at ganoon na lamang ang naramdaman niyang tuwa nang ngumiti ito sa kaniya at tumawa na kita ang gilagid. May dalawang ngipin na rin ito sa unahan.

"Gusto ka niya, Andy," sabi sa kaniya ni Pelita na lubos na ikinalobo ng kaniyang puso.

"Naku! Itapon mo na lang sa basurahan ang batang iyan, Pelita. Masyadong mapili. Biruin mo ba naman, sa tunay lang na maganda sumasaya," biro ni Shonak.

"Eh, 'di inamin mo na rin sa wakas na pangit ka," sansala ni Mitch saka tumawa nang malakas na parang bruha sa pelikula.

"Ah, basta!" agaw ni Pelita. "Punta kayo sa first birthday party ni Baby Kokoy, ha?" Tumingin ito sa kaniya saka ngumiti nang makahulugan. "Pumunta ka, Andy. Bawal ang absent. Ninang ka."

"Ano 'yon? Binyag?" Umismid si Shonak at namaywang.

"Ano'ng pakialam mo?"

"Wala," sagot dito ng bakla.

Kinaumagahan ay hindi alam ni Andy na iyon na pala ang araw ng birthday party ni Kokoy. Nalaman niya lang nang inaya siya ni Mitch na umalis kahit hindi pa siya nakakaligo at nakakapagbihis. Kaya nagmamadali niya iyong ginawa.

"Bakit hindi ninyo sinabi na ngayong araw na pala iyon?" naiinis niyang tanong kay Mitch nang makalabas na sila ng bahay. "Wala pa akong nabibiling regalo."

Sinapo ni Mitch ang noo nito pagkatapos ay tumingin sa kaniya saka siya nginitian nang makahulugan. "Okay lang. Kaya nga maaga tayong aalis para makabili pa tayo ng regalo."

The Depth WithinWhere stories live. Discover now