Chapter 11

123 46 21
                                    

SINAWSAW ni Andy ang bago niyang kuha na isaw sa suka bago iyon binigay kay Mimi na masaya naman iyong tinanggap.

"Pita, anong gusto. . ." Huminto siya sa pagsasalita nang bumaling siya kay Pita at nakitang kumakain na ito ng barbecue na bigay naman dito ni Ion.

Ngumiti siya at kumuha ulit ng isaw na kakahango pa lamang galing sa grilling pan. Hindi na siya nag-abalang isawsaw iyon sa suka at kinain na kaagad. Ayaw niya sa exotic foods pero nagustuhan niya iyon. Sa katunayan ay nakailang stick na siya niyon.

Nang gabing iyon ay muli silang pumunta sa peryahan. Sina Mitch ay iniwan ulit sila ni Ion, kasama sina Mimi at Pita, para raw subukan lahat ng laro na naroon. Sasama dapat siya pero nahintuan nila ang barbecue-han kaya roon sila tumambay at kumain nang kumain.

"Gusto n'yo bang subukan lahat ng rides?" tanong sa kanila ni Ion. Agad na um-oo ang dalawang bata, siya naman ay ngumiti lamang bilang pakikisama sa mga ito.

Sinubukan nga nila lahat ng rides. Ang pinakahuli ay ang ferris wheel.

"Grabe! Nahilo ako roon, ah." Sinapo ni Mimi ang noo nito na namamawis.

"Hindi man lang natakot si Ate Andy o sumigaw. Chill lang siya kanina," sabi ni Pita.

Hindi siya sumagot. Ang totoo ay halos takasan na siya ng kulay nang sakyan nila ang rollercoaster ride. Nakapikit din ang mga mata niya sa buong durasyon ng rollercoaster dahil parang masusuka siya. Pakiramdam niya ay binabaliktad ang kaniyang sikmura sa tuwing hahampas sila sa hangin na nakakasalubong nila. She had never imagined herself to be on that kind of situation. It was one of her fears but she didn't say a single word. Dahil sa aminin niya man o hindi, nag-enjoy rin siya.

"Nandito lang pala kayo. Kanina pa namin kayong hinahanap," si Pelita. Nasa likuran nito sina Shonak at naglalakad palapit sa kanila.

"Gusto ninyo na bang umuwi?" tanong sa kanilang lahat ni Kaloy.

Naaawa siya rito dahil hindi pa rin ito pinapansin ni Mitch kahit todo na ang effort nito para sa matalik niyang kaibigan. Nakadikit lamang din si Mitch kay Ching at walang imik.

Habang naglalakad sila pauwi ay may narinig silang malakas na tugtugan na malapit lang sa pinanggalingan nila.

"Ano'ng mayroon doon?" tanong ni Mitch kay Ching.

"May pasayaw si Kap."

"Ay, ang daya. Sila lang ang nagp-party-party. Sali rin tayo, mga bakla!" sabi ni Shonak na hinila pa si Ion at Kaloy. Pumagitna rin ito sa dalawa at lumingkis sa braso ng dalawang binata.

Wala silang nagawa kundi sumunod sa agos ng bakla nilang kaibigan. Mukhang maganda rin namang ideya iyon.

Pagdating nila sa sayawan, marami pala ang nanonood. Bida ang matatanda na sumasayaw ng cha-cha. Nakakaaliw pagmasdan ang mga ito. Sobrang lakas ng tugtug na nagmula sa malaking sound system kaya tinakpan niya ang kaniyang dalawang tainga. Nakakalula rin ang pailaw na disco lights.

"Tayo naman, guys!" deklara ni Ching na hinila pa sa gitna ng sayawan si Shonak para gawing kapareha. Hindi naman nagreklamo ang huli.

Nagsialisan na rin ang matatanda dahil napalitan na ang tugtug na cha-cha ng slow music. May iba na ring magkakapareha ang sumunod sa gitna para sumayaw ng sweet dance.

"Go, Mitch!" Tinulak ni Pelita si Mitch palapit kay Kaloy. Pinigil niya ang mapangiti nang masubsub ang mukha ng matalik niyang kaibigan sa dibdib ni Kaloy. Hindi rin maikakaila ang pamumula ng pisngi nito habang tinitingala ang lalaki.

"Si Ate Andy rin!" Nilingon niya ang sumigaw na sina Mimi at Pita.

Ang akala niya ay ipagtutulakan din siya ng mga ito ngunit sa kaniyang pagkabigla, puwersahan ng mga itong itinulak si Ion palapit sa kaniya. Mabuti na lang ay naihakbang niya paatras ang kaniyang isang paa kung hindi ay baka natulad siya kay Mitch.

The Depth WithinWhere stories live. Discover now