Chapter 48

39 2 0
                                    

PINALANDAS ni Andy ang kaniyang palad mula sa kaniyang mukha hanggang sa likuran ng kaniyang ulo. Marahas siyang bumuga ng hangin bago patamad sa inandig ang likuran niya sa headboard ng kama. Pinanood niyang liparin ng hangin ang laylayan ng kurtina ng bintana sa kaniyang silid saka ngumiti nang mapakla.

She wondered, ano na kaya ang nangyayari sa living room ng bahay kung saan naroon ang mga kaibigan niya?

Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi bago nagpasyang lumabas sa kuwarto niya. Tahimik siyang tumungo sa kusina para kumuha ng maiinom. Ilang minuto rin siyang nanatili roon bago umalis.

"Andy, saan ka na pupunta?" tanong sa kaniya ni Ching na may pagtatakang nakatingin sa kaniya.

"In my room," she replied.

"Dito ka na muna. Kanina ka pa nagkukulong doon, eh. Samahan mo kaming manood ng movie," anyaya sa kaniya ng singkit. Inudyukan rin siya nina Shonak na tumabi sa mga ito.

Tumingin siya kay Mitch bago alanganing humakbang palapit sa mga ito at tumabi ng upo.

"Popcorn?" alok sa kaniya ni Pelita.

Umiling siya saka tinutok ang paningin sa nakabukas na telebisyon. They were watching The Devil Wears Prada. She couldn't stop herself from smiling when she realized that she and the movie's main character has the same name, which is Andy. Although the latter's full name is Andrea Sachs.

Andrea. . .

Binalingan niya ng tingin si Mitch na nakatuon lang ang atensyon sa pinapanood nila.

"Paulit-ulit na natin itong napanood, eh." Kumuha ng popcorn si Ching at sinubo iyon.

"Hindi pa nagsasawa iyang si Bruha. Alam n'yo naman na favorite movie niya 'yan," sagot ni Shonak. "Ilusyunada nga rin. Akala mo naman magiging kamukha niya si Anne Hathaway." Tumawa ito at binato ng isang pirasong popcorn ang seryosong mukha ni Mitch.

"Kapangalan pala ni Andy ang bida," puna ni Ching.

"Kung ako talaga 'yan, my name would be Andy Sucks," aniya.

Tumawa ang tatlo ngunit agad ding tumigil nang mapansin ang pananahimik nilang dalawa ni Mitch.

"War ba kayo ngayon?" tanong sa kanila ng baklang kaibigan.

"Hindi pa ba obvious, panget?" tugon dito ni Pelita.

Kumibit-balikat si Shonak at muling kumuha ng popcorn saka iyon kinain.

"Ano ba ang pinag-awayan ninyo?" bulong sa kaniya ni Ching.

"Wala," aniya. Pinagmasdan niya si Mitch mula sa gilid ng kaniyang mata bago bumuntong hininga.

Muli nilang tinuon ang kanilang atensyon sa pinapanood na pelikula. Kung minsan ay nagbibigay sila ng komento sa mga kaganapan at tumatawa sa ibang eksena. Dahil doon kaya kahit paano'y naging magaan ang paligid.

"Haist! Malapit na ang tag-ulan," wika ni Ching. "Mami-miss ko talaga ang summer season."

"May next year pa naman, Conchita," sagot dito ni Shonak.

Narinig nila ang marahas na pagbuntong-hininga ni Pelita kaya tumuon ang atensyon nila sa dalaga. "Ang bilis lumipas ng panahon."

"Oo nga," tugon ni Mitch.

"Sana wala nang bagong taon, 'no? Para nandito lang tayo sa year na ito." Tumawa si Pelita.

Pinagdikit ni Andy ang kaniyang mga labi at malungkot na ngumiti. Tumingin siya kay Mitch, mataman itong makamasid sa kaniya.

"Ano ba 'yan!" Pabiro siyang tinulak ni Shonak sa balikat. Napalakas iyon kaya dumikit siya kay Mitch.

"What the hell, Shawn?" Umayos siya ng upo sa sofa at muling binalingan ng tingin ang matalik na kaibigan. Ang totoo ay hindi siya sanay na nanahimik lang ito.

The Depth WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon