Chapter 52

24 2 0
                                    

ANDY tapped her fingers on her lap while waiting for an important visitor to arrive. Inikot niya ang kaniyang paningin sa silid-aklatan saka bumuntong hininga.

"Seems like you're already bored in here, Andy." Tiningnan niya ang nagsalita na si Sara. "You used to locked yourself here when you were young, didn't you?"

"Yeah," bagot niyang sagot dito.

Tumuon ang atensyon niya kay Vida na hindi na ata maalis-alis ang nakapaskil na ngiti sa mga labi habang nakamasid sa kaniya. Umirap siya at nakahalukipkip na inandig ang kaniyang likuran sa sandalan ng malambot na leather settee.

Sabay-sabay na dumako ang atensyon ng lahat sa umawang na pinto at niluwa ang isang lalaki na hindi nakilalanan ni Andy. Pormal ang kasuotan nito at may suot na salamin sa mga mata. Base sa tindig at anyo ay pinalagay niya sa sarili na nasa sisenta na ang edad nito, walang bahid ng puti ang buhok dahil halatang pinakulayan nito ng itim iyon. May bitbit din ang matandang lalaki na attaché case sa kaliwang kamay.

"Hello, gentlemen." Lahat ay nasitayuan upang batiin ang bagong panauhin bukod kay Andy na nanatili sa kinauupuan.

"Magandang araw, Atty. Lorenzo." Humakbang si Henry upang makipagkamay sa abogado.

"Magandang araw rin sa iyo, Gov.," nakangiting tugon ng matanda bago sumulyap sa kaniya at mas nilawakan pa ang ngiti. "Miss Hernandez. What a pleasant day to finally meet you."

Lumapit ito sa kaniya at napilitan siyang tumayo para ibagay ang isa niyang kamay rito. The old man leaned closer to kiss the back of her hand. Ngumiti siya rito nang pilit.

"N-nice to meet you also, Attorney."

Nangingislap ang mga mata nito dahil sa pagkagiliw habang pinagmamasdan siya sa mukha. "What a lovely lady you are."

She actually smiled at the compliment. When the greetings were done, they all around at the long mahagony table. Sa pinakadulong bahagi naupo si Atty. Lorenzo. Umupo naman siya malapit sa abogado dahil iyon ang utos nito.

"Mukhang may ideya na rin naman kayo kung bakit ko kayo tinipon lahat dito." Inikot nito ang paningin sa lahat ng tao na umuukopa sa mahabang mesa. Pati siya ay nakigaya sa ginawa nito.

Hindi malaki ang pamilya ng grandparents niya kaya hindi na siya nagtaka kung bakit halos kalahati lamang ang okupadong bahagi ng mahabang mesa at malalayo pa ang distansya nilang lahat sa isa't isa. Naroroon ang Uncle Henry niya, kasama ang mag-ina nito na sina Sara at Charito; present din ang Uncle Jaime niya na pinsan ng nanay niya sa father side; also her Aunt Paula, together with her twin male cousins whose age were eight. Idagdag na rin si Vida na siyang pinakapinagkakatiwalaan ng lola niya.

"Just get to the point, Atty. Lorenzo. Wala nang dahilan para patagalin pa ito," wika ng Uncle Jaime niya. Unlike Henry, he's more tolerable middle aged man. Unmarried, childless, and workaholic.

Binuksan ng abogado ang dala nitong attaché case at may kinuhang mga papeles. Kumunot ang noo niya pero hindi na siya nagtaka pa sa kung ano ang gagawin nito. Bigla ay tumahimik ang paligid at lahat ay nakatutok ang atensyon sa abogado.

"There's nothing much about it. At sigurado ako na alam niyo na rin kung ano ang nilalaman ng mga dokumentong ito," marahang wika ni Atty. Lorenzo. "Guada made her last will and testament for more than twenty years ago already."

Everyone gasped at information, including Andy. Tumuwid siya ng upo at takang tiningnan ang abogado.

"Lito made his ten years back," he added.

"Ano ho ba ang sinabi nila?" tanong niya.

"Well. . ." Muling inikot ng abogado ang paningin sa kanila saka ngumiti. "According to Guada's Will. . . you, Andy— you will inherit the family's properties, including this house and the mansion in Brazil where you spent your younger years."

The Depth WithinOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz