Chapter 40

47 10 7
                                    

"ANDY, sama ka?" tanong ni Ching.

Umangat siya ng tingin mula sa kinakain na lumpia saka ito tinaasan ng kilay. "Saan?"

"Kay bunso," sagot nito.

"'Bunso'?"

"Kay Daniella Salazar," tugon ni Pelita.

Tumango siya at inubos muna ang limang piraso ng lumpiang shanghai bago tumayo. Kasama rin nila si Shonak at Mitch na panay ang chismisan at harutan sa daan patungo sa bahay ng kaibigan ng mga ito.

"Ang daya talaga ng bruhang 'yon. Matagal na pa lang nakauwi, wala man lang pasabi," himutok ni Pelita.

Huminto sila sa isang classic-modern Filipino house. Maaliwas sa paningin ang buong paligid niyon at presko rin ang dating. Yari sa nipa ang bubong at may iba't ibang halaman na nakatanim sa paligid ng bahay. Sa balkonahe ay naroon ang bamboo set. Umupo sila sa mahabang sofa na gawa sa kawayan.

"Aba! Nandito pala sina Shonak."

Sabay-sabay silang lumingon sa nagsalita na matandang babae, kaagapay nito sa paglalakad ang esposo na malugod na nakangiti sa kanila. Tumayo sila at isa-isang nagmano sa mga ito.

"Hinahanap n'yo ba si Danny?" tanong ng matandang lalaki na tinawag nila Shonak na Mang Besting.

"Oho. Nasaan na po ang apo ninyong iyon?" wika ni Mitch. "Minsan lang kaming nagkita sa Maynila dahil masyado siyang abala sa pag-aaral."

Nagkatinginan ang mag-asawa at ang ginang ang sumagot.

"Eh, ano kasi. . . Kilala n'yo naman ang apo namin. Hindi gaanong lumalabas."

"Hmp! Miss na po namin siya," nakalabing turan ni Shonak. Hustong sinabi nito iyon ay may narinig silang ingay na nagmula sa loob ng bahay. May narinig din silang yabag na bumababa sa hagdan.

"'La, 'lo. May natira pa ba n'ong dalandan?" tinig iyon ng isang babae.

Tumingin silang lahat sa dalagang sumilip sa nakabukas na pinto. Bakas ang pagkagulat sa mukha nito nang makita sina Shonak na excited itong nilapitan at inundayan ng yakap. Andy stared at the young lady. Sa tantya niya ay nineteen pa lang ito.

She's beautiful, she thought while gazing at the young woman. Maganda ang oval-shaped nitong mukha at straight na buhok. Upturned ang mga mata nito at may matangos na ilong, makipot na mga labi na natural na mamula-mula pati pisngi. Average lang din ang taas nito.

Bumaba ang paningin niya sa balikat nito at pababa pa hanggang sa dumako ang paningin niya sa tiyan nito. Her lips parted. Hindi pa iyon gaanong halata ngunit nakakasigurado siya na nagdadalang-tao ito. Kaya ba naghahanap ito ng dalandan?

"Daniella, we would like you to meet Andy."

Tumingin sa kaniya ang babae nang ipakilala siya ni Shonak. Tipid itong ngumiti sa kaniya. Nagkatitigan sila at ito ang unang bumawi ng paningin. Mukhang hindi nito gusto ang presensya ng ibang tao.

"Kumusta na, Danny? How's your university life?" usisa ni Pelita sa kaibigan.

"Terrible," Daniella replied with no enthusiasm.

"Bakit ka ba nagtatago? Matagal ka na pa lang nakabalik dito sa atin," sabi ni Ching. Kumibit-balikat lang ito saka kumuha ng upo sa pang-isahang sofa.

"You're pregnant." Tumahimik ang paligid dahil sa sinabi niya. Hindi na niya iyon napigilang lumabas sa kaniyang bibig dahil sa tagal nang pagkakatitig niya rito.

Mapait itong ngumiti at tumawa ng pagak. "Halata ba masyado?"

Nanggigilas na nagkatinginan sina Shonak, Ching, Pelita at Mitch. Tumikhim ang huli at alanganing tumabi rito ng upo.

The Depth WithinWhere stories live. Discover now