Chapter 42

38 4 10
                                    

UMAWANG ang bibig ni Andy habang tinititigan niya ang isang bouquet ng iba't ibang klase ng mga bulaklak na nakalahad sa harap niya. Nalilitong tinapunan niya ng tingin ang lalaking may hawak niyon. Mas lalo pa siyang nalito kung bakit ito naroon.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya kay Albert na kakabanaagan ng pagkadismaya ang mukha dahil sa naging tugon niya sa presensya nito.

"I called Mitchell na pupunta ako rito para bisitahin ang best writer ko. So, here." Dinuldol nito sa mukha niya ang bouquet ng bulaklak na dala nito. "Accept my-"

"At para saan naman iyan?" Hindi niya tinanggap ang iniaabot nito kaya napabuntong-hininga na lamang na ibinaba nito iyon. Pinanhalukipkipan niya ito. "So. Ano nga ang sadya mo rito?" Pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakadamit pang-opisina pa ito at halata ang pagod sa mahabang biyahe.

"I'm here to check if you're finally okay."

"And I am," tugon niya. "What's that for?" aniya habang nakaturo ang kamay sa hawak nito.

Kumamot ito sa batok. Sa gulat niya'y bigla itong lumuhod sa harap niya at muling inilahad ang isang pumpon ng mga bulaklak. "I really like you, Andy. Please do accept my feelings for you!"

Mas lalo pang umawang ang bibig niya sa narinig. Pinagtitinginan na rin sila ng mga taong dumaraan dahil wala sila sa loob ng bahay nina Mitch. Bigla na lang kasi itong sumulpot sa harap niya na parang kabute nang lumabas siya para sana tawagin si Mimi.

"Naka-drugs ka ba?" Tumaas ang sulok ng labi niya nang sunod-sunod itong umiling. "Will you please stop? Damn it, Albert, I already have a boyfriend for Christ's sake!"

Tinalikuran niya si Albert hindi upang iwan ito na nakabilad sa mga mata ng mga tao na nakatingin sa kanila kundi upang kontrolin ang sarili niya. Konti na lang at mabubulyawan na niya ito sa sobrang inis.

"M-may boyfriend ka na?" Nilingon niya si Albert at nakita na hindi ito makapaniwala sa sinabi niya. "Hindi 'yan nabanggit sa akin ni Guzman nang ipatawag ko siya sa opisina. Ang tanging sinabi niya lang sa akin ay maraming nanggugulo sa iyo rito at may isang lalaki na ayaw kang tantanan. Pinayuhan niya pa nga ako na magmadali at ligawan ka na nang tuluyan."

"At naniwala ka naman?" Umismid siya at namaywang. Ano na naman kaya ang trip ng bruha niyang kaibigan at dinamay pa ito sa kalokohan.

"May problema ba?"

Sabay silang bumaling ng tingin sa nagsalita. Her face instantly brighten up when she saw Ion on his usual sando shirt and faded denim shorts.

"It's nothing, Ion." Lumapit siya sa nobyo at kumapit sa braso nito. "He's my boss," aniya nang hindi pa rin nito binabawi ang paningin kay Albert. Binalingan niya ang huli at pinandilatan ng mga mata. Mukhang hindi naman ito natinag sa lihim niyang pagbabanta.

"Hi, bro!" Humakbang ito palapit kay Ion at nakipagkamay. "Manliligaw lang sana ako sa writer ko."

"'Manliligaw'?" Tumaas ang kilay ng kaniyang kasintahan bago bumaling sa kaniya. "Haven't she told you yet that she already have a boyfriend, which is me?"

Kumibit-balikat si Albert. Nang-iinis talaga.

"He's insane!" agap niya nang akmang susugurin sana ni Ion ang lokong lalaki.

"Yes. Insane over you," sagot ni Albert na tinaas-baba pa ang isang kilay.

"Shut up! I will kill you later," she mouthed at him in gritted teeth. Binitawan niya si Ion at dali-daling tinulak papasok ng bahay si Albert. "Stay here. Hintayin mo akong makabalik. Lagot ka talaga sa akin, Alberto Alsua!" pagbabanta niya rito. Nginisihan lamang siya ng lalaki.

The Depth WithinDonde viven las historias. Descúbrelo ahora