Chapter 29

58 14 5
                                    

HINUBAD ni Andy ang suot niyang boots at basta na lang iyong initsa sa pinung buhangin. Nangingiting dinampot naman ni Ion ang gamit ng kasintahan na tuwang-tuwa na nagtatakbo papunta sa dalampasigan at nakipaghabulan sa mumunting alon na humahampas sa baybayin.

Alas-tres na sila ng hapon nakapunta roon ngunit sulit na sulit naman dahil sa magandang tanawin. Nagkikislapan ang tubig dagat dahil sa sinag ng hapong araw. Naramdaman ni Andy ang pag-angat niya at biglang pag-ikot. Natatawang hinampas niya ang nakayapos na braso ni Ion at hinarap ito pagkatapos siyang ibaba. Niyakap niya ito sa leeg at pinagdikit ang kanilang mga noo. They stayed on that position for awhile until Ion hugged her on the waist and kissed her torridly.

Dinantay niya ang isa niyang kamay sa dibdib ni Ion at marahan itong tinulak upang magkaroon sila ng kaunting distansya.

"How I wish they were with us." Ang tinutukoy niya ay sina Shonak.

Busy si Pelita nang mga oras na iyon dahil sinugod sa ospital ang tiyuhin nito na nasobrahan sa pag-inom ng alak kaya inatake sa puso. Si Ching naman ay abala sa katamaran. Si Shonak ang rason ay may dysmenorrhea- as if naman na may matris ang bakla.

"Nasaan sina Mitch?" tanong ni Ion.

"Manila. Pinatawag siya ni Albert at gusto siyang makausap ng tatay niya."

"So this means na solong-solo natin ang araw na ito." Hinawakan siya ni Ion sa kamay at bigla na lang siyang pinangko. Nakulong sa kaniyang lalamunan ang tili niya ng magsimulang maglakad ang binata patungo sa tubig dagat.

"Put me down, Ion!" utos niya rito. Pilit siyang gumalaw at ng hanggang tuhod na ni Ion ang tubig ay nawalan ito ng balanse. Pareho silang nalublub sa tubig.

Umubo siya at nilabas ang dila dahil sa natikman niyang alat ng tubig. Hinalamos naman ni Ion ang palad nito para tuyuin ang mukha.

She glared at him. "I told you na hindi nga ako marunong lumangoy. Damn it!"

"I'm sorry." Tumayo ito at nilahad sa kaniya ang isang kamay. Agad niya iyong tinanggap.

Naglakad-lakad sila sa dalampasigan at namulot ng mga seashell. Andy was enjoying the fresh sea breeze and the company of the man beside her. Magkahawak-kamay sila habang tinatalunton ang baybayin at pinapakinggan ang tunog ng bawak hampas ng alon buhangin at sa kanilang mga paa.

"Hey, love." Hinila siya ni Ion papaloob sa mga bisig nito at marubdub siyang siniil ng halik sa mga labi.

"Tama na." Natatawang tinulak niya ito palayo at nagpatuloy sa pamumulot ng maliliit at makikinis na mga bato. "This is so pretty!" aniya habang sinisipat ang isang maliit na kulay pulang bato. Itinapat niya iyo sa araw na naghahanda na sa paglubog.

"Listen to this, Andy." Tumabi sa kaniya si Ion at tinapat sa kaliwa niyang tainga ang isang malaking seashell- a giant mauve-mouth drill to be particular. "You hear it?"

Tiningnan niya ito sa mga mata at namamanghan sa narinig na tunog na nagmumula sa bibig ng shell. It was fascinating.

"Wow!" Her mouth shaped 'o' when she said that. And Ion just watched her amazement.


"LOVE, tulog ka na ba?" Idinilat ni Andy ang kaniyang mga mata nang marinig ang masuyong tinig ni Ion. Lumandas ang matamis na ngiti sa mga labi niya saka siya sumiksik lalo sa katawan nito at tinapik-tapik ang mga braso na nakayapos sa kaniya.

It.was a beautiful night along the seashore.

Sabay nilang pinanood ang papalubog na araw tulad ng nakagawian nila. She couldn't stop gazing at him as they listen to the sound of the waves and chirping of birds. Suot ni Ion ang puting v-neck shirt nito na tinabasan ng manggas at ang kupas na maong shorts nito. Sa lumipas na panahon ay humaba na ang itim at wavy na buhok ng kasintahan niya, inililipad ang ilang hibla niyon sa tuwing umiihip ang malakas at sariwang hangin.

The Depth WithinWhere stories live. Discover now